Itim na Libro

4.1K 39 3
                                    

Galing ako ng Capis, Malakas ang ulan at madilim ang paligid. Habang binabaybay ko ang highway na ako lang yata ang dumadaan may pumara sa akin at nakisakay.. (maputi,maganda, at ang haba ng buhok hanggang baywang nya.) Habang nagmamaneho ako kinakausap ko sya pero di sya sumasagot (naki-hitch na nga suplada pa). Bumaba sya sa tapat ng isang puno na ilang dipa lang ang layo sa sementeryo duon.. inaabot nya ang isang itim na libro sabay sinabi nya bilhin ko na raw yung libro nya ng Php 1000.. dahil sa madali akong makumbinsi binili ko ang libro sa halagang Php 950 dahil inawas ko yung hitch nya (nagulangan ko, wise kasi ako minsan pagdating sa bilihan).. Bago ko tuluyang lisan ang lugar pinaalala nya sa akin na wag na wag ko daw titignan yung likod ng libro dahil may masamang mangyayari sa akin at pagsisisihan ko habang buhay.. Nasa bahay na ako pero di pa rin matanggal sa isip ko yung sinabi ng babae.. napapaisip ako kung bakit, hanggang sa nagdesisyon ako na tignan ang likod ng libro.. wala na akong paki alam kung anong mangyayari, gusto kong tignan kung ano ang nasa likod ng libro.. Ngunit nang makita ko ang likod ng libro nanginig ang buong katawan ko sa gulat, bigla sumakit ang ulo ko, at may kasamang paglalambot ng pangangatawan... Dahil nakasulat sa likod. National Bookstore Php 49.75

Tagalog JokesWhere stories live. Discover now