Ang Nakakatawang Bilog

2.6K 23 0
                                    

Isang umaga ay nagmaneho si Bruno papuntang baguio.

habang bumabyahe ay bigla syang nag overtake sa isang truck na kinagulat namn ng driver nito at muntik ng mahulog sa bangin

hinabol sya ng driver ng truck at pinababa. gumuhit sya ng malaking bilog sa kalsada at doon pinatayo si Bruno

Truck Driver: kapag lumabas ka sa bilog na yan sasaksakin kita at babalatan!!

lumapit ang driver ng truck sa kotse ni Bruno at pingbubutas ang gulong nito. habang ginagawa nya ito ay biglang tumawa si Bruno

lalong nagalit ang driver at binasag ang windshield ng sasakyan. sa pgkakataong ito ay lalong tumawa si Bruno

mas nagalit na ang driver at sinira ang pinto ng sasakyan ngunit sadyang di mapigilan ni Bruno ang kanyng pagtawa. dahil dito ay galit na nagtanong na ang driver ng truck sa kanya

Truck Driver: tarantado ka ah! wasak na ang kotse mo! ano pa ang tinatawa mo?!

Bruno: hahaha.. wala ho, natatawa lang ho ako sa inyong katangahan.lumabas kasi ako ng tatlong beses sa bilog ng hindi nyo alam..

Tagalog JokesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon