Nakakatakot na Cowboy

5.6K 107 0
                                    

*** Isang cowboy si Ethan. isang araw ay pumunta at dumayo sya sa kabilang bayan sakay sa kanyang kabayo para mamasyal. pagdating doon ay tinali nya ang kanyang kabayo sa labas ng isang karinderya at umorder ng gatas sa loob. dahil dayuhan si Ethan sa nasabing bayan ay naisipang pagkatuwaan sya ng mga tao doon. itinago nila ang kabayo ni Ethan. Paglabas nya ay nadatnan nyang wala na ang kabayo sa kanyang pinagtalian. Alam nyang itinago ito ng mga tao kayat bumalik sya sa loob at umorder uli ***

Ethan: (sumisigaw) pagkatapos kong inumin ang gatas na ito ay gusto kong makitang nakatali na ang kabayo ko sa labas!! huwag nyo akong piliting gawin ko dito ang ginawa ko rin sa kabilang bayan!!!

*** nanginig at natakot ang mga tao. Pagkatapos ni Ethan mainum ang gatas ay lumabas sya at doon nakita na nyang nakatali muli ang kanyang kabayo. nagtaka ang lalaking may-ari ng karinderya at nagtanong ***

Lalake: boss, ano po ba ang ginawa nyo noon sa kabilang bayan?

Ethan: ano pa, edi naglakad pauwi!

Tagalog JokesWhere stories live. Discover now