Pasahero (horror)

2.9K 35 0
                                    

Sa bandang tagaytay nagbaba ng pasahero ang isang taxi driver.. pero di pa siya nakakalayo ng may pumara sa kanyang isang sexy.

"miss san tayo?"

paglingon ng driver ay nakita nyang parang kakaiba ang suot ng babae, medyo madumi at nakatungo ito ng
sobra nung sumagot..

"dyan lang ako sa may bangin sa unahan"

ang tinig nya ay naka pangingilabot pero di iyon masyado ininda ng driver dahil kelangan nyang kumayod. Napaisip ang driver..

"parang wala naman ako napansing bahayan dun nung napadaan ako kanina ah.. hmp. siguro natakpan lang ng matataas na damo"

nililingon nya ang babae sa rearview mirror pero wala namang kakaiba bukod sa suot at sa pagkakatungo nito. Nang umabot na sila sa malapit sa matarik na bangin.. nagtanong ang mamang driver

" miss lapit na tayo. San ba banda dito may maliwanag para maibaba kita?"

sabi nung babae.. Jan.. jan.. biglang tumili ang babae at ipinakita ang
naagnas na mukha..

jan.. jan.. JAN AKO NIRAAAAAPPPEEEE! AAAeeeeHH!

Kasabay nun ang pagbukas ng apat na pinto at paglabas ng babae na patakbo sa may bangin at parang usok na naglaho sa paningin ng naninigas at di makakilos na kawawang taxi driver..

Ilang minuto pa siya bago
natauhan sa pagkakaparalisa ng katawan.. nagmamadali siyang lumapit sa madamong parte kung saan naglaho ang babae. At napansin nya duong nagkalat ang damit ng
babae.

wala ng nagawa ang
kawawang driver kundi
mapasigaw.


"HAYUP KA! HINDI KA MARUNONG MAGBAYAD! AANHIN KO TONG DAMIT MO? ISUSUOT KO?!!!"

Tagalog JokesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon