Chapter 2.

16K 496 41
                                    

Chapter 2.

Sinundo ako ni Bruce sa bahay at sabay kaming pumasok. Hindi rin siya ganon kayaman kaya presko ang relasyon namin. Simple lang.

"Ingat, Margarette. See you later!" Hinalikan niya ang noo 'ko bago siya umalis ng building.

Nagaral agad ako pagdating sa classroom. Irregular students ang mga kaibigan 'ko kaya bihira 'ko lang sila maging kaklase. Iisa or dadalawang subjects lang.

Dumating ang prof kasama ang isang pamilyar na lalaki.. Oh my gosh! S-siya 'yung anak ng mayor! Oh my god! I'm so dead! Anong ginagawa niyan dito?!

"Everyone, this is Clarence Montereal. He will be in this subject until the semester ends and I want you all to be good. Alright?" Tinakip 'ko ang libro 'ko sa mukha 'ko.

Mayaman talaga ang dating ni Clarence. Naka leather jacket siya, itim na tshirt panloob, ripped pants at itim na sapatos. Nakakalula ang pagiging mayaman niya. Ugh.

Laking pasasalamat 'ko ng nilagpasan niya ang upuan 'ko. My gosh. Araw araw nalang ba akong magtatago?

"I want you to group yourselves into four. Project making tayo." Ito yung pinaka ayaw 'kong part. Shet. Ni-isa ay wala akong kaibigan ko kilala man lang sa section na 'to! My gosh! How lonely could I get?

"Psst! Marga!" Napatingin ako sa likod 'ko. Tatlong lalaki at isa sa kanila si Clarence. Mas tinakip 'ko pa ang bangs 'ko para 'di ako mahalata ni Clarence. Feeler ka, Marga. Baka nga 'di ka na kilala niyan?

"Bakit?" I asked. Introvert probs! Ugh!

"Dito ka nalang samin. Kulang kami ng isa, eh." Anang isang lalaki. Ugh. Fine. Hindi ko sila kilala pero kilala nila ako.

Tumango ako at tumabi ako sa isang lalaki. Kitang kita 'ko ang titig sa akin ni Clarence. Hory shet!

"Teka.. You're familiar." he spoke! Napahawak siya sa baba niya habang iniisip 'kung paano nga ba ako naging pamilyar sakanya. "Ah! The girl last week at the mall! Tama ba, babe?" Sinulyapan 'ko siya at nakasmirk siya sa akin.

"No. I don't know what you're talking about." Sabi 'ko at nagiwas ng tingin sa'kin.

"Hoy aba, Marga ah. Akala 'ko maria clara ka. Isa ka na pala sa mga babae ni Clarence." Anang isang lalaking ka groupmate 'ko.

"Ako pa ba, brad?" Mayabang na sabi ni Clarence. Ugh! I hate him!

"Nope. Hindi ako iyon, Clarence." I said. "Teka. Anong name niyo? Hindi 'ko kayo killa, eh." Inayos 'ko ang glasses 'ko at tinignan sila isa isa. Infairness, mga gwapo.

"Sa sobrang close mo sa libro mo, ayan hindi mo kami kilala." They both chuckled. Aside from Clarence na nakatitig lang sakin. "Russell nga pala."

"Rayven." Anang isa.

Nginitian 'ko ang dalawa. Napatingin ako kay Clarence at nakatitig padin siya sakin.

"Russell, palit nga tayo upuan." Natatawang sabi ni Clarence kaya kinabahan agad ako. Darn this guy!

Nagbigay na ng designated project ang prof namin. Gagawa kami ng house model with the use of recycable materials. Ughh. Matagal 'ko palang makakasama ang mga 'to!

"So simulan na natin mamaya? Next week agad pasahan, eh." Anang Rayven.

"Yeah. Probably. So saan tayo gagawa?" I asked. Nagkatinginan ang tatlong lalaki.

Alluring I: Alluring the beautiful geekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon