Chapter 15.

13.3K 411 109
                                    

Chapter 15.

Ngayong araw ang simula ng workshops 'ko. Kailangan palagi kaming naka high heels, color coding shirt at leggings. Ang PPP productions ang may hawak sa amin kaya sobrang nakakatakot. They've handled Kathryn Bernardo, Max Collins, Julia Barretto and Marian Rivera before kaya nakakapressure. Bigtime yung mga nahawakan nila!


"Ayaw 'ko ng may magba-back out. I do not like handling weak people. I hate absences also." Mataray na saad ni Miss Zanea. Napalunok ako. Shet! "Excuse me, hija." Napatingin ako sakanya. Tinaasan niya ako ng kilay kaya inayos 'ko ang postura 'ko.


"P-po?"


"Are you related to Kathryn Bernardo?" Lumapit siya sa akin. Shet. Ang tangkad niya!


"No, Miss." I smiled.


"Talaga? Hawig kayo." She smiled. 'Yon lang at bumalik na siya sa harapan.


Whaaaaat? Hawig 'ko si KB? Grabe pinapaasa nila ako. Kahurt! Ang ganda kaya nun? Ang labo! (LOL)


Unang ginawa namin ay nag practice ng lakad. Training kung training! Medyo nanakit yung talampakan ko kasi first time 'kong magsuot ng 5 inches heels. Ang OA sa haba pero wala eh. PPP productions ang nagprovide kaya wala akong choice.


"Chin up, stomach in, fierce look!" Sigaw ni Miss Zanea. Feeling ko maluluha na ako dahil sa sobrang pagkamanhid ng buong katawan. Bawal ang hindi naka straight body! Gosh!


Pagtapos ng training ay sinundo ako ni Bruce sa studio. Agad akong umupo sa bench and exhaled heavily. My gosh. It's so exhausting!


"Kamusta?" Tanong niya at tinabihan ako.


"I'm so tired... Grabe." Napailing ako. "Feeling 'ko mali 'tong pinasok 'ko."


"Sus. Kaya mo 'yan. Ikaw pa? I guess that's alot easier than studying 5 chapters of Accounting in only a day." He chuckled. Kinurot 'ko ang pisngi niya at napatawa. No! He's wrong! Mas nakakapagod ito! Nakakaloka!


Nabilhan na ng motor si Bruce kaya daw anytime na kaming gumala-gala. Nag dinner kami sa KFC, at libre niya. Bago kami umuwi ay dumaan muna kami sa park malapit sa amin at umupo sa grass.


"Marga you're getting thin." Komento niya.


"Talaga? I've been restless." I pouted. Tinignan 'ko ang boyfriend 'ko. Gwapo at baby face parin. "At ikaw, lalo 'kang gumagwapo." May babae na kaya ito?


"Thanks. I know." He winked.


"Bruce, nambabae ka na ba?" Tanong 'ko. Napatitig siya ng matagal sa akin. What now?


"Enough na 'yung ginawa 'ko noon. I lost you and I swear i didn't like the feeling of losing you. Promise. Hindi na ako nagkaroon ng babae maliban sa'yo." He interwined our hands together. I can see the sincerity on his eyes.


Nakonsensya ako. I... With Clarence. Are we cheating on Bruce already?


"Kinilig naman ako 'don." I giggled. Sarap sa feeling pag alam mong mahal na mahal ka ng boyfriend mo. Pero agad ding nakakalungkot dahil hindi naman ako loyal sakanya.


"Eh ikaw ba? Kayo ni Clarence? I want you to be completely honest with me." Tumitig siya sa akin. Yung titig na wala kang kawala. Yung titig na kailangan mo talagang umamin.


I bursted into tears. Feeling ko dahan-dahang pinupunit ang puso 'ko. Sobrang naiinis ako kasi.. Clarence almost stole me from Bruce and I just let him! He always kisses me and I'm responding! He's flirting with me and I like it! Darn it! I cheated on Bruce!


"B-bruce.. Sorry!" Humagulgol ako lalo.


He sighed heavily. Niyakap nya lang ako pero hindi siya umiimik. Maybe he's trying to analyze our situation.


"Iiyak mo muna, Margarette. And please tell me EVERYTHING. Okay? Everything." He said.


Tumango ako. Pinatahan ko muna ang sarili 'ko bago magsalita. Good thing ay lagi akong may dalang water so I drank it.


"Please, tell me everything." Aniya. Tumango ako at huminga ng malalim.


"I-I cheated." Panimula 'ko. Napapikit siya ng mariin. Nakita 'kong may luha na kumawala 'don kaya mas lalo akong nagalit sa sarili 'ko.


"Y-you gave in to Clarence?" Malungkot na tanong niya. Pingilan 'kong tumula ang luha 'ko.


"Almost.." Sa sinabi 'kong iyon ay muling tumulo ang luha niya. "Ilang beses na kaming nag kiss. We almost did 'it'.. Napapunta 'ko na din siya sa bahay at kilala na siya nila Mama."


"Ito na nga ba ang sinasabi 'ko. God damn it, Margarette! Sabi 'ko naman sa'yo diba! Lumayo ka sakanya! Tignan mo, hindi ako nagkamali. You became his dog. You're his dog. Sunud-sunuran ka sakanya!"


Mas lalong akong naiyak. I know! Alam 'kong I'm giving ALMOST my everything to Clarence at wala siyang pakealam 'don kasi nga para sakanya! Hoe of the day lang ako!


"Marga please don't give in to him.. I'm telling you. Virginity lang habol niyan so please don't give him a motive na may chance siyang makuha iyon. Bababuyin ka lang niya. He'll just use you for lust! Damn it!" Mahigpit ang hawak niya sa kamay 'ko.


Hindi 'ko mapigilan ang iyak 'ko. Oo! Tama si Bruce! 'Yon lang talaga ang habol niya! And it freaking hurts!


"Do you like him?" Mariing tanong niya. I was caugh off guard. "Bat 'ko pa ba tinatanong? Ofcourse you do! Bibigay ka ba 'kung hindi?"



"P-pero Bruce ikaw ang mahal 'ko! I-it doesn't matter if I like him or not ikaw ang mahal 'ko! Please.. Please 'wag mo akong iwan." Niyakap 'ko siya ng mariin.


Hinarap niya ako and cupped my cheeks, "There's no damn way I'm giving you up, Marga. Basta iwasan mo ang ulol na iyon!"


Mabilis akong tumango. Alam 'kong nabahiran na ang tiwala ni Bruce sa akin pero kakapit padin ako. Babawi ako sakanya!


"I will stay away from him. I promise. Pero please.. Please Bruce 'wag kang maghahanap ng iba. I love you.. I'm so sorry." Gumaan ang pakiramdam 'kong yakapin niya ako at halikan ang noo 'ko.

"Naramdaman 'ko na ang sakit na naramdaman mo noon, Marga." He sighed. "I love you so much, babe."


Babe... Fuck! Naalala ko na naman siya!


"I love you too.. So much."


Napagdesisyunan 'kong ipakilala na si Bruce kina Ate at Mama. I promise. Within this week ay magpapakatotoo na ako kay Bruce at tuluyan 'kong puputulin ang kung anong mayroon kami ni Clarence bago pa ako mahulog sakanya... Kasi alam kong malapit na.

Alluring I: Alluring the beautiful geekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon