Chapter 12.

12.6K 432 51
                                    

Chapter 12.

Kasama ko si Bruce pero hindi mawala sa isipan ko ang french kiss namin ni Clarence. Urrgghh. Was that.. Right? I don't know. He tastes sweet. Alam mo yun? You're not a kissing monster pero kung ganon kagaling humalik ang isang lalaki plus ang sarap pa humalik eh parang hahanap-hanapin mo na.



"Marga? Are you listening?" Napatingin ako kay Bruce na mukhang kanina pa nagsasalita.


"Ah sorry naalala ko lang 'yung pageant." I smiled at my boyfriend. "Ano yun?"


"Sabi 'ko are you really sure na sasali ka? I mean yeah, you're beautiful and smart. Bagay na bagay ka 'don. But it's your first time.." Worried na saad ni Bruce.


"Yes, bruce. I've decided. Susuportahan ako ng blockmates ko and nasabi ko na din kay Mama and Ate. Dapat daw noon pa ako sumasali-sali sa mga pageant kasi bagay daw sakin." I pouted.  Naalala ko kung gaano kasaya si Mama nung sinabi 'kong napili ako bilang isa sa search for the Ambassadress and Ambassadors chuchu.


"Bagay na bagay but you were so introvert before! Buti nga ngayon marunong ka na makipag-interact, eh. At pasalamat ka, kahit ilang beses mo ako binasted e hindi kita sinukuan." He interwined our hands together. Napatawa ako sa sinabi niya. I turned him down for I think.. 6 times? One year niya din akong niligawan.



"And you should be grateful coz you're my first." Nagbelat ako. First boyfriend, oo. Pero ang first kiss, first momol, si Clarence. Si Clarence na isang buwan ko palang kilala. Si Clarence na hindi ko naman karelasyon. Hays!



"God knows how thankful I am." He smiled. Hinalikan niya ang noo 'ko at yumakap sa bewang 'ko. Nakakamiss yung paglalambing ni Bruce ng ganito. Nasasanay na kasi ako na si Clarence yung gumagawa ng mga bagay na hinahanap-hanap kong gawin ni Bruce sa akin.



"Uhm, Bruce? Malapit 4th anniversary natin." I reminded him.


"I thought you forgot. Panay si Clarence and your squad nalang kasi ang lagi mong kasama." He pouted. Natawa ako at kinurot ang ilong niya.



"Eto na nga at hindi ako nagbasa ng libro para maka-date ka diba?"




Naglakad lakad kami ni Bruce sa mall habang naka-akbay siya sa akin at naka-akap naman ako sa bewang niya. Nakonsensya ako bigla kasi naalala ko kung gaano kami ka clingy ni Clarence sa isa't isa whenever were together. Am I close to cheating? Or I'm already there? Hindi ko alam.


Nakasalubong namin bigla si Clarence, Russell at Rayven. Sabado ngayon at feeling ko ay nag-gala ang mga ito.


"Uy!" Bati 'ko at humiwalay kay Bruce kaunti. Nakita 'kong napatingin si Bruce sakin dahil sa ginawa ko. Shocks!


"Hey, Marga!" Bati ni Russell at Rayven.


"Hello! Ano ginagawa niyo dito?" May bitbit si Russel na paper bag galing sa sa blue magic. Medyo malaki ito. Ano kaya 'yan? Stuff toy? Para kay Shan?


"Ah, we helped Clarence pumili ng—" Nakita kong pinandilatan ni Clarence si Russell ng mata. What was that? "Ah! Ano! Uhm. Nag-ikot? Ang boring eh?" Ngumiti ng pabalang si Russell at tinago ang paper bag sa likod niya.


Napatingin ako kay Clarence at kasabay non ay ang pag-irap niya sa akin. Nauna siyang naglakad kaya nagpaalam na sina sakin at mabilis na sinundan si Clarence.


Alluring I: Alluring the beautiful geekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon