Chapter 9.

12.5K 458 78
                                    

Chapter 9.

Tatlong linggo. It's been 3 weeks at talagang hindi kami nagpapansinan ni Clarence. Buti nalang ay tapos na na namin agad ang house model kaya hindi na namin kailangan pumunta sa condo niya.


Bruce and I.. Sakto lang. Walang nagbago. Ganon padin kami. Susunduin niya ako, minsan sabay kami mag lunch at ihahatid niya ako sa kanto malapit sa bahay. He's not allowed to fetch me sa harap mismo ng bahay kasi hindi pa kami legal. I mean, 'di pa alam nina Ate't Mama na may boyfriend na ako.



"Uy, balita 'ko gagawa ng banda sina Rayven ah? Kasali ba si Russell? Panguusisa ni Shan kay Dexa.


"Duh! Mayroon na! Actually nagppractice na sila lagi sa bahay nina Clarence sa BF Parañaque. Naka line up nadin sila for battle of the bands next month." Anang Dexa. Teka. I've been outdated. May banda na sila?


"Amazing! Gusto 'ko makapunta sa bahay nina Clar! Balita 'ko mala-mansyon daw ah?" Shan.


"Nakapunta ako once. Yes! My gosh! May pool pa!" Dexa.


"Marga? Okay ka lang?" Anang Jen. Napatingin tuloy si Dexa at Shan sakin.


"I'm okay." I faked a smile.


"Oonga pala. Hindi na kayo nagpapansinan ni Clarence! What happened?" Dexa. Ngayon lang siguro nila napansin na talagang hindi na kami nagiinteract ni Clar.



I told them na I asked Clarence for a space because I don't want Bruce to see Clarence as a threat on our relationship. Ayokong masira ang 3 years na relasyon namin ng dahil lang sa 'trip' ako ni Clarence. He wants me only for playtime. But Bruce wants me lifetime. That's the truth. And it sucks.


"You're so naive. Are you really sure with Bruce? Wala ka bang gusto man lang kay Clarence?" Jen. Si Jen na ang nagsalita! Ang dami na nitong experience sa love kaya naman the best siya mag advice.


"I.. I love Bruce. Aaminin 'ko, muntik na kaming masira ni Bruce dahil kay Clar."


"Bakit? May masisira ba kung walang emotional attachment? Baka naman.. Mas tinuonan mo ng atensyon si Clar kesa kay Bruce that's why your boyfriend sees him as one big threat." Shet, Jen. Kakaibabe ka. Nadali mo!


"Partly correct. Nangyari 'yon, Jen. Yung mas may time ako kay Clar kesa kay Bruce—"


"Then that explains everything! Lamang si Clarence! Maybe you're just holding into that shit with Bruce nang dahil lang sa '3 years niyong relasyon'" She hand-quoted the '3 years niyong relasyon'


"Jen is right, honey. Baka naman wala ka na talagang feelings kay Bruce. Pinanghahawakan mo lang yung 3 years niyong relasyon kaya ayaw mo bumitiw." Shan.


"Kasi kung mahal mo talaga si Bruce, hindi mo MAS paglalaanan ng time si Clar kaysa kaysa sakanya." Dexa. "I've seen the way you look at him, Marga."


"Do not confuse me, girls." Napahawak ako sa sentido ko. I cannot. Sakit sa ulo! "O kunwari e gusto 'ko si Clarence. Pero.. Hindi. Hindi magiging kami. Siya na mismo nagsabi, trip na trip niya ako pero hindi niya kaya magseryoso. And duh? I'm not pretty unlike his fuckgirls." Napairap ako sa kawalan.

Alluring I: Alluring the beautiful geekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon