Chapter 50.

11K 421 182
                                    

Chapter 50.


Hindi mawala sa isip 'ko ang usapan ni Congressman at ni Clarence. Ilang araw na ang lumipas pero hindi ko parin iyon makalimutan. Teka nga.. Bat ba ako apektado?



"Oh Margarette, kain ka. Baka sabihin mo ginugutom kita." Ngiti ni Zachari sa akin.




Tinitigan ko lang ang pagkain na binili niya para sa akin. Napakunot ang noo 'ko dahil sa sama ng amoy nito. Hindi naman ito ang gusto ko kainin pero ito ang binili niya. Badtrip! But then again wala akong karapatan magreklamo dahil tinanong niya ako kung ano ang gusto ko kainin pero "kahit ano" lang ang sagot 'ko. Darn it.



"Ayaw mo ba?" Zach pouted. Nakakahiya naman kung sabihin 'kong Oo!




"Ah! Hindi ah.. Actually.. Takam na takam ako. Yum yum!" Pilit na sabi 'ko at napangiti naman siya 'don.



Pero nabigo akong magpretend. I end up feeling extremely nauseous. Tumakbo ako patungo sa CR and locked myself inside the cubicle. Pero kahit anong suka 'ko, walang lumalabas. Meron konti is pero parang tubig tubig. Darn it.



"Marga! Open the door!" Anang Zach mula sa labas.



I flushed the toilet and opened the door. Nagmumog pa ako and composed myself. My gosh. Ang haggard 'ko!



"Are you sick?" Zach asked while caressing my back.



"Kinda.." Napahilot ako sa sentido 'ko and sighed heavily. Ito ang unang araw na sumama ang pakiramdam 'ko. I'll get myself checked kapag di pa ito nawala.




"Gusto mo magpa check up tayo? You look pale.." Niyakap ako ni Zach at hinalikan ang pisngi 'ko. Ang shweet nemen.



"Pag after 3 days e masama parin ang pakiramdam 'ko, I'll go to the doctor na." I smiled at sumang-ayon naman siya 'don.



Hinatid ako ni Zach sa bahay. Binilhan niya pa muna ako ng maraming pagkain na kinecrave 'ko at umalis na din siya pagtapos.


I'm all alone in our house dahil nag out of town sina Maddi at Bruce. Si Ate at Mama naman ay may pinuntahang seminar kaya I have no choice but to take care of myself.



I opened my laptop and checked my emails. Napatulala nalang ako sa screen habang binabasa ang email.. Ni... Clarence.



From: clarencemontereal@yahoo.com

Margarette, please come here. I need you. Don't worry, I'll give you incentives.



Walang ano ano ay umalis agad ako sa bahay kahit masama ang pakiramdam 'ko. Agad agad akong nagtungo sa opisina dahil kailangan daw ako ni Clarence.



"Miss. Marga ano po ginagawa niyo dito?" Tanong sa akin ni manong guard.



"Emergency meeting lang." I smiled at nagdire-diretso na. Weekend kasi ngayon at wala dapat akong pasok pero eto ako..


Nakarating ako sa floor ni Clarence. Kumatok muna ako ng tatlong beses at pumasok na. Parang umatras ang katawan 'ko sa kung ano ang sumalubong sa akin. Clarence, another girl and the Montereals.. What the f. What's the meaning of this?!



"Margarette?" Puno ng pagtataka na tanong ni Clarence at napakunot ang noo niya.



"Ate Marga!" Dinaluhan ako ni Cleire at yumakap sa akin.



Alluring I: Alluring the beautiful geekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon