Chapter 25.

13.5K 485 69
                                    

Chapter 25.


Naginuman kami sa may restobar malapit sa hotel. I mean.. Sumama lang ako. Ayaw na din naman akong painumin ni Clarence kaya okay na ako.



"Grabe Clar ha, parang dati lang pinipilit mo si Marga na uminom. Ngayon, ikaw na ang nagbabawal sa kanya." Anang Russell.



"Ganon talaga kapag boyfriend ka na. May karapatan ka na." Ngiti ni Clarence sa kanila at humalik sa pisngi 'ko.



Naglabas ng cigarette si Rayven. Alam 'kong nagssmoke sila pero hindi madalas. Nagsindi din si Russell, Joshua, Dexa at Shan. Si Chris dapat magsisindi kaso sinamaan siya ng tingin ni Jen. Haha cute nila.



"Oh, Clar." Naglahad si Russell ng yosi kay Clar. Umiling-iling lang siya at hindi tinanggap ang yosi.



"Wow. Wow talaga! Iba talaga nagagawa kapag under ng girlfriend ah?" Tumawa si Joshua. Siya nalang kasi ang single sa kanilang lima.



"Uhh. If you want, ayos lang." Sabi 'ko kay Clarence. He just pouted.




"Sure?"



Ayoko sana siyang mag-yosi pero who am I to stop him? It's not like official kami para maging sunod-sunuran siya sa akin. "Ofcourse." Wag ka mag yosi please. Wag.



He just shrugged at nagsindi ng isang stick. Part of me ay nadismaya kasi... Shocks. Hello, Clar? Girls logic! If I say yes, that means no. If i say no, i really mean no. Ugh. Kakainis ang Clarence na ito!



Okay, Marga.. Kalma. Nakilala mo siyang may bisyo, hayaan mong ganon siya. Let him change for you.. Tss. At bakit siya magbabago para sayo? Mahal ka ba? Okay. I really should stop talking to myself. Nakakabaliw.



Nagooffer sina Jen at Dexa ng shot sa akin pero ayaw 'ko. At hindi rin pumapayag si Clarence na uminom ako. So yeah, literal na nganga ako tonight habang paikot-ikot sa bawat parte ng katawan 'ko ang touchy hands ni Clarence. Minsan nasa may legs 'ko, sa bewang, sa kili-kili, sa pwet, saktong sa dibdib 'ko o kaya naman makikipag holding hands siya. Ang touchy diba? Ganyan siya eh. Ganyan 'yan. Pafall. Joke lang hihi!



"Gusto mo uminom?" Clar asked me. Umiling ako. "Good. Kasi ayaw ko din na umiinom ka." Seryosong sabi niya.




"Clar.. Ayain mo na sila umuwi. Nagkakainitan na sina Dexa at Rayven oh." Mahinang sabi 'ko.



Kanina pa kasi sila nagtatalo. Malala nga ang naging away nila kasi ilang araw na nagdaan pero di padin sila okay.



"Let them. Ganyan talaga ang mag-shota. Ganyan ka din naman kay Bruce diba?"



"Oh? Bakit napunta sa usapan natin si Bruce?" Nakasimangot na tanong 'ko.



"Wala. Halata kasi na siya lang laman ng isip mo. Kanina, hanggang ngayon na ako ang nasa tabi mo." Nagiwas siya ng tingin sa akin.



Huh? Anong pinagsasabi niya? Hindi nga pumasok sa isipan 'ko si Bruce kasi puros siya nalang ang iniisip ko tapos sasabihin niya yan?



"Ano bang sinasabi mo?"



"Damn it! Wala! Sabihin mo lang kung gusto mo makipagbalikan sakanya." Inis na sabi niya at napatayo. Napatigil sina Dexa at Rayven sa pagtatalo dahil sa ginawa ni Clarence at lahat sila tinignan kaming dalawa.



"Did I ever mentioned you na gusto 'kong makipagbalikan sakanya? Kung gusto 'ko, malamang wala ako sa tabi mo ngayon! Malamang andon ako sa tapat ng bahay nila begging him to come back to me!" Sigaw 'ko sakanya. Naiinis ako! Kabwisit ang lalaking 'to!



"Kunwari kapa, Margarette! Halata naman, eh. Napipilitan ka lang naman sakin kasi inagaw lang naman kita sa ex mo!" Tinalikuran niya ako at nagsimulang maglakad palayo.



Sinundan 'ko siya. Kahit mabilis siya maglakad at halos mapatid na ako kakahabol sakanya ay sinundan ko padin siya. "Ano ba'ng kinagagalit mo? Kanina okay tayo tas bigla mong ioopen ang topic about kay Bruce at nagkakaganyan ka na?"



Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako, "I feel stupid for forcing you to want me! Ang hirap ibaling ng atensyon mo! Palagi mo nalang naiisip ang ulol mo'ng ex boyfriend kahit kasama mo ako! I feel like shit! And you're always making me feel that way!"



Napanganga nalang ako. Is it because he's drunk kaya siya ganyan? Nakasimangot lang ako sakanya. Baliw 'to talaga. Hindi ko alam sasabihin 'ko. Tss.



"Ano bang problema mo?" Maikling tanong 'ko.




"See? Haba ng sinabi 'ko, 'yan lang sagot mo? Tss." Inirapan niya lang ako at naunang naglakad.



Seriously? Tss. Napatingin ako sa phone 'ko. Shet? Wallpaper ko parin pala ang picture namin ni Bruce na nakakiss siya sa pisngi 'ko AND puro messages niya at calls. Is this why Clarence was so mad? Nakita niya 'to?



Agad 'ko siyang sinundan. Ang bilis ng mokong, ah. 'Di ko na agad siya matanaw. Tumakbo ako pabalik sa hotel. Nakita 'ko pang nagkkwentuhan sina Charm, Olivia, Anton at Prime sa labas ng hotel. Olivia waved at me at ngumiti lang ako.



Pagdating sa hotel room ng boys ay naka lock ito. Katok ako ng katok pero hindi niya ako pinagbubuksan.



"Siraulo 'kang Clarence ka. Hoy! Buksan mo 'to!" I said while harshly knocking on the door while my other hand is bitching the doorknob.



"Leave me alone!" He shouted.



Napailing ako habang hindi padin tumitigil sa ginagawa 'ko. Napikon siguro siya dahil sa ingay 'ko kaya pinagbuksan niya na ako.




"Hoy. Kung magdrama ka akala mo ikaw yung babae eh noh? Engot ka. Bat ka ba nagagalit?" Tanong 'ko at umupo sa tabi niya.




"Tss. Wala. Nevermind. I don't even know why I reacted that way." Nagiwas siya ng tingin.




"Alam mo, 'di ko na naiisip si Bruce eh. Feeling 'ko nga naka move on na ako agad, eh. Naisip 'ko lang siya ulit nang imention mo siya kanina. Ano ba'ng trip mo ha? At bakit namention mo pa siya?"



"Liar. Wallpaper mo parin until now tas hindi mo naiisip? 'Di mo ako maloloko. Tss. Bumalik ka na nga sa kwarto mo." Masungit na sagot niya.



Diba dapat naiinis ako? But.. Why do I find him cute? Samantalang noon si Bruce kapag nagddrama, hindi ko sinusuyo. Kumbaga pag galit siya, galit din ako. Pero ibang usapan si Clarence. Parang gusto ko pa na sinusuyo 'ko siya!



"Selos ka noh?" Napatakip ako sa bibig 'ko agad. MY GOSH WHY DID I SAY THAT?!



Natigilan siya saglit at hindi gumalaw. Parang natulala din ako saglit dahil hindi ako makapaniwalang sinabi 'ko iyon! Shocks Marga!



"Don't expect too much. At bakit ako magseselos?"



Parang tinusok ng matalim na kutsilyo yung puso 'ko sa sinabi niya. Oh.. Okay. I was expecting him so say that.



"Yeah, i know. Laro nga lang pala 'to lahat. Sorry. Sige, goodnight."



I stormed out of his room at nagkulong sa kwarto naming mga babae. Sumikip ang dibdib 'ko sa sinabi niya. And I can't stop my tears from falling. Tss. At bakit nga ba naman sinabi 'ko na nagseselos siya? Hindi 'ko din alam. Basta ang alam 'ko...



Nasaktan ako sa sinabi niya. Nasasaktan ako ngayon.

Alluring I: Alluring the beautiful geekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon