Chapter 49.

10.5K 405 101
                                    

Chapter 49.



"Anong sabi mo?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na pagtaasan siya ng boses. "I skipped meals and was so stressed thinking of new designs tas sasabihan mong stupid lang? How could you!?" Gusto ko siyang sampalin but I just couldn't dahil pwede niya akong kasuhan. I hate that he's so damn superior!




I am so offended!




Tinaasan niya ako ng kilay, "Well, Margarette. Ganyan talaga. Wag mo isumbat sakin 'yang pagod at stress mo. We're all the same." He shrugged at kampanteng umupo sa upuan niya.




"Yung portfolio ko ba ang stupid o ako mismo?!" I know for a fact na hindi yung portolio yung tinutukoy niya.



Tignan niya ako ng matalim. He stood up at dahan dahang lumapit sa akin. Hindi ako nagpatinag at pinantayan ko ang matalim niyang titig.



"I'm a professional boss, Marga. And you're not. Kakasimula mo palang sa trabaho, ganyan kana umasta. Be professional." Mariin na sabi niya at nilapit ang mukha niya sa akin.



"Professional? Huh? Big word! Kaya pala ginalaw mo ako? Huh? Is that what you call professional?!" Tinulak ko ang dibdib niya palayo sa akin.



"You forced me to do that!"



"Kahit na! If you're professional enough, kahit na gaano ka pa katurned on, never sasagi sa isip mo na galawin ang employee mo!"



"Why not?! Ibang usapan ka, Marga. You're my ex and we already had sex before! Maraming beses! Don't act as if hindi mo rin ginusto 'yan dahil umamin ka man o hindi, you are yearning for my touch!"



Hindi ako nakapagsalita kasi tama siya! Darn it! Pagdating kay Clarence at talagang nawawala ako sa tamang huwisyo. Darn!



"Kapal ng mukha mo. Ang kapal mo!" Tuluyan ng lumabas ang mga luha 'ko pero hindi ko iyon pinahid. "Ang galing mong mag malinis! Kala mo talaga hindi mo ginalaw yung secretary mo ano?! Ha? Kala mo di ko alam?!"



Tinalikuran 'ko siya. Lalabas na sana ako nang humarang siya sa pinto at hinawakan ang dalawa 'kong kamay.



"Marga that was just an accident!" Yung galit na boses niya ay napalitan ng paglalambing. Ayun! Edi umamin din siya na meron nga!



"Accident o hindi, nangyari padin Clarence! Niloko mo parin ako! Why didn't you tell me before? Huh?!"



"I'm not even sure kung may nangyari.. I woke up naked beside her and wala akong maalala kung may nangyari ba o wala because I passed out!" Tinititigan ko lang siya habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay 'ko. "H-hindi ko sinabi k-kasi.. N-natakot ako... I admit, nagsawa nga ako sayo noon—"



"Stop it, Clar. Ayoko ng pagusapan pa kung anong nangyari noon. Good thing that you admit na you really did cheat on me. That's okay. Atleast makakahinga na ako ng maluwag."



Tinalikuran ko siya pero napatigil din ako ng yakapin niya ako mula sa likod. Panay ang hingi niya ng sorry pero dinededma ko iyon. Sorry for what? For forgiveness para may closure kami?



"Clarence, matagal na kitang pinatawad kahit nung di ka pa nagsosorry." Hinarap ko siya and sighed heavily. "You know me, hindi ko kayang magtanim ng sama ng loob sa taong mahal ko... Sa minahal 'ko."



Napatitig siya sa akin habang ang mga kamay niya at naka-interwined sa akin. It's time to officially let go of everything we had. Para sa ikabubuti namin 'to.



"M-marga—"




"I want a proper closure, Clar." Diretsang sabi 'ko. "I need to move forward dahil walang mangyayari kung mananatili ako sa nakaraan natin."



"Marga.. No.. Please.. Why don't you give me a chance? I swear.. I swear I'm never gonna lie to you again.. I still love you!" Halos magmakaawa na siya sa akin and he's slowly bending his knees.




Nagawa niya na ito noon. Pero anong nangyari? Ayun nagsawa siya at naghanap ng iba. I won't let that happen again. I'll make sure i'll be able to find a man na hindi ako gagaguhin. Clarence... Was my great love. But love isn't always enough.




"Nagawa mo na 'yan noon Clar, diba? Pinagbigyan kita. Ika nga, second chance. Sige go! Pero anong ginawa mo? Nagsawa ka. Nambabae ka." I shrugged. "Kaya hindi.. Walang third chance. Wala ng pagasang maibalik pa 'to." Mariin na sabi 'ko.



I left him there hanging at nakaluhod padin. Saka lang kumawala ang mga luha ko nang makarating sa office 'ko. It's over... It's officially over. Walang wala na kami ni Clarence. Kailangan kong mag move forward.



I admit... I still love him. Hanggang ngayon. I think my feelings never changed. Pero hindi eh.. Hindi kasi laging dapat love lang. Kailangan may trust, foundation, and loyalty. Unfortunately, i can't rebuild the trust I had with him. Siya mismo ang sumira noon, eh.




Ilang linggo na ang nakalipas at nanatiling casual kami ni Clarence sa isa't isa. Me and Zachari.. We're already dating. Pero hindi ko pa siya sinasagot dahil kinikilatis ko pa siya. I told you, kung makikipagrelasyon ako ulit, 'dun na sa taong hanggang altar na. Ayoko na masaktan ulit.





I want to settle down.




I haven't heard anything from Clarence these past few weeks. Lagi siyang busy at hindi kami nagpapang-abot. Kahapon nga ay galing siya sa Davao at Bohol dahil may mga client siya 'don. I'm required to come pero ang secretary ko ang sumama at si Walter. And for Walter, he's already dating someone else na nameet niya sa Cebu.




Papasok na sana ako sa office ni Clarence to pass the proposals pero natigil ako agad dahil rinig na rinig ko ang pagtatalo nila ni Congressman sa loob.



"I'm not marrying anyone, Dad. Ayoko sa ibang babae unless it's..." Rinig kong sabi ni Clarence. Hindi ko narinig ang karugtong dahil humina ito.



"Sino? Yung ex mong si Margarette? Goodness, Clar! She's already in a relationship with your client. At dapat ikaw, moved on kana din! Hindi kana mahal nun!" Napahawak ako sa dibdib 'ko nang banggitin ni Congressman ang pangalan 'ko. Shocks!



"I don't care! I'm not gonna marry that woman!" Anang Clar.



"Why not? Type mo naman ang mga katulad ni Heira?" Bumalot ang katahimikan sa kanilang dalawa. "Come on, son.. Ikaw nalang ang hindi kasal sa inyong magkakapatid maliban kay Cleire. Cleo and Clinton's business is bankrupt. At ikaw, napaka-tanyag ng iyo."



"Dad I can donate my shares. I.. I will give this company—"




"At kapag ginawa mo 'yan, saan ka pupulutin? Paano kapag nag-asawa ka na? Paano mo bubuhayin ang mga anak mo?"




Hindi na ako nakinig sa usapan nila at umalis na ako. Shocks.... Ikakasal si Clarence sa iba? For the sake of his brothers' company? Oh my god...




Wag...

Alluring I: Alluring the beautiful geekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon