Chapter 58.

13.5K 506 125
                                    

Chapter 58.



CLARENCE'S POV.



Nandilim ang paningin 'ko. Pinabantay ko si Lily kay Zach habang tulala padin siya at ang anak namin ni Marga ay nagtataka sa mga nangyayari.



Hinila ko si Marga palabas ng restaurant. She kept on complaining at tumigil lang siya nang dalhin ko siya sa CR ng mga lalaki. Thank God kami lang ang andito.





"Nasasaktan ako! Ano ba!" Binitawan ko na ang braso niya. Galit na galit ako sakanya! Damn her!




"What the hell were you thinking Margarette?! Bakit mo tinago sa akin ang anak 'ko?!" Hindi ko ma mapigilan ang magtaas boses. No words can explain what I'm feeling right now! Sobrang galit ako kay Marga!




"Wala akong magawa! Gustuhin ko mang sabihin saiyo noon pa, 'di ko magawa!" Paghihimutok niya rin.




"At bakit? Nung tinanong kita kung sino ang ama, bakit mo sinabing si Zachari? Ha?"



"Kasi ikakasal ka nun kay Heira! Ayokong maging selfish! Kung sinabi ko sa'yo noon na ikaw ang ama at ikasal tayo, sigurado akong babagsak ang pamilya niyo! A-at ayokong mangyari yun.." Pinahid niya ang mga luha niya. Seeing my Marga cry breaks my heart. Biglang lumambot ang puso 'ko.



She sacrificed herself to save my family? I can't imagine na ganon ang ginawa niya. I can't imagine the pain that Marga has been through. She's literally an angel from above.



Hinawakan niya ang kamay 'ko, titig ako sa mga mata niyang lumuluha.. "Sorry, Clarence.. God knows kung gaano kahirap sa akin na saktan ka nun. And no.. Zachari never touched me, 'kung iyon ang iniisip mo.." I felt relieved. So ako lang ang lalaki ni Marga all her life! I'm sure of that! She's not slutty compared to other girls. That's why I like her alot. She's pure.



"Pero Marga 'di ko lang talaga magets.. Bakit 'di mo sinabi sakin? Nung unang pagkikita natin ulit.. Kagabi.. Kung 'di pa kami nagkita ng anak 'ko, malalaman ko pa kaya na may anak tayo? Ha Marga? How insensitive and inconsiderate is that?" Pinigilan ko ang sarili ko na lumuha. Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko ngayon!



"Sasabihin ko naman eh.. Naunahan lang ako ng panahon kasi nagkita kayo agad." Nagpahid siya ng luha niya. "Now.. Are you gonna get my son from me? Maglalaban ba tayo sa korte?" Mahinang tanong niya.



Huh? Ano bang pinagiisip nito ni Marga? Bakit ko naman kukunin sakanya ang anak niya? Bakit naman kami maglalaban sa korte?




Napangiti ako kaunti at hinawakan ang magkabilang balikat niya and slightly bent down to level my face from hers, "Magpapakasal tayo, Margarette."



Automatic siyang napalingon sa akin at nanlaki ang mata niya.. "H-huh? Seryoso ka ba?"



"Bakit hindi? Mahal mo naman ako diba? At mahal din kita.. Wala naman akong nakikitang dahilan para hindi tayo magpakasal." I caressed her fat cheeks. Cute ni Marga! Ang tanda tanda na namin pero di pa din talaga nagbabago yung feelings ko sakanya.



"P-pero yung anak niyo ni Heira—"



"Hindi 'ko 'yon anak, Marga." Ikinwento ko sakanya ang buong detalye about kay Lily. Halatang galit na galit siya kay Heira. Ako din naman.. Sobrang galit ako sa babaeng iyon. Gold digger.



"Minahal mo ba si Heira?" Hinawakan niya ng mga kamay 'ko at titig na titig siya sa akin, "'Wag na 'wag kang magsisinungaling, please... Please."



Alluring I: Alluring the beautiful geekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon