CHAPTER 2 - SLEEPING WITH HIM ♥

5.5K 245 20
                                    


Chapter 2 - ( WR )


STEFFANIE YOO'S POV ~



Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Para akong pasyenteng may cancer!! Sinama ko na rin si mokong dito sa bahay. Sya nagbuhat papunta sakin dito eh. Naiinis ako pag naalala ko yung mga nakatingin samin habang naglalakad pauwi.



~FLASHBACK~

"Ang swwweeeett!!!" Sigaw ng babae sa daan.

"Parehas pa silang gwapo at maganda.!!!"

"Ako na  lang buhatin mo kuya!!!" Sigaw ng beki.

"Habulin ka pala ng bading eh." Bulong ko kay mokong.

"Tsk!! Tingnan mo nga. Lahat ng babae nagkakadarapa sa kagwapuhan ko." Then he gave me a smirk.

"I don't care!" Sabi ko.

"Malayo pa ba?? Antaba mo kasi eh. Ang bigat.!!" Mahinang daing nya.

~END OF FLASHBACK~


Grabe lang  noh?? Kapal ng mukha.!!



"Ang liit naman ng bahay mo." - he said habang nakaupo siya sa isang monoblock sa may bandang pintuan ng kwarto ko.


Lakas nitong mokong nato manlait ah?



"Natural, ako lang naman mag-isa rito eh. Inuupahan ko lang to noh!" - i rolled my eyes.


Maliit lang talaga tong bahay na to -___-


"Eh san ako matutulog?" - he asked tapos bigla siyang napatingin sakin.


Bigla kong naisip na ako nga pala ang may kasalanan sa pagkawala ng susi niya.


"San paba? Edi dyan sa baba." - I answered sabay turo sa sahig.


"Ako papatulugin mo sa sahig?" Nagulat siya nung tinuro ko yung sahig.



"Ay hindi.. Ako! Ako matutulog sa sahig! Nakakahiya naman sa napilayan eh!!!!" Pilosopo kong sagot.



"Siyempre naman ikaw matutulog jan! Sino pa ba?" - I added tapos iniratan ko siya.



"Ayoko nga!" Pagtanggi niya! Ang arte niya naman!



"Kung ayaw mo sa sahig, Pwedeng pwede kang matulog sa bubong! Masarap dun. Mahangin dun." Sarcastikong sagot ko sa kanya.

Wild RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon