CHAPTER 63 - HIS SIDE

893 28 26
                                    

KYOWA'S NOTE:
Dahil puro POV lang ni Steffanie nitong mga nakaraang chapter.. Taray tagalog! Kay Kevin naman tayo!

Para malaman din natin ang mga nararamdaman niya at ang dahilan niya!

Malapit na pala tong matapos! ^_^
Magugulat na lang kayo nag eepilogue na pala ako! Hahaha! ♥‿♥

ENJOY READING!!!

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

KEVIN'S POV

Nasasaktan ko na naman siya..

Wala eh.. Ito ang dapat.. Lalo na ngayon.. Kapatid ko pala siya..

Di ko alam na nakauwi na pala Si Daddy dahil sa kakaasikaso ko Kay Princess.. Kailangan niya ako..

Pumayag akong makipagkita sa kaniya kasi Plano ko na rin asikasuhin ang kasal para matapos na.

Hanggang sa di ko inaasahan na pupunta siya ngayon dito..

'Nakauwi na pala siya.. Buti na lang ligtas siya..'

Nagtanong lang siya ng nagtanong at alam Kong sa loob loob niya nasasaktan na siya at gusto na niyang umiyak.. Gusto ko siyang yakapin pero Hindi pwede.. Ngayon pang alam ko ng kapatid ko pala siya.. Na siya pala yung nakukwento niyang anak niya..

Napakaliit nga naman ng mundo.. At napakakomlikado ni tadhana..

Hanggang sa dumating ang tanong niya na di ko inaasahan..

"Ikaw.. Sabihin mo nga sakin.. Minahal mo ba talaga ako?" Oo naman. Ano bang klaseng tanong yan.

Nakipagtitigan ako sa kaniya na parang wala Kong pake alam.. Pero ang totoo gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at magpasalamat kasi bumalik na siya..

Noon parang ang dali niya lang yakapin at lapitan.. Pero iba na ngayon.. May kung ano mang klaseng pader na unti unting humaharang sa pagitan namin..

Nagulat ako ng may tumulong luha sa kaniyang pisnge..

'Sh*t! Steffanie.. Wag kang umiyak sa harap ko!! Baka di ko kayanin!!'

Agad Kong binalik ang maskara Kong walang pakealam sa kaniya at umiwas ng tingin..

"Hindi." Tipid na sagot ko.

'Hindi ka nagkamamali, mahal na mahal kita..'

"A-Ah.. Talaga?? H-Hahaha.. Ga-Ganun ba? Okay! A-Alis na po k-kami.." Pinipilit niyang tumawa pero ramdam mo ang panginginig niya dahil nasasaktan siya.

'T*ngna!! Wala talaga Kong kwenta!!'

Tumayo siya at nagsimula na siyang maglakad papalayo samin.. Lahat kami nakatingin lang sa kaniya..

"Una na po kami.." Tumayo Si Phen at nagbow lang, sinundan na niya Si Steffanie at nagulat kami ng bigla siyang sumigaw.

"Bes!! Okay ka lang???!!" Napalingon kami kagad. At nadapa pala siya..
Umiiyak siya habang tulala at hirap na hirap tumayo...

Wild RomanceWhere stories live. Discover now