CHAPTER 60 - THE TWIN

1K 33 7
                                    


STEFFANIE'S POV

Nagising ako dahil sa bulungan sa paligid.. May mga tumatawa..

Patay na ba ako?

Nasa porgatoryo na ba ako?

"Tita Si Steffanie po gising na!!" Sigaw ng bakla Kong best friend. Kaya napangiti ako sa isip ko Pag trip an ko kaya itong mga toh.

"Anak?!" Natatarantang sabi ni mama. Naramdaman Kong hinawakan niya ang kamay ko at inalog alog pa ito.

"..hmmm.. Nasan ako??" Tanong ko pagdilat ko. Nilibot ko ang paningin ko at good thing na lahat sila kompleto.

Dalawang sundalo na may mga venda pa sa braso, Si Phen at Si Gian, Si mama at Si papa.. Tsaka Si Stephen.. Natakot ako bigla dahil sa presensiya niya..

Nag flashback yung having uuwi na Sana ako matapos ang ruined date namin ni Kevin.. Siya ang sumundo sakin nun.. At di ko alam ihahatid na pala niya ako sa bingit ng kamatayan.

Lahat sila napatingin Kay Stephen ng makita nia ang reaksiyon ko ng makita ko Si Stephen.

"Bakit?? May masakit ba?" Tanong niya lalaput Sana siya Pero agad agad akong lumayo..

"Wag kang lalapit!!" Di ko napigilan at napasigaw na ako dahil sa taranta.

"Anak, huminahon ka.." Sabi ni papa.

Mas inatras ko ang sarili ko palayo sa kanila..

"Sino ba kayo??" Tanong ko ng punk ng pagtataka.. Lahat sila nagulat. Nagkatinginan pa nga sila.

'Ang OA talaga ng mga king Ina..'

Si mama naman naluluha na, Si papa napayuko at parang di matanggap ang nangyari sakin, ganun din yung dalawang sundalo. Si Stephen naman parang nagsisisi na Ewan.

Dalat lang na magsisi kang hayop ka. Dukutin ba naman daw ako?!

"Uy!! Bessy! Wag ka namang ganyan! Ako toh!! Yung pinaka maganda at sexy Kong best friend." Pwe! Self proclaim Si ateng!

Umiiyak talaga siya kaya Natawa ako.. Syempre sa isip lang.

"Anak.. Ako toh Si mama.. Natatandaan mo pa ba?"

Oo naman ma, ialay ko ba naman ang sarili mo para sa akin?

Lahat sila tumahimik at parang nalulungkot sa nangyari.. Best friend ko naman umiiyak na at talagang humahagulgol.. Hinahagod lang ni Gian ang likod niya.. Natakot naman ako bigla dahil sa titig ni Gian na parang nagsasabing..

'Umayos ka! Ampanget mong umarte!!' Kaya pala parang wala lang siyang pake alam. Hays! Iba talaga siya.

Tahimik pa din sila at ni isa walang kumikibo.. Si mama at papa naman nakatingin lang sa akin.

Umirap ako at umayos na upo.

"Fine. Wala akong amnesia ang OA niyo!" Bulyaw ko.

Nagtawanan naman yung dalawang sundalo at nakipag apir pa Kay Gian.

"Sabi sayo eh, ampanget umarte niya! Hahaha!" Natatawang sabi ni Dizon at nakitawa na yung iba.

"Bessy naman eh! Pinapaiyak mo ko!" Reklamo ni Phen.

"Tss! Kaninang sinabi mong pinaka maganda at sexy ka parang gusto Kong isuka lahat ng internal organs ko! Leshe ka!" Nagtawanan naman yung mga lalaki at kasama Si papa dun ah!

"Sabi na eh, ako ang kamukha pero nagmana sa nanay niyang baliw." Parinig ni papa.

"Hoy! Ken na bastos ang pangalan?! Anong sabi mo? Baka gusto mong gulpihin kita Jan! Di pa tayo nag uusap ng matino umayos ka!" Sermon ni mama. Nag zip ng mouth Si papa kaya Natawa kami.

Wild RomanceWhere stories live. Discover now