CHAPTER 64 - LAST KISS

1.9K 35 19
                                    


STEFFANIE'S POV

Habang nasa biyahe kami di ko pa rin siya pinapansin..

Nagbus na lang Si Phen at nauna na para makapag usap daw kami ng tatay ko..

Tahimik lang kaming nakaupo at nakaharap sa daanan.

"Plano ko naman talagang sabihin sa inyo yun anak eh, ngayon pa lang kasi ako nagpakita sa kaniya mula nung umuwi ako.." Sabi niya. Ramdam sa boses niya ang lungkot at Pag aalala.

"..di ko nga alam na magkakilala pala kayo eh." Dagdag niya.

Kahit ako. Di ko alam na magkakilala pala sila ni Kevin at ang matindi dun mag ama pa silang dalawa.

"So, Pag kahiwalay mo Kay mama nag asawa ka kagad? May plano ka naman sigurong sabihin sa amin kung sino yung babae noh?" Tanong ko. May halong pagkasarcastiko. Akala mahal na mahal niya Si mama at Si mama lang daw ang minahal at mamahalin niya.

Pero ano ito? Anak niya pa Si Kevin..
Yun lalaking nagpaasa sakin.

"Hindi ganun yun anak. Mama mo lang talaga ang minahal ko at mamahalin ko pa.. Ampon ko kasi Si Kevin." Napalingon ako sa kaniya ng sabihin niya yun.

"Nag ampon ako ng bata noon kasi nalulungkot ako.. Wala akong kasama sa bahay at mag isa lang ako. Mahal na mahal ko ang mama mo kaya di ako humanap ng iba. Di ko pa nagagawa yung pangako ko sa kaniya.. Na babalikan ko siya.." Paliwanag niya.

Gaya ni Stephen ampon lang din ang best friend niyang Si Kevin??

"Para maibsan ang kalungkutan ko umampon ako ng bata. Tuwang tuwa ako sa kaniya noon kasi ang bibo niyang bata at ang daldal niya. Pero naiisip din kita ng panahon na yun.. Kamusta ka na ba? Anong grade ka na? Nag boyfriend ka na ba?"

"Pa naman! Ang bata ko pa that time!" Protesta ko.

"Biro lang. Malungkot mag isa, naiintindihan mo naman yun di ba?" Tanong niya. Parang pilit niyang pinapaintindi niya sakin ang sitwasyon niya na alam na alam ko naman talaga.

"Oo naman. Tumanda nga ako mag isa di ba? Tumanda akong walang nanay at tatay, akala ko nga patay na kayo eh." Sabi ko. Naramdaman ko na naman yung pagtulo ng luha sa pisnge ko.

"Patawarin mo kami anak, nang dahil sa away namin nila Steve nadamay ka.." Paghihingi niya ng tawad.

"Wala yun tay! Baliw lang talaga yung lalaki na yun!" Sabi ko habang pinupunasan ang luha ko.

"Teka, eh Si Kenneth pa? Kaano kaano mo siya?" Naalala ko bigla yung lalaking yun.

Napangiti tuliy ako ng wala sa sarili.

"Si Kenneth.. Ang totoo niyan.. Anak siya ng katrabaho Kong namatay noon.. Napunta silang dalawa ni Kevin sakin noon, sabay sila. Sakto din kasi yung araw na yun, namatay ang katrabaho ko at hinabilin niya sakin yung anak niya.." Naguguluhan pa rin ako kahit anong pilit isiksik sa utak ko yung impormasyon na sinasabi niya di pa rin maproseso..

"Alam Kong naguguluhan ka anak.. Pero yun ang totoo maniwala ka Kay papa. May naalala tuloy ako bigla." Napangiti siya sa sarili niya..

"Ano po yun pa?" Nagtatakang tanong ko. Nakuha niya pang ngumiti sa magulo naming sitwasyon?!

"Si Kenneth yung bata na yun.. Lagi ko kasing nakukwento sa kaniya yung anak Kong babae Pag malungkot ako.. Miss na miss kasi kita dati.. Pero di pa ako pwedeng lumapit kasi Si Steve, umaaligid.." Ngumiti na naman siya.

"Sinabi kasi ng batang Kenneth noon.. "Pa! Pangako! Hahanapin ko ang anak mo para di ka na malungkot! Papakasalan ko po siya!" Tuwang tuwa ako sa kaniya.. Hindi ko alam kung totohanin niya.. Pero sa tingin ko totohanin niya kung anong sinabi niya.." Nakangiting sabi ni papa.

Wild RomanceWhere stories live. Discover now