CHAPTER 5 - HOUSE RENOVATING (PART 1)

3.8K 167 22
                                    




CHAPTER 5 - ( WR )





STEFFANIE'S POV




"Oy, Gising!!" Pambubulabog ni Kevin sakin.




"Wag ka ngang maingay! Kita mong natutulog pa yung tao eh!" - sigaw ko habang nakapikit pa yung mga mata ko. Tapos tinakpan ko yung mukha ko ng unan. Bwiset na mokong na'to, Ang aga-aga pa nambubulabog na -_-




"Tanghali na kaya bumangon ka na jan!" - sigaw ni mokong. Bwiset talaga to eh.




"Manahimik ka nga jan!!" Sumigaw ako ng malakas tapos binato ko siya ng unan.. Di ko alam kung natamaan ba siya, nakapikit parin kasi yung mga mata ko..




"Bumangon ka na sabi jan eh!" Tsk. Ayaw niya parin tumigil sa pag-iingay.



Nagtalukbong ako ng kumot at di ko nalang siya pinansin. Mambulabog siya hangga't kaya niya. Inaantok pa talaga ko eh. -__-




"Oyyyy!! Bumangon kana sabi dyan eh!!!" - sigaw niya habang niyuyugyog-yugyog yung pagkatao ko gamit yung paa niya.. Bwiset! Parang lumilindol.. Nahihilo ko (X__X) ano ba kasing problema nitong hinayupak na'to?




"Ano ba kasing --- PFFT!!! HAHAHAHAHAHA!" Bigla akong bumangon mula sa pagkakahiga ko at napahinto ako nang may matanaw akong isang kakaibang nilalang. I thought, I finally found Barney Ang Bading na Dinosaur. Hahahahahaha!! Di ako makahinga sa kakatawa..




"Psh!" Nakabusangot yung mukha niya habang nilalapag yung tray na dala niya sa lamesa na nasa tabi ko. Pero nakatingin lang talaga ko sa kaniya.




"Pfft! Bat ganyan itsura mo?" Pagpipigil ko sa tawa ko. Grabe naman kasi..


Wild RomanceWhere stories live. Discover now