CHAPTER 35 - TOTOO NA TOH MGA BIBI ♥

1.2K 42 21
                                    



STEFFANIE'S POV


Eh panong...

"Ano?!!!" Nagulat ang lahat sa pagsigaw ni Kevin. Bakas sa mukha niya ang gulat at inis.

"Siya lang ang sobra Kong pinaghihinalaan dito.." Matigas na sabi ni Tito Steve at napatingin siya Kay mama. Nagkatitigan sila na parang nag uusap. nagugulahan ako kung Ano ang nangyayari.
Napaiwas na lang ng tingin Si mama.

"Pero.. b-bakit?? b-bakit gagawin ito ni dad?!"

"Simula pa lang.. siya na talaga ang kalaban ng kompaniya namin. Alam Kong strikto siya at madiskarte sa trabaho.. At ramdam Kong kaya niya tong gawin." Matigas na sabi ni dad.

"h-hindi niya yan m-magagawa..." Naluluhang sabi ni Kevin.

"Baka di mo pa lubusang kilala yung ama mo." Nakangising sabi ni Tito Steve at Umalis na.. Tumingin muna Si mama sa kaniya...  At sakin. Tinanguan ko na lang siya.

"Ang gulo.." Nakakunot na tanong ni Stephen.

"..tara na Kevin.. Umuwi ka na muna." Hinagod ko ang likod niya. Tiningnan niya ko na may lungkot sa Mata.

"Haayyss... Ewan ko sa inyo!" Nagugulahang sigaw niya parang naiinis niya paang tiningnan Si Kevin atsaka na siya tuluyang umalis.

Grabe naman mga tao rito... Di pa nga sila sigurado kung sino man yun makapanisi naman yung mga yun wagas wagasan.. Ewan ko pero piling ko walang kasalanan kung sino man yung lalaki na yun.. Ewan ko din sa sarili ko may nagpupush na wag Kong paniwalaan eh.

'Hays! Ang gulo!'

"Steffanie.." Natauhan ako ng marinig ko yung boses niya. Malumanay lang ito pero bakas sa mukha niya ang lungkot..

"Tara na.. Wag mo na lang pansinin.." Ngitian ko na lang siya ng matamis.. Na sinusubukang iparamdam na wala lang yun. Di pa naman sila sigurado kung yung dad nga yun ni Kevin..
Maka ano sila Jan. Wag kayong ano.

SOMEONE'S POV

"Malinis ba?" Tanong ko habang umiinom ng wine.

Simula pa lang toh Steve. Tinatakot pa lang kita..

"Yes b-boss." Kinakabahang sagot ng isa sa pinaka inaasahan Kong tao. Ha! Di mo toh aasahan Steve.. 

Di ko inaasahang ikaw pa ang tatraydor sakin.

"Sino-sino ang mga nandun? Nung mga oras na yun?" Tanong ko habang nagsasalok ulit ako ng wine..

"t-tulad pa rin kung sinu-sino ang n-nandoon d-dati... May bisita lang silang dalawa... Isang dalagita at binatilyo.." Kinakabahang sagot niya... Monggoloid yata to eh.

"Kilala mo ba kung sino?!" May awtoridad na sagot ko.

"D-di ko po k-kilala... Pero--"

"Pashneya!" Bulyaw ko sa mukha niya. Bakit? Encantadics din ako wag kang Ano jan..

"P-pasensya na boss.. p-pero narinig kong tinawag niya ng 'mama' Si ma'am stella.." Agad akong napatingin sa sinabi niya. Nakayuko ito at kinakabahan...

"A-ano??" Kinakabahang tanong ko..

"Tinawag ng dalagita Si ma'am Stella na mama.."

P-paanong?

STEFFANIE'S POV

"Bbbbeeesssstttttyyyyy!!!!!" Halos madapa ako ng marinig ko ang sigaw niya... Patalikod na Sana ako para pumasok matapos Kong ihatid Si Kevin sa labas..

Wild RomanceWhere stories live. Discover now