CHAPTER 22 - PAUNAHAN NA LANG

1.8K 68 98
                                    




KYOWA'S NOTE:

Salamat sa mga nakapag antay ng matagal na upadate, sorry po! ^_^  Bawe na lang ko! :)) hehehe.

Maraming typos! hehehe. ^_^ pakiintindi na lang. :))






ENJOY READING!!!!


=================================================================


CHAPTER 22 


"sino naman gagawa sa inyo neto bes?" inis na tanong ni phen. Alalang alala siya sakin pagkamulat ng mata ko, nahimatay ako at nagising akong nasa kwarto ni kenneth. Ok na daw si kevin at nagpapahinga. Di ko maiwasang bumigat ng pakiramdam ko kapag naaalala ko ang mukha ni kevin na hirap na hirap. Di ko namalayang tumulo na naman ang luha ko.



"oy, bes umiiyak ka na naman, ok na ang lahat. Nandito ako, amazona tayong dalawa di ba? Wag ka na umiiyak, please?" natawa na lang sa sinabi niya. Di ko alam kung pinapagaan niya ba ang loob ko? O nagjojoke na naman siya.





"sorry.. Si kenneth?" niligtas niya kami kanina. Di ko pa siya nakakausap ng masinsinan, may kasalanan pa nga ko kasi iniwan ko siya dun sa shooting. Nahihiya tuloy ako.





"nasa labas, bumili ng makakain mo. Wag ka na ring mag alala kay fafa kevin! Pogi yun kaya mabubuhay pa siya ng pang forever noh!" sabay tawa niya. Natawa na lang din tuloy ako. Pinapagaan talaga niya yung loob ko.




"wait bes, may death Threat ka bang natanggap?" nag aalala niyang tanong. Naalala ko yung nagtext sakin. Yung 'B' lang ang nakalagay. Sinong B?



Siguro dapat ko tong sabihin sa kaniya, ayokong nang madamay pa siya, gusto ko aware siya sa mga mangyayari. Alam kong hindi lang ito yun, marami pang gagawin yung B na yun. Nilabas ko yung phone ko. Pinakita ko sa kaniya yung text ng unregistered number.




"alam kong siya yung nagpasimuno nito, at may kagagawan ng lahat." nakita ko siyang nagtakip ng bibig. Mukhang shock na shock at parang kilala niya. Kinabahan tuloy ako bigla.




"grabe naman to! Hindi kaya? Baka si..." kilala niya talaga? Inaabangan ko yung sasabihin niya. Wala kong kilala na may initial ang pangalan na B.

Wild RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon