CHAPTER 50 - FLASHBACK NG INA MO

854 26 3
                                    

KYOWA'S NOTE:
Just like what I've said from the previous chapter.. POV muna ng ibang karakter para malaman niyo na rin yung other side ng story.

Don't worry po walang pong,
"Ugghh.. Sige pa..."
"Faster please!!"
Na scene ang chapter na ito although POV Ito ng mga parents nila wala pa ring ganon.. Bata pa ako mga readers! ^_^v

Yun lang! Typos! You know what to do na!! :D

ENJOY READING!!!

=================================================

STELLA'S POV

Bilang isang Ina sa sitwasyon na ganito ako ang mas nasasaktan..

Ngayon na nga lang kami ulit nagkita ng anak ko nawala na naman siya ng ganun kabilis..

Ito na yata karma ko sa Pag iwan ko sa kaniya noon, siya naman ang mang iiwan sakin.

Masaya naman kami noon nila Steffanie at ng tatay niya..

Pero isang araw naging malamig siya sakin. Di ko alam kung anong rason nung mga panahon na yon eh..

[FLASHBACK]

Buti na lang tulog na yung bata na yon.. Nakakapagod mag alaga, kahit 3 years old  palang ang daldal na. Pero mahal na mahal ko yun eh. Magkamukha kami niyan eh. Nakakainis lang na mas dominant yung genes ng asawa ko, kaya medyo magkamukha sila. Pero okay lang yon, gwapings naman asawa ko eh..

Alas nuebe na ng Gabi at kakatapos ko lang magluto para sa asawa ko. Pagkatapos ko magluto umupo na ko para antayin muna siya.

Di ko Alam na sa tagal ng Pag antay ko nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako ng may tumabi sakin.

"Asawa ko.. Gising na." Dinilat ko muna ng konte ang Mata ko.. Agad kong nakita ang gwapo niyang mukha. Kahit nasa 30's na kami. Nasasabi Kong mas naging hot ang asawa ko.

"Hmm. Ang pogi naman this boy." Nakangiting sabi ko habang nag uunat.

Narinig ko lang siya natawa sa sinabi ko totoo naman eh.
"Nagluto ako. Kumain ka na ba?" Tanong ko. Napansin ko lang na nakatitig siya sakin. Kaya nagtaka ako.

"Bakit? May panis na laway ba ko asawa ko?" Natawa siya at napailing sabay gulo sa buhok ko.

Mas lalo akong naiinlove sa kaniya Pag ginagawa niya yon.

"Wala po asawa ko. Ang cute mo lang. Sige kakain na muna ako, sabayan mo ko Dali." Hinubad niya muna yung coat niya at tumayo na ko pa tulungan ko na siya.

Nagtatawanan lang kami habang kumakain. Ang daldal kasi ng asawa ko. Ang daming katarantaduhan ang pinagsasasabi sakin. Siguro sa kaniya nag mana yung munti naming prinsesa. Hehehe..

Habang kumakain kami, napansin ko na may kulay pula sa polo shirt niya. Eh white pa naman yun kaya kitang kita. Di na ako nagpahalata na tinititigan ko ko yon hanggang sa mapagtanto ko na yun Ay isang...

Wild RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon