CHAPTER 61 - DADDY'S GIRL

959 35 8
                                    


STEFFANIE'S POV

Tatlong araw na rin ang nakakaraan..
Nung mangyari yung gabing yun.. Mabuti nga at mabilis ang metabolism ng katawan ko kaya gumaling ako kagad..

Yung mga sindikato na nandun, nahuli na daw ng mga pulis. Pero Si Zac tsaka Si Cindy.. Wala na akong balita sakanila... Di rin nakita nila Dizon at Gonzales.

Si Steve naman. Di ko alam kung anong nangyari dun.. Sabi daw patay na.. Ayaw na iopen up nila mama yung topic na yun.  Kahit ako din naman.. Hanggang ngayon Pag naaalala ko yung mukha niya nanginginig ako..

Si Stephen naman wala na rin akong balita sa kaniya.. Napasama ba yung sinabi ko?? Napasobra ba?
Di niyo naman ako masisisi di ba? Kayo kaya pumalit sa sitwasyon ko?

Pinalipat na din kami ni papa sa bahay nila.. Isa lang masasabi ko..

..wow lang. Banglaki ng bahay namin aba!!

Ito daw yung pinaghirapan niya para sa amin.. Tutuparin niya daw yung pangako niya noon.. Na kahit anong nangyari, babalikan niya kami.

"Anak? Ayos ka lang?" Napalingon ako sa likod ko. Si papa pala.. Ang pogi niya talagaaa! Yung mama superman ang pes?! Pak ganern!

"Ah! Hahaha. Opo ayos lang po ako.." Sagot ko. Gaya ko sumandal din siya sa bakal at tinignan ang hampas ng Alon sa dalampasigan..

Nasa taas kasi ng bundok yung bahay namin at kita dito yung dagat.. Napaka asul na karagatan..

"Aah. Nakakatampo ka." Napalingon ako sa kaniya. Nakabusangot siya at nakaharap lang sa dagat. Nag pout pa Si ama!

Imagine niyo ha? Naka light brown na jeans tapos naka long sleeve na light blue pa?! Tatay ko ba talaga toh? Ampogi eh!! Ang kinis pa ng mukha! Shacks! Guys? May pimples ba me? Nakakahiya naman sa aking ama!

"Po?" Yun na lang nasabi ko.

"Di mo ko tinatawag na papa.." Humarap siya sakin at nag pout. Pero ako? Nawala ako bigla sa mood at may kumirot sandali..

"Ah? Sorry ah? Sa loob kasi ng mga nagdaang taon.. Wala Kong tinuring na ama eh.. Pati nga nanay eh! Hahaha! Sorry ah? Mag aadjust na lang ako." Di ko napigilan at biglang nag crack yung sahig at nahulog kam-- charing. Nagcrack yung boses ko.

Parang maiiyak pa yata ako.

Napayuko siya. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at humarap sa dagat.

"Pero okay na yun. Atlis kahit papaano naging matatag ako na wala kayo. Siguro nakatadhana talagang mangyari yun. Na nangyari lahat ng toh.. Sinusubok lang naman tayo kung makakaya natin yung problema eh.."

Napalingon ako sa kaniya kasi ang tahimik niya..

"Umiiyak po ba kayo?" Tanong ko.
"Hays! Wag po kayong umiyak! Walang nakakaiyak sa scene na ito noh! Dapat masaya na tayo! Okay na eh!" Nag clear throat siya atsaka humarap sa akin.

"Sorry anak, wala si papa sa tabi mo sa panahong kailangan mo ko.. Babawi ako nak." Nakangiting sabi niya.

"Aba! Syempre! Baka matulak kita pahulog mula dito sa taas!" Nagulat Si papa sa pagsigaw ko. Ako din eh, nagulat sa ginawa ko. Nakakainis. Eh akala ko kaming edaran ko lang siyaa! Natauhan tuloy ako bigla.

Wild RomanceWhere stories live. Discover now