CHAPTER 51 - FLASHBACK NG INA MO 2

752 27 3
                                    

KYOWA'S NOTE:
Part two ng previous chapter!
Typos! Madami niyan!

ENJOY READING!!!

============================================

STELLA'S POV

Bago kami nagpakasal ng asawa ko marami rin kaming pinag daanan. Isa na don ang away ng buong tropa.

Tama kayo, may tropa kami nung college pa kami. Barkada ba.. Ako, ang asawa ko, Si Steve. Tatlo lang kami pero sobrang saya namin.

Eto yung mga panahon na 4th year college na ako at patay na ang mga magulang dahil sa aksidente.

Feeling ko mag isa na lang ako sa mundo. Walang kumakalinga sakin. Walang nagmamalasakit. Hanggang sa kumalat sa school yung balitang yun.

Isang malaking aksidente yun dahil bukod sa malapit lang yun sa school grabe ang pinsalang nangyari at halos di ko matanggap ang sinapit ng mga magulang. Mababait sila eh. Kung sino pa yung mababait at sobrang kailangan ko sila pa ang nawala.

Nang kumalat sa school ang balitang yun para akong naging isang instant celebrity. Bawat lakad ko sa hallway, bawat hakbang ko sa hagdan sinusundan lagi ng tingin.

May iba talaga na naaawa sa kalagayan ko kasi mag isa na lang talaga ako, meron din na parang ginagamit pa yung sitwasyon na yun para mabully ako, pero di ko sila pinapansin. Dirediretso lang ako sa paglalakad para makalayo sa mundo ng husga ng mga tao. Bukod sa pagtatapos ang nasa isip ko, wala rin akong pake alam kung Anong isipin nila.

Pero isang araw nung matripan ako ng isang cheerleader sa school talagang napahiya ako sa maraming tao lalo na sa loob pa ng canteen nangyari yon pero maswerte din ako nung araw na yon kasi dun niya ko nakilala. At dun ko nakita ang tanong magmamahal sakin.

"Ano ba!! What's wrong with you people?!!" Sigaw nung koreanong lalaki na umalingangaw sa buong canteen samantalang ako nakayuko lang. Di ko naman kasi pinapansin ang mga kung ano man ang sasabihin nila.

"Oh! Hi! Your the transferee right? Just a little riminder. That girl besides you? Is a totally social climber." Maarteng pagkakasabi niya. Type niya pa yata tong Si Korean boy.

Di ko na siya pinansin kasi Una sa lahat ang arte niya magsalita pangalawa sa lahat bopols ako sa English! Napakamot pa nga ako ng ulo kasi wala akong naintindihan sa sinabi niya. Di naman ako climber? Duh?? I have a fear of heights kaya!

"I don't care! Stop bothering her! Because now, she's my girlfriend!" Nagulat ako ng hatakin niya ako palapit sa kaniya at nagsimula ng mag ingay ang canteen.

Yung mga babae ang sasama ng tingin sakin, yung mga lalaki naman walang pake.

At lalo na yung cheerleader kanina pa asar ng asar sakin, mas lalong naasar siya sakin mga madlang pipol. Ang sama sama ng tingin sakin at kung nakakatusok lang ang mga tingin siguradong barbeque na ko niyan.

"If anyone touch this girl besides me, magkakamatayan tayo.."

Tapos Dali dali niya Kong hinatak palabas ng canteen. Alam ko lahat nakatingin sakin path sa sitwasyon na nangyari Pero isa lang ang Alam ko...

7.50 na ang Ariel. Char!

Wild RomanceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora