CHAPTER 56 - THE MASTERMIND

760 30 26
                                    

STEPHEN'S POV

Kinuwento sakin ni Phen lahat. At lab is ang galit ko Kay Kevin.

Nasan siya ng mga oras na yon? Ang sabi niya di niya iiwan Si Steffanie di ba? Ano bang nangyayari?!

"Anak, kalma ka lang. Uuwi ka na ba sa inyo?" Tanong ni Nanay Tina sakin habang nag aayos ako ng mga gamit.

"Pasensiya na po nay, may aayusin lang po doon." Sagot ko sa kaniya.

"Okay lang anak, kaya na namin dito. lahat ng bilin mo susundin namin. Mag iingat ka. Wag kang mag alala magiging maayos din ang lahat." Saktong sinara ko na yung zipper ng maleta. Lumapit ako Kay nanay at niyakap ko siya ng mahigpit. Na sobrang kailangan ko ngayon.

"Sana nga po 'nay." Sana nga.. Nag aalala na talaga ako..

Biglang may tumawag sakin mula sa pintuan..

"Kuya??" Si Christian. Sumenyas naman ako na pumasok siya at ginawa niya na rin kagad.

"Sige anak. Mag usap muna kayo. Mukhang may sasabihin tong kambal mo eh.." Ngitian lang ako ni nanay at lumabas na rin.

Sa tingin ko nga.

Mukhang di mapakali ang kapatid ko at kanina pa napapakamot ng ulo.

"Hoy. Lumapit ka nga rito." Sabi ko. Nag aalinlangan pa siyang lumapit sakin pero umupo sa Kama at tumabi ako sa kaniya. Inakbayan ko siya.

Napangiti ako.

Ngayon Alam ko na talaga. Na may kakampi na ako sa buhay.

"Anong problema?" Tanong ko. Nakayuko lang siya. Kaya Natawa ako.

"Ano magsasalita ka ba? Aalis na ako oh!" Napatingin pa ako sa wrist watch ko at nagsalita na rin siya.

"A-Ano.. Ano kasi..." Humihina pa ang boses niya. Mukhang may kailangan ba toh?

"Ano? May kailangan ka ba? Kotse? iPhone? Laptop?" Nakangiting sagot ko. Ngayon kasi yan yung mga gusto ng kabataan eh.

Kabataan Pero kasing edad ko..

"Kuya naman! Ayoko ng mga yun! Mas gusto Kong kasama ka mag basketball sa labas!" Natawa ako kasi dirediretso niyang sabi. Napangiti ako. Kahit Alam niyang may kaya na siya sa buhay, di niya pa rin pipiliin ang magwaldas ng pera para sa mga material na bagay.

Ginulo ko yung buhok niya.

"Sorry na brad. Ano ba yun? May.. Sasabihin ka ba?" Mukhang ganun nga. Yumuko kasi siya ulit ng pinaalala ko.

"..Oo.. Kuya? Di ka naman magagalit di ba?" Tanong niya. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. May ginawa ba siya?

"May... Problema ba?" Ewan. Naging seryoso ako bigla. Kailangan ko munang unahin ang pamilya ko baka may problema sila bago ang iba.

Wild RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon