CHAPTER 8 - CUPCAKES (Peace Offering)

2.7K 142 8
                                    




STEFFIE'S POV




Hapon na.



5:30 Pm.




"Uy! Magluto ka na ng kanin!" Sigaw ni Kevin sakin.. Letse siya ah? naghuhugas pa nga ko ng plato eh! Makautos wagas?




"Wow hah? Makautos wagas?! Di ako katulong noh! Naghuhugas pa nga ng plato yung tao diba? Tapos dadagdagan mo pa yung trabaho ko? Pahirap ka masiyado ah! Bat di ka magluto?" Sigaw ko habang naghuhugas ng plato at todo kuskos ako ng plato..




"Ang hirap sayo, napaka---" Magsasalita pa sana ako nang biglang may kamay na yumakap sa bewang ko mula sa likuran ko. hindi naman yung mismong nakayakap, yung nakahawak lang sa bewang ko? Parang may koryente na dumadaloy ngayon sa katawan ko.. letse manyak -_-




"Ano ka ba naman baby, high blood ka masiyado." Bulong ni mokong sa kaliwang tenga ko. Ang kapal niya talaga..




"Bitawan mo ko! Bwiset ka!" Sigaw ko. Letse!!!

Bakit feel ko ang init-init ng mukha ko? Namumula na naman ba ako? Bwiset talaga!!!




"Masyado ba kong hot kaya namumula ka? Parang iba na yan ah? Tapatin mo nga ko, nafafall ka na ba sakin, Baby ko? Hahahahaha." Bulong niya ng seductive yung boses kala niya uubra yan. Sapakin ko to eh. 




"AAAAARRRRRGGGGGGHHHHH!!!!!!!" automatikong napalayo siya. Well, full-force ko lang naman siyang siniko sa tagiliran niya...



Masama yung tingin niya... Yung parang mangangain... Geez! Sana di niya ko kainin... X_X




"Ayan..ikaw kasi... Masyado ka kasing manyak, feelingero, ambisyoso, makapal ang mukha, Matapobre, mayabang at lahat na ng pangit na katangian ng isang tao nasa sayo na! At Akala mo lahat ng babae magkakagusto sayo? Nagkakamali ka dun! Wag kang mag ilusyon dahil walang ganon. Kaya tigil-tigilan mo ko. Hindi ka nakakatuwa. Nakakadiri ka! Bwiset ka!" Naiinis kong sigaw pero ewan ko ba kung bakit bigla nalang lumabas yan sa bibig ko na mas lalo pa atang ikinainis niya..

Wild RomanceWhere stories live. Discover now