CHAPTER 36 - NANAY NA SI DORA

1.3K 37 15
                                    


KYOWA'S NOTE:

Maraming typos. ^_^v


===========================================================================


STEFFANIE'S POV


"h-huh??" Wala sa sariling napatitig ako sa kabuuan niya. Nakayuko pa rin siya at parang pinagsisisihan ang ginawa sakin.

'Haaayyyssss... Ano pa nga ba? Dahil sa maganda ako pag tulog papatawarin ko na to..'


"w-wag niyo po Sana akong paalisin sa trabaho ma'am.. kailangang kailangan ko po ang trabaho na to.." Pagsusumamo niya. At nakaramdam ako bigla ng pagka away sa kaniya..

Hinawakan ko siya sa batok at pinagsasampal sampal ko ng todo--- joke lang hinimas ko lang ang balikat niya at ngitian siya nubg iangat niya ang tingin niya sakin.


"Tsss.. Wag kang OA di naman ako sumbungera gaya mo.." Pagbibiro ko pa kaya mas lalong lumaki ang ngiti niya. Shems.. Makalaglag napkin! 


"s-salamat ma'am... pasensya na rin po sinusunod ko lang yung order ng dad niyo.. Sorry po talaga.." Ilang beses din siyang yumuko para humingi ng dispensa.


"Ano ka ba! Sorry din naging makulit yata ako masyado.. Eeee kasi naman! Gagala kami ng lokaret Kong Bessy ikaw naman hindrance ang drama mo jan!" Tinawanan niya lang ako at tinitigan..

As in titig to max! Ang tagal niyang tumitig parang pinag aaralan ang maganda Kong mukha Pag tulog. Kung tatlo ba butas ng ilong ko.. xD
Kaya ako na lang din umiwas ng tingin..


"Baka matunaw ako sir!" Sarkastikong sabi ko sa kaniya. Agad naman siyang naalarma at parang di mapakali..


"s-sorry! Sorry! Pasensiya na talaga ma'am! Nakikita ko lang po sa inyo yung nanay ko.."


"Mukha ba Kong nanay?! Paluin kita sa pwet Jan makita mo.." Sabay irap.


"Sorry po talaga ma'am.. mahal na mahal ko lang po talaga ang mama ko.." Bakas sa boses niya ang pagkalungkot at parang napaka problemado niya.. Kaya parang may nagtulak sakin na alamin kung ano ba ang nasa isip niya..


"May... Problema ba sa inyo?" Nakangiting tanong ko. Agad siyang napatingin sakin at this time malungkot na talaga siya..


"Si mama kasi... n-nasa ospital pa rin.. Na confine dahil sa sakit sa puso... Kaya Sana ma'am wag niyo po akong alisin sa trabaho dahil sa mga nasabi at inasta ko kanina.. Ito na lang po trabaho ko.." Malungkot na tugon niya..


"Sige.."


"Anong sige ma'am?"


"Sige. Papatawarin kita.. Pero sa isang kondisyon.."


Wild RomanceWhere stories live. Discover now