CHAPTER 58 - BAKIT NGAYON KA LANG?

757 28 21
                                    

KYOWA'S NOTE:

Hello guys! Ang tagal matapos noh? Hahaha! Ganun talaga kasi yung may sailing kwento ang mga gurang na karakter dito! ^_^
Maraming salamat sa mga sumusubaybay sa istorya ko! Part kayo ng journey (abaja) ko! ( ͡o ͜ʖ ͡o)

Yun lang! Madaming typos!❤

ENJOY READING!!

====================================================

STEFFANIE'S POV

"A-Ano po bang kasalanan ko sa inyo?" halos mangiyak ngiyak Kong sabi.

Ibig sabihin kilala niya tatay ko..

Buhay pa ba yung taong yun?

Ngumisi siya. Nakakatayo ng balahibo ibang iba siya nung una kaming magkita dati..

"Naaalala ko nga sayo yung mang aagaw mong ama!" Bulyaw niya sakin.

"Alam mo bang dapat noon pa man sa akin na Si Stella?! Pero dahil sa ama mo nawala lahat ng dapat Ay sa akin!!" Halos mapasabunot siya sa sobrang galit niya. Nanlilisik na siya. Tanging mukha lang naming dalawa ang naaaninag sa entablado na ito.

"Pero Tito Steve! Wala po akong kasalanan dun!!" Sigaw ko na halos mapaiyak na rin ako.

Ang sakit sakit na! Naguguluhan na talaga ako kung sino ang paniniwalaan ko!

"Talaga? Wala lang kasalanan?! Eh ikaw lang naman ang pinaka mabigat na ebidensiya ng pagkakasalang nagawa ng magulang mo!! At wag kang mag alala! Kasi ang alam ng tatay mo patay ka na!" Nanlaki ang Mata ko.

Naguguluhan ako..

"P-paanong..." Tanging naisual ko na lang.

"Wala ko sa mood magkwento! At alam mo ang gagawin ko??" Tanong niya atsaka ngumisi ng nakakatakot.
Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

Hinawakan niya ang mukha ko na parang pinipiga na.. Ang sakit..

Napapikit na lang ako.. Nahihirapan na ako.. Napapagod na ako..

"Pahihirapan kita hanggang sa mamatay ka na!" Nagulat ako ng bigla niya akong sikmuraan at halos mangiyak ako sa sobrang sakit..

Umiiyak na ako.. Ang sakit na..

"Para sa kasalanan ng tatay mo!"
Sinampal niya ako ng malakas sa kanang pisnge at halos umalingawngaw ang tunog nito sa buong stadium.

"Mang aagaw!!" Sinampal naman niya ako sa kabila. Napayuko ako kasi di ko na kaya..

Wild RomanceWhere stories live. Discover now