CHAPTER 24 - CLOSURE

1.7K 51 80
                                    


KYOWA'S NOTE:

Ito na po!! sorry po sa matagal na update!! ito na!! :))


==================================================================



CHAPTER 24


STEFFANIE'S POV



3 Days na rin ang nakakaraan matapos akong makakita ng di magandang view. Nung araw na yun, iyak ako ng iyak na parang walang bukas. Laking pasasalamat ko nga kay kevin na di niya ko pinabayaan ng mga panahong iyon. Pagkatapos din ng pagluksa ko sa pagkamatay ng ulupong na yun, chos! Di na ko ulit umiyak pa. Para san pa? Ilang beses ko na rin naman tong narasan noh? Dalawang beses pa! Nakakatawa na siya pa yung kumocomfort sakin ngayon. 


Simula rin nung araw na yun ang dami ng nagtetext sakin, wow! Famous? Kaso puro kay kenneth ang text, san daw ako tumutuloy, kung ok lang daw ba kung nasan ako ngayon. Di ba? Kung di ba namang may pagka isa't kalating katangahan din yung artista na yun. Ewan ko ba dun? Pake ko sa kaniya! We're over! We're never ever getting back together! Like ever! Wow? Wala namang kayo ah? Tama nga naman. Tanga kasi ng mga braincells ko eh, ang so-slow! Parang merong KAMI. Meron ba? Di ko alam kung anung brand ng mabahong medyas ang nasinghot ko kung bakit ako na fall sa mukhang kuhol na yun eh! Tapos kinukulit pa ko kung san daw ako tumutuloy? Tanga? Di man lang magtanong sa katabing unit niya. Ang taas kasi ng ihi niya eh. Hmm! Mayabang kasi, idiom lang yun.



Habang inaayos ko ang mga brief na labahan ni kevin halos mapatalon ako ng biglang nag beep ang phone ko. Tiningnan kung sino ang nagtext, luckily di yun galing sa ulupong na kapitbahay namin. Di ko rin inisahan ah! Kamusta na pala kaya to?



[from: Stephenpogi

Punta ka dito sa ***** cafe, let's talk. I'll wait for you.]




Let's talk? Anong meron? Agad akong pumunta ng kwarto para mag ayos, nag dress lang ako then i wear light make up. Buti alam ko kung san yun at buti malapit lang yun dito sa building na to.


Si kevin pala pumasok kanina sa office niya balik pagiging president. Kaya naiwan muna ko dito. Wala pa sana kong planong lumabas pero mukhang importante eh. Atsaka ayoko rin masyadong magtago noh! Baka isipin ng ugok na yun affected ako. No way! Over my dead and no boobs body. Aray! Self lait yun ah!


 Lumabas na rin ako kagad ng unit at agad agad na lumabas ayokong may makasalubong akong muntae sa daan. Luckily, wala siya. Buti naman di na niya ko hinahanap, wala naman na yatang paki sakin yun eh! Agad akong sumakay ng bus at wala pang isang oras narating ko na kagad ang destinasyon ko. Pagpasok ko sa cafe, agad ko siyang nakita dun sa gilid. Ang gwapo niya sa light blue na polo short at white na pants, hands down na talaga ko sa alindog na kagwapuhan ng nilalang na to.



"hey!" pagtawa niya. Nakangiti siya, pero mukhang malungkot. Anyare?

Wild RomanceWhere stories live. Discover now