CHAPTER 30 - PRINCESS...

1.5K 47 61
                                    



KYOWA'S NOTE:

HELLO GUYS!! SORRY SA MGA NAGAANTAY AT PATULOY NA NAG AADD PA RIN NG STORY NA ITO SA KANI-KANILANG MGA LIBRARY. SALAMAT SA INYO! Kahit matagal ang update, may nagbabasa pa rin! salamat! Sensya sa typos, wrong grammars at kung anu ano pang mga kamalian ang makikita niyo, ganyan naman kayo eh mas nakikita niyo ang kamalian kaysa sa libo libong katotohanan, hugot! *insert mukhang tae here.* Hehe! ^_^

Pero mahaba na to. :) Palitan na natin yung cover?? :) sana magustuhan niyo! Kekekeke! ^_^ 




ENJOY READING!!!

================================================



Chapter 30:


"eh?" napatulala ako sa narinig ko? Birthday ko daw? Utot niya.



"hays! Anong eh?!" sabay pitik niya sa noo ko. Sakit nun ah! Tinarayan ko lang siya.



"..i'm trying to be sweet here, ok? Pambasag trip ka talaga! Birthday mo ngayon! Parang lobo yang ulo mo eh!" nanginginig kong kinuha yung phone ko at binuksan..




[HAPPY BIRTHDAY TO ME :'(]


Di ko to napansin kanina.. Tsaka, kahit naman mabasa ko to wala rin, isang simpleng araw lang to. Simula ng iniwan nila ko, di na ko nag aabala pa sa mga ganito. Anong happy sa pagka birth ko? Eh iiwan din naman ako.. Napatingin ako kay Kevin.. Nawala na yung pagkainis sa mukha niya at umamo na ito., nakatitig lang siya sakin na nakangiti..



"happy birthday ulit, neneng sunget.." bat siya ganito? Namalayan ko na lang na niyakap niya ko, siya lang ang nakayakap kasi naka stiff pa rin ako.. Parang iniintindi ang nangyayari..



"wag ka ng umiyak.. Happy 20th birthday.. Bente ka na, matanda ka na, panget ka na--aray naman!!" napaatras siya kagad at kinakamot ang ulo niyang kinotongan ko ng malakas..




"salamat.. mokong, kuya ni kingkong." sabay behlat at ngumiti sa kaniya. Nakapamot naman siya ng batok at sa ibang direksyon tumingin, tss! Namula na naman ang tenga niya..




"malamig ba? Namumula na naman yang tenga mo oh?.." hinila ko ang kamay niya at inilapit ang mukho sa kaniya at nagpuppy eyes pa! Haha!




"h-hayss! Umalis ka nga jan! Para kang tarsier na may mutang itim! Hahaha!" sinamaan ko siya ng tingin at agad akong inakbayan.

Wild RomanceWhere stories live. Discover now