Rent A Gentleman - 1

77.4K 936 279
                                    

PAALALA:
I am major editing this stoy, so sa mga bagong makakabasa nito baka magtaka kayo na pagdating ng Chapter 12 ay iba ang kwento. Hehe!
Binasa kong muli ang istorya na ito at medyo may mga korni at parang waley ang ibang chapters kaya ayon! Maraming salamat sa patuloy na pagtangkilik kay Sebastian at Kelley! Aayusin ko ang kwentong ito kaya abangan ninyo! ❤️

~M

~~~

Nakatulala akong nakatingin sa mga pictures namin sa isang lumang box na gusto ko nang itapon. Pero kahit kailan hindi naman ako nagkaroon nang lakas nang loob na itapon. Napabuntong hininga si Jelay kaya bigla akong bumalik sa ulirat.

"Kelly! Nakakaloka ka naman, hanggang ngayon ba hindi mo pa rin makalimutan 'yang ex-boyfriend mo?."

Nakatingin sa akin si Jelay habang nagpapatuyo nang buhok niya sa harap nang salamin. And yes, hindi pa rin talaga ako nakakamove-on lalo na kung yong taong iyon e pinaglaruan ka lang at walang sinabing dahilan kung bakit ka niya iiwan. Or ako lang talaga ang nag-aasume na walang dahilan? Dahil sa sobrang katangahan ko?

My name is Kelley Madrid, I am 25 years old and till now longing for a closure to the man who left me 3 years ago. Hindi ko alam kung pinahihirapan ko nalang ba talaga yong sarili ko kasi hanggang ngayon inaantay ko pa din siya. Pero minsan ayoko naman na rin maging ganito dahil ang hirap-hirap maging ganito.

"Di ka ba papasok?" Tanong ni Kleo ang nakatatanda kong kapatid. Hindi naman ganoon katanda si Kleo sa akin, isang taon lang ang agwat niya sa akin.

"Papasok ako, may tinatapos lang akong kailangan sa opisina, mauna kana. Magtataxi nalang ako" nakangiti kong sagot at itinabi ko na ang box na hawak ko.

"Kelly! Huwag ka nang magsinungaling, wala kang ginagawa kaya bilisan mo na diyan." pangbubuko ni Jelay sa akin. Napanguso naman ako at napailing.

"Tara na, we'll be leaving in 5 minutes. Jelay, sumabay ka na din samin" sabay kindat niya kay Jelay.

At anong meron sa pagkindat mo Kleo?

Nag-asikaso na ako dahil ayoko din namang mapagalitan ni Kleo, kinuha ko ang mga papers at bag ko. Habang nasa biyahe kami napapansin kong iba ang tingin nitong si Kleo kay Jelay, nakikita ko kasing parang mag boyfriend at girlfriend na ang aktingan nilang dalawa pero hindi ko na lang sila pinansin.

Nakakaloka talaga ang traffic dito sa Manila. Hindi na nagbago sa araw-araw na lang na nilikha nang Diyos. Minsan may gagawin pang mga daan pero after forty eight years pa bago magawa.

Pagdating namin sa opisina, mabilis akong bumaba.

"Di kita masusundo ha? May OT ako mamaya e" sigaw ni Kleo, kumaway ako at dumiretso na sa loob ng building.

Pagpasok ko abalang abala naman si Lily sa paglilinis ng reception area.

Ano kayang meron?

"Hi Lily! What makes you so busy?"

"Nako, Mam! Andyan na boss mo. Napansin niya itong area kaya todo linis ako."

Inabot niya sakin ang coffee at bumalik na siya sa paglilinis.

"Thanks lily!"

Nakangiting pagpapasalamat ko. Kaya nagmadali akong sumakay ng elevator. Pagdating ko sa floor namin tumakbo ako at nagbabaka sakaling di niya ako makita na late ako. Mabilis akong nakaupo at bumuntong hininga.

Rent A Gentleman 1 (KELLEY & SEBASTIAN STORY)Where stories live. Discover now