Rent A Gentleman - 3

25.7K 496 149
                                    

"Jelay, magpatulog ka naman o!" naiinis kong inat sa pagkakahiga ko. 

Umagang-umaga kasi naririnig kong naghahalungkat na si Jelay ng mga isusuot ko, ang sarap pa naman ng tulog ko pero dahil sa ang gulo na nga ng kwarto namin di na ako makabalik sa pagpapahinga. 

Nagkasabog-sabog ang mga damit sa bawat kanto ng kwarto at wala pa ding mahanap na maganda si Jelay, naalala kong ngayon nga pala ang flight ni Sir Frank kaya naman napabalikwas ako sa pagkakahiga ko at hinanap ko agad ang cellphone ko.

Pero nag-vibrate ang phone ko at nakitang nag text si Sir Frank.

"Hi Kelley, nagkaroon ng problema sa ticket ko, no need na ihatid ako sa airport napaaga ang flight ko kaya dito na ako ngayon. Well, hope you do well and I'll see you in a week. May pina deliver ako sayo. Bye!"

Nagpadeliver siya?

Hindi pa rin matapos si Jelay pinatayo niya ako at pinasukat ng damit na hawak-hawak niya. Paglabas ko naman umiling-iling siya dahil hindi daw bagay sa akin yung binigay niya.

*ding-dong*

Ako na sana ang magbubukas ng pintuan, pero nag sabi si Kleo na siya na ang pupunta sa pintuan at nag patuloy kaming nag hanap ng damit niJelay.

"Ang pangit naman niyan Jelay, mukhang matrona!" Sigaw ko. Natawa naman si Jelay sa sinabi ko. 

"Kelley! Para sayo!"

Hinagis sa akin ni Kleo ang isang box na medyo may kalakihan pero magaang.  

Yan naman ang aking kapatid na si Kleo Madrid, mabait yan at sobrang mapagmahal. Siya ang kakampi ko sa lahat ngbagay never akong iniwan sa ere. Siya nalang ang natitirang pamilya ko kaya naman sobra ko din siyang mahal.

"Kanino galing?"nagtataka kong tanong sa kanya habang tinitignan ang kahon.

"Frank daw"

"Sir Frank?" nanlalaki ang mga mata ko sa pagkakarinig ko sa pangalan ni Sir Frank. 

"Boss mo?"

Agad na binuksan ni Jelay ang box at nanlaki ang mga mata nito. Parang nanalo sa lotto yung reaksyon ng mukha niya. At hindi siya makapagsalita sa nakita niya.

"Ahhh Ke.. Kelley! Tignan mo!"

Tinignan ko ang box at isang napa kagandang puting long dress ang nasa loob nito at isang pares ng heels at mga accessories. Ito pala yung sinasabi ni Sir Frank sa akin sa text kanina. Kinuha ko ang damit na yon at iniharap sa salamin habang hawak-hawak yon, sobrang perfect sa ganda. Parang fairytale tapos si Sir Frank ang Fairy Godfather ko. Hindi Prince Charming ko siya! 

Sinukat ko iyon and it suit with my body. 

Can't believe this.  

Dinial ko ang number ni Sir Frank para magpasalamat kaso out of coverage na siya.

"Gosh! napakaganda mo Kelley!"

Kahit si Kleo naka nganga hindi niya siguro akalaing tao ang kapatid niya. Ngayon mas nadagdagan ang confident ko sa sarili ko ika nga ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach "I am confidently beautiful with a heart". 

Now I am ready to face you Carl Romero!


KINABUKASAN: REUNION DAY

Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. Dahil nga sa pabalik-balik ako sa kalalakad. Siguro dala na lang marahil nang kaba dahil for the first time in 3 years makikita ko ulit ang mga taong dahilan kung bakit di ko na-enjoy ang buhay kolehiyo ko. 

Nakatingin sa akin si Jelay at halatang hilong-hilo na ito sa akin. Kaya hinila niya ako sa sala para maupo. 

"First things, first. Huminga ka" nakangiting sabi ni Jelay. 

I know na pinagagaan niya ang loob ko. Kung sa iba ito iisipin nilang napaka-OA ko dahil Alumni Homecoming lang naman ito. Pero hindi, para sa mga taong may hindi magandang pinagdaanan, hindi ito magiging madali. Dahil they always feel the pain. Madaling sabihing move-on ka na, dahil hindi mo alam ang pinagdaanan nila. 

"Kaya ko ba?" nalulungkot kong tanong kay Jelay. 

"Of course, cause you are a wonderful and strong woman." Patuloy na pagpapagaan nang loob ko. Paano na lang ako kung wala si Jelay?

"Tama ka, I have to be strong kasi ilang taon na din naman ako. At wala akong dapat ikahiya dahil I do have a degree and I have a stable job. Kakayanin ko ito." 

"Yes dear! Yes you can!" tinapik tapik niya ang mga balikat ko at niyakap ako nang mahigpit. 

"Tinext mo na ba yong rented gentleman mo?" tumungo ako. Kaya naman hinatid na ako ni Jelay sa kanto para pumara nang taxi. Inayos ayos niya din ang buhok ko at ang suot ko. Binigyan niya din ako nang tips sa pagreretouch nang make-up. 

Nagpaalam na kami sa isa't isa at nagpatuloy na sa pagdadrive ang driver. Habang na sa biyahe, paulit-ulit kong tinatawagan ang number noong nirentahan namin ni Jelay pero walang sumasagot. Inisip ko na lamang na baka papunta na rin o baka may inaasikaso pa. 

Pagdating ko sa Hotel hindi ako agad tumungo sa lobby sa kdahilanang natakot ako bigla. Mabuti na lamang ay may isang lugar sa hotel na hindi pansinin nang mga tao, pumasok ako sa maliit na garden at may upuan doon sakto para sa isang katulad kong naghihintay nang prince charming na sasagip sa kanya. 

Patuloy kong kinontak ang nirentahan namin, pero hindi na siya sumasagot. Tinawagan ko din si Jelay pero naka-off din ang cellphone nito. Doon nagsimula ang pangambang baka kung saan ako pulutin sa katangahan ko. 

"Bakit ba ayaw mong sumagot!" naiinis kong sabi sa cellphone. Nagsimula akong manginig, pagpawisan at hindi makahinga. 

Mamamatay ka pa sa ginagawa mo, Kelley. 

Hindi ko na napigilang hindi umiyak. Wala na akong pakielam kung masira o matanggal ang mascara ko. Takot ang nangingibabaw sa akin ngayon. Gusto ko nang umuwi pero sobrang dami nang tao sa labas, kaya hindi ko magawa. 

"Please, don't do this, mister!" umiiyak ako habang patuloy na dumadial sa phone. Pero cannot be reached na siya at kahit kailan wala nang darating to make up for this stupid thing. I tried to walk outside but I can't. Nanginig ang tuhod ko kaya naman napadapa ako. 

"What the heck!!" hagulgol ko sa sobrang gigil sa sarili ko. 

"Ganyan naman kayong mga lalaki e! Stupid! Coward!" sigaw ko habang umiiyak. 

Then someone tried to get me up. 

"Miss?" at iniabot niya ang isang panyo dahil sa patuloy na pag-iyak ko. 

Is this him? 

Is he the rented gentleman?

Pagtingin ko sa kanya, salubong ang kilay niya at malumanay na inayos ang coat niya. Nagalak ang puso ko at hindi ko alam kung bakit ko nga ba siya niyakap. 

"Thank God!" umiyak akong muli.

"Thank you for saving me, thank you dumating ka! Don't worry matapos lang itong gabi nang kaplastikan, I won't bother you anymore! Please be good to me my rented gentleman!" Sa sobrang tuwa ko, hindi ko na hinintay ang sagot niya at hinila ko na siya papalabas at saglit na pinaupo siya upang ma-brief siya sa mga gagawin namin. 

Habang daldal ako nang daldal, wala naman siyang imik tila pinakikinggan niya lamang ako. Hindi ko naman makuha kung bakit siya ganon pero nagpatuloy ako sa pagbibigay ng informations about sa akin. 

"My name is Kelley Madrid, and you are my date! Itong event na 'to ay reunion, ayoko na sanang magpunta dito pero I need to face them. No need na sabihin na jowa kita, friend or colleague. Gets?" magkasalubong pa din ang kanyang kilay, kaya feeling ko naman na-gets niya ang gusto kong mangyari. 

Rent A Gentleman 1 (KELLEY & SEBASTIAN STORY)Where stories live. Discover now