Rent A Gentleman - 4

24.1K 540 139
                                    

"Bakit umiiyak ka?" ang una niyang katanungan sa akin. Pinagbuksan niya pa ako nang pintuan. 

"Wala naman akala ko kasi di ka darating," napangiti ako sa ginawa niyang pagbukas nang pintuan. Napakaganda nang Hotel sobrang elegante. Napansin ko namang panay yuko ang bawat staff na nakakasalubong namin. 

"Sa registration tayo diba?" tanong niya, umoo ako at tumungo kami doon. 

"Bakit ka natatakot kung hindi ako darating?" patuloy niyang tanong sa akin.

"E kasi nga, tulad ng sabi ko kanina hindi naman ako pupunta sa Alumni Homecoming na ito.  Lagi nila akong binubully as in buong buhay ko sa kolehiyo naging miserable dahil sa kanilang lahat" bigla kong nakita sina Crystal, Doroty at Helen. Ang mga famous chicks sa batch namin. Barkada ni Carl. Nanlaki ang mata ko at napahinto ako sa paglalakad. 

Napatingin naman sa akin ang lalaking kasama ko, ni hindi ko pa pala nakukuha ang pangalan niya kaya hinawakan ko siya sa mga braso niya para pigilan sa paglalakad. 

"What? Why?" 

"Ano ngang pangalan mo?" natatawa kong tanong sa kanya. 

"Sebastian,"

Tumungo ako at huminga nang malalim. 

"Sebastian, let's make this night memorable at makauwi ng may ngiti sa mukha. Okay?" nakangiti kong sabi sa kanya, pero ang totoo sobrang kaba na ang nararamdaman ko. 

Nang malapit na kami sa registration agad namang hinablot ni Sebastian ang kamay ko at hinawakan niya nang mahigpit, bigla na lamang itong ngumiti na para bang hindi siya ang kaninang kausap ko. 

Nakita agad ako nang tatlo at like the old days, nagkumpulan sila at nagsimulang mag-chismisan. Lumapit kami sa table para makapag-register. 

"Hi Kelley, long time no see. We thought na di ka pupunta e" nakangiting sabi ni Crystal. She handed me the paper to be sign out, kaya agad ko naman 'yon pinirmahan para matapos agad. Pero di talaga ako nakaligtas sa kanila. 

"Nakabingwit ka, Kelley a?" nagtawanan sila nang malakas na para bang na sa college time pa kami. Nag-grow ba itong mga 'to?

"Pustahan tayo! Uncle niya 'yan!" bulaslas ni Doroty at nagtawanan silang muli. Napakunot ang noo ko at ibinagsak ang ballpen at papel. Ayoko talaga sa lahat na binubully nila ako lalong lalo na ang kasama ko. 

Sebastian squeezed my hand. Kaya naman napatingin ako sa kanya. 

"You, how old are you?" nakatingin siya kay Doroty. 

"26," proud na sinabi ni Doroty. 

"And you act like a kid?" napangisi si Sebastian habang pumipirma. 

"Bakit sino ka ba?" naiinis na sigaw ni Helen. 

Ayoko na sana silang patulan pero huminto pa rin si Sebastian at lumingon sa kanila. 

"Pag nagbayad ang Alma Mater ninyo, sa akin napupunta 'iyon" nakangiting sabi ni Sebastian, nagtawanan naman ang tatlo at sinabing ahh cashier! Agad naman kaming nagpatuloy sa paglalakad at pumasok sa loob.

"I don't think they get it?" bulong niya. 

At dumiretso kami sa table na nakalaan para sa amin. 

"Sorry ah? Ang aga pa pero pati ikaw mukhang nabully na din nila" pero hindi siya umimik at pinaupo niya na lang ako at parehas kaming naghintay na magsimula ang program. 

Nag-start ang program at may mga AVP's na silang pinlay, mas lalo kong namiss talaga ang college life pero bigla na lang lumabas yung part ng graduation day at nakita ko na naman kung paano ako iniwang mag-isa ni Carl sa gitna, habang tinatamaan ng mga sumbrerong hinagis nung natapos yung ceremony. 

Rent A Gentleman 1 (KELLEY & SEBASTIAN STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon