Rent A Gentleman - 26

15K 256 50
                                    

Habang nag-aantay kami nila Kleo sa sasakyan hindi ko mapigilang mag-alala, maiyak sa nangyare kay Miss Grace. Hindi ako mapakali sa pag-iisip kung ano na ang lagay niya kaya naman hinawakan ako sa kamay ng mahigpit ni Sebastian at sinabing magiging okay ang lahat.

Nang makarating na kami sa Hospital nakita kong nasa labas sina Carl at Frank, nang makita nila kaming paparating agad naman nila kaming sinalubong.

"Seb, thank you for coming! Malaking tulong to kay Tita Grace" Kitang-kita sa mukha ni Frank ang pag-aalala kay Miss Grace, gustong-gusto kong pumasok agad sa room niya kaso kailangan kong wag maging padalos-dalos.

"But we both know na Blood Type O tayo. Pero si Kelley she's AB Type and she's willing to donate her blood with Miss Grace"

"Totoo ba yon Kelley?" Seryosong tanong ni Carl na halatang wala pang tulog sa pagbabantay sa Mom niya. Ngumiti ako at tumungo. Hinatid nila ako sa room kung saan kukuhanan ng dugo, naiwan si Seb dahil kausap niya si Frank kaya naman si Carl nalang ang sumama sakin.

Sa pagkakataong ito, gustong-gusto ko ng sabihin na anak din ako ni Miss Grace.

"Hindi naman magiging masakit yan, isipin mo nalang na kagat ng langgam lang yan" Patuloy na pagpapakalma ni Carl sakin. Alam niya kasing may takot ako sa karayom at dugo kaya minabuti niyang kausapin ako ng kausapin para hindi ko mapansing kinukuhaan na pala ako.

"Don't worry everything will be fine. Alam ko namang kakayaning lagpasan to ni Miss Grace. Naniniwala ako doon"

Nakangiting advice ko kay Carl alam kong mahirap sakanya ang nangyayari dahil nga mas malapit siya kay Miss Grace at Mama's boy siya. Bigla kaming nakarinig ng nagsisigaw at boses ng babae yon kaya naman matapos akong makuhaan ng dugo tinulungan ako ni Carl na lumabas ng kwarto at doon nakita naming si Yeona ang babaeng yon.

Nakita ko kung gaano kagalit si Yeona. She wanted to go inside the room pero ayaw pumayag ni Cheska. Bigla siyang napatingin sa gawi namin ni Carl, at first time kong nakitang blanko ang pagtitig niya. Dahan-dahan siyang lumakad papunta samin at bigla na lang niyang hinatak ang buhok ko at sinabutan. Tinulak niya rin ako kaya naman napasubsob ako. Agad naman akong niyakap ni Sebastian at siya ang natamaan ng mga hampas ni Yeona.

"Ikaw! Ikaw! Ikaw! Ang may kasalanan ng lahat ng ito! Kung hindi ka dumating sa buhay namin hindi kami magkakaganito pare-pareho! Anong ginagawa niya dito?!" Umiiyak na sabi niya at tumingin siya kay Carl.

"Pwede ba Yeona?! Stop being so childish! Halos ikamatay na ni Mom yung kagaguhan mo! Nandito si Kelley para magdonate ng dugo para kay Mom!"

"NO! Ayoko! Ayoko! Wala kang karapatang ibahagi yang dugo mo sa mommy ko! Hindi ko hahayaang bawiin mo siya sakin! Samin! Kami ang tunay niyang anak! Hindi ikaw!" Umiiyak niyang paliwanag at napaupo siya sa lapag habang humihikbi. Bigla namang nagblanko ang mukha ni Carl at tila hindi maintindihan ang ibig sabihin ni Yeona.

"What the heck are you talking about huh?!" Hinawakan niya ng mahigpit si Yeona sa mga braso nito at pilit na pinapaamin si Yeona.

"Carl! Stop that please!" Nagmamakaawang sabi ni Cheska kay Carl.

"You want to know?" Nakangising sabi ni Yeona habang tumutulo ang mga luha sa mata nito.

"Wag Yeona! Please!"

Pinilit ko namang sabihing wag niyang ituloy ang pagsabi ng katotohanan dahil para narin kay Carl at Cheska.

"Tell me! I have the rights to know!" Galit na galit na sigaw ni Carl. Doon tinry ni Frank at Sebastian na pigilan si Carl sa pagkakahawak ng mahigpit kay Yeona.

Rent A Gentleman 1 (KELLEY & SEBASTIAN STORY)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz