Rent A Gentleman - 5

23.9K 596 146
                                    

Tamad na tamad akong naglalakad papasok nang opisina. Dahil sa anong oras na akong nakatulog dahil sa kaiisip nang mga nangyari kagabi. I need someone to pinch me para bumalik sa normal. Kung hindi pa ako tinawag ni Lily hindi ko pa malalamang babangga na ako sa isang poste. 

"Hoy! Anyare? Bakit ganyan ka? Lasing ka ba?" nanlalaki ang mga mata niya. Iniabot niya sa akin ang isang basong kape. Ininom ko 'yon nang dahan-dahan. 

"Nga pala, bilisan mo. Nandyan na 'yong kapatid nang boss mo. Which is our acting CEO." Muntik ko na nang maibbuga ang ininom kong kape sa kanya. Kaya naman nagdali-dali akong sumakay nang elevator para mag-ayos man lang nang mga gamit doon. 

Sa paglabas ko lahat nang tao ay nagkakagulo. Hindi naman nagkakagulong may nag-aaway, parang sobrang busy nila ganon. Mukhang marami atang pinagagawa ang CEO. Pagdating ko sa opisina nag-ayos ako agad nang sarili at inilabas ang mga files na pwede niyang ipakuha. 

"Hindi naman kasi ako na-inform nitong si Sir Frank na ngayon ang dating, o baka nakalimutan ko lang?" sabay kamot sa ulo ko. 

Biglang bumukas ang pintuan at tinawag ako ni Mam Feliciano. 

"Yes mam?" nakangiti kong tanong sa kanya. 

"Iyong mga december files daw sabi ni Mr. President" namumutlang sabi ni Mam Feliciano. Nang makita kong ganon ang itsura niya bigla akong kinabahan at binilisan kong hinanap ang december files na pinakukuha nang CEO. 

"Saan ko po ito dadalhin mam?" 

"Sa board room na lang." Ibig sabihin ako ang magdadala? Agad naman akong tumungo sa board room. Pero sa labas pa lang rinig ko na may sumisigaw sa loob. Nagsimulang manginig ang tuhod ko kaya naman pinasuyo ko na lamang ito sa isang staff na papasok. 

Napahawak ako sa dibdib ko at hindi ko makontrol ang sarili kong hindi uminom nang tubig. 

"Ganon ba talaga 'yon?" umiling-iling kong tanong sa sarili ko. 

Nagulat naman ako nang biglang nag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko 'yon at nagmadaling tignan kung sino ang tumatawag. 

O, si Sir Frank?

"H-Hello Sir Frank?" nauutal kong sagot. 

"O, Kelley, I just got back from seminar. Have you met my brother? I heard nandyan na siya? Sorry I don't remember if nasabi ko ba sayong ngayon ang dating niya. But anyway, can you please pick me up?"  Agad naman akong umoo at ngayon din ay aalis na ako. 

Nagpaalam ako kay Mam Feliciano na susunduin ko si Sir Frank. Umoo naman siya at siya na lamang muna ang mag-aasikaso nang lahat sa opisina. Mabilis naman akong nakasakay nang taxi at panalangin ko lamang ay hindi matraffic papuntang NAIA. 

I am very thankful na hindi naman ako na traffic at matiwasay ko namang nasundo si Sir Frank. 

"Sir Frank, kumusta naman po ang seminar ninyo? Bakit parang ang bilis lang po?" usisa ko. Ngumiti siya at sinabing may dapat pala siyang ipropose kay CEO. Kaya napagpasyahan niyang bumalik agad right after the seminar. 

Pagkasakay namin nang taxi, sasabihin ko na sana kung saan ang destinasyon namin nang sabihin ni Sir  Frank na sa ganito kaming lugar pupunta. Nanlaki ang mata ko at halos hindi makahinga. 

"I'm hungry kasi Kelley, and besides may usapan kami ng kapatid ko na magkikita ngayong lunch," good luck Kelley. 

"P-pero Sir?" 

"It's okay, para maintroduce na rin kita sa kanya." 

So since boss ko siya, wala akong magawa kung hindi ang umoo at sumunod sa gusto niya. Sa isang napaka eleganteng restaurant kami bumaba. At first ko lang makarating sa mga ganitong lugar. Kaya di ko maiwasang hindi matulala at mapanganga. 

"Kelley!" tawag ni Sir Frank kaya agad naman akong sumunod. Pinaupo niya ako sa tabi niya kaya naman mas lalo akong kinbahan. At hindi ko maintindihan ang sarili ko. Pero bigla na lamang nag-vibrate ang phone ni Sir Frank. 

"Yes, hello? oh? yes, andito na kami. Kami? Ah nagpasundo ako sa secretary ko which will help you out sa company. Yes, will wait for you." Sabay baba sa phone niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Nag-vibrate muli ang phone niya. 

"Yes? oh dad? yes po? you're here?! I understand, yes, yes, I will." May nangyari ba?

"Kelley! I'm so sorry! I need to go, since nakaorder na ako, favor please? Eat lunch with my brother and explain mo na lang yong side ko, emergency lang. I call him pag okay na, okay? bye.." at ganon na lang na umalis si Sir Frank, wala akong kalaban-laban. Hindi man lang ako makasagot sa mga iniwan  niyang mga favors kung gusto ko ba?

"So naiwasan mo nga tapos, sasabayan mo pang kumain? Ha ha!" natatawa kong sabi sa sarili ko at napakamot sa ulo. Dumating ang mga pagkain pero wala pa rin ang kapatid ni Sir Frank, pero sa minamalas-malas ka nga naman iba ang dumating, delubyo pa. 

"Hi Miss," bati ni Carl. Pero di ko siya pinansin. No answer means not interested, diba? 

"Is that Kelley?" at kasama niya pa itong mga to? 

Napangisi na lamang ako, pero mas lalo nilang hindi nagustuhan ang inasal ko. Pero wala akong pakielam. Sino ba naman sila diba?

"Alam mo, Kelley? Nakapag-boyfriend ka lang nang mayaman, umaasta ka nang parang mayaman, which is hindi naman dapat.." 

"Should I even care about your opinion?" napataas ang kilay ko sa kagaspangan nang ugali nitong si Crystal, palibhasa boobs matter. Nagulat na lamang ako nang bigla niya akong inambangan nang kamay niya, kaya bigla na lamang akong napapikit, napadilat na lamang ako nang hindi ko naramdamang lumagapak ang kamay niya sa mukha ko. 

Nakita ko na lamang na hawak-hawak nang isang lalaking na sa harapan ko ang kamay ni Crystal at saka niya binitawan. 

"Should I call the security?" napangisi na lamang si Carl at hinablot ang mga braso ni Crystal. Nakahinga ako nang maluwag nang matapos ang kalokohang ito. Tumingin ako sa lalaking nagligtas sa akin at laking gulat kong si Sebastian iyon. 

In some other ways, napangiti ako nang magkita kaming muli. 

"Kelley, sana sa susunod na makita kita hindi sa ganitong sitwasyon" umupo siya at hinarap ako.

"Thank you! Buti na lang nandito ka!" napangiti ito sa akin at tinignan ang mga pagkaing na sa harapan ko. At nagsimula naman siyang kumain nang mga nakahandang pagkain sa hapagkainan. Bigla ko na lamang siyang pinitik at pinababa sa kanya ang kinakain niya. 

"Hindi tamang kumain nang hindi sayo, Sebastian." 

"Who says, this isn't mine? I thought, nagugutom pa naman ako --" napangiti ako sa mga pinagsasabi niya. 

"Inorder 'yan nang boss ko para sa kapatid niya, at siya 'yong hinihintay --" bigla akong napatitig sa kanya nang malalim. Dahan-dahan naman akong napaurong sa kinauupuan ko. 

"Don't tell me i-ik--"

"Hi Kelley. I am your life saver and last but not the least, you're rented gentleman.." 

Rent A Gentleman 1 (KELLEY & SEBASTIAN STORY)Where stories live. Discover now