Rent A Gentleman - 18

16.9K 312 86
                                    

[BAGO MAGISING SI KELLEY]

"I don't think Veronica's reason is valid Mr. President. Suspension or termination are the only way, Sir" paliwanag ni Dianne kay Sebastian. Napahawak naman sa kanyang ulo si Sebastian habang tinitignan niya si Kelley na hanggang ngayon ay di pa rin nagigising.

"She hurt one of our staff. The decision is yours Mr. President, inilatag ko na ang pwede at posibleng hakbang na pwede niyong gawin" nakangiting paliwanag ni Dianne, nagpaalam siya at dumiretso nang lumabas ng opisina ni Sebastian.

Habang naghihintay na magising si Kelley ay minabuti na lamang ni Sebastian na magbasa ng mga proposals at iba pang mga mahahalagang files na nakatambak sa kanyang lamesa. Naiisip pa din ni Sebastian kung paano nawalan ng malay si Kelley habang ginagamot nito ang noo.

"I think she needs to see a doctor.." binaba niya ang kanyang binabasa at tinignan muli si Kelley pero bigla na lamang siyang napatayo sa kanyang kinauupuan ng biglang bumangon ito.

"Ginagawa mo, Kelley?!" at patuloy na sinasampal ang mga pisngi nito.

"Are you okay, Kelley?" tanong ni Sebastian at napabalikwas ang dalaga sa pagkakagulat.

"Kanina pa po kayo diyan?" nanlalaking ang mga mata ni Kelley. Tumungo naman si Sebastian at kumuha ng maiinom nito. Inabot niya ang tubig at saka umupo kaharap ni Kelley. Napansin naman ni Sebastian ang pamumula ng pisngi ng dalaga kaya bigla na lamang niya itong hinawakan sa pisngi. Agad namang tumuyo at umatras si Kelley, mabilis din siyang nagpaalam kay Sebastian.

Mabilis na naglalakad pabalik sa opisina nila si Kelley, ang tanging tumatakbo lamang sa kanyang isip ay di maari ang kanyang napanaginipan at nararamdaman.

"Kells?" tawag ni Jury sa kanyang pangalan. Napatingin naman si Kelley habang nag-aayos ng mga dadalhin niya sa stock room. Lumapit si Jury at tinulungan ito sa mga dadalhin niya.

"Okay ka lang? About Veronica, she's suspended for 6 months.. " kwento ni Jury kay Kelley. Ayaw man umabot sa ganong sitwasyon ni Kelley ang lahat, ang kumpanya na ang nag-decide sa kahihinatnan ni Veronica.

"Okay lang ako, Sir Jury. I just need to rest pagkatapos ng mga nangyari kanina. Thankful na natapos ng maayos ang event," nakangiting sagot ni Kelley.

Nag-offer si Jury na ihatid ito sa stock room, habang naglalakad sila sa Hallway ay di maiwasang titigan ni Jury si Kelley. Napapabaling naman siya ng tingin sa iba pag napapatingin din ang dalaga.

"Iba talaga ang appeal ng Presidente, hindi ko lubos maisip na ganon na pala ang obsession ni Veronica sa kanya.." patuloy na pagkukwento ni Jury kay Kelly pero siya, ay lutang habang naiisip pa din ang panaginip niya kanina.

Grabe parang totoong totoo mga salitang naglalaro sa kanyang isipan.

"Siguro didiretso na lang muna ako sa opisina, baka mag out na ako ng maaga, Sir Jury.." nakangiting sabi ni Kelley, gusto pa sana siyang kausapin ni Jury pero nagparaya na ito dahil sa kailangan talaga ng pahinga ng dalaga.

Habang nasa biyahe, iniinda pa din ni Kelley ang kanyang ulo at balakang na pakiramdam niya ang talagang nagtamo ng matinding sakit. Tinatawagan naman niya agad si Jelay para salubungin siya sa babaan ng bus. Mabilis namang pumunta doon si Jelay at inalalayan ang kanyang kaibigan.

"Alam mo kung ako 'yon di matatapos sa suspension ang gagawin ko diyan eh! Tatanggalan ko ng ngala-ngala yang babaeng yan eh!" galit na galit na sabi ni Jelay kay Kelley. Natawa naman ng bahagya ito at kinalman ang kaibigan. Pagkadating nila sa kanilang bahay ay mabilis na hinanda ni Kleo ang kanyang higaan para makapagpahinga agad. Agad naman niyang pinaalis ang dalawa at tuluyan na nga siyang nakatulog sa sobrang pagod at bugbog.

Rent A Gentleman 1 (KELLEY & SEBASTIAN STORY)Where stories live. Discover now