Rent A Gentleman - 16

18.2K 375 49
                                    

"Can I have your minute guys?" nakangiting sabi ni Ms. Diane, tumigil ang lahat sa pagtatrabaho at tumingin ng lahat sa kanilang dalawa. Nakaramdam ng kaba si Kelley sa unang pagkakataon na pagsisimula niya sa Mariona Grand Hotel.

"I would like you to meet the new Event Officer na papalit kay Alyana, this is Kelley Madrid an I hope na I-guide niyo siya sa abot nang inyong makakaya" nakangiting paliwanag ni Ms. Diane. Agad namang nagpalakpakan ang lahat at masayang winelcome si Kelley.

"Jury, ikaw na ang bahala sa kanya okay? Kelley goodluck! I hope na magustuhan mo ang bago mong trabaho" at saka umalis si Ms. Diane at iniwan na siya kay Jury. Agad namang tinuro ni Jury ang magiging table nito.

"Anyway, I am Jury your head and this is Alyanna the one na magtuturn-over ng mga dapat mong gawin, if may mga iba ka pang tanong you can sit there and talk to me" nakangiti nitong sabi kay Kelley. Pag tingin niya kay Alyanna ay kinawayan siya nito at pinaupo sa kanyang tabi.

"So Kelley, here's the lists na usually ginagawa ko for the team, madali lang naman maghahanap ka lang naman ng mga suppliers for the said events and also magsisilbi kang pangpalakas ng loob ng team pag masyado nang naprepressure ang bawat isa dahil sa deadline" natatawang paliwanag ni Alyanna kinuha nito ang ilang folders at binigay kay Kelley pero bigla siyang huminto at humarap sa kanya.

"I really don't want to go pero my soon to be husband needed me, mag-migrate na kasi kami. I feel naman na you are dedicated person when it comes to work. Huwag kang mag-alala the CEO here is very gentleman and nice kaya no one dares to quit because we really feel the presence of our leader" masayang kwento ni Alyanna kay Kelley.

Nakaramdam naman ng saya si Kelley ng marinig niya ang mga ganong bagay. Naniniwala siyang isang mabuting tao ang nagpapatakbo ng Mariona Grand Hotel. Tumayo si Alyanna at sinama si Kelley para libutin ang Hotel. Tinandaan naman lahat ni Kelley ang mga tinuro ni Alyanna, mabilis din niyang nakapalagayan ng loob ito dahil sa mabait at masayahing tao ito.

Bago pa man din sila bumalik ay natanaw naman ni Kelley ang makisig na si Sebastian na may mga kausap habang naglalakad sa kahabaan ng lobby. Gusto niya sanang bumati ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili at sumunod na lamang kay Alyanna.

"KELLEY" isang malalim na boses ang umalingawngaw sa tahimik na lobby ng Mariona Grand Hotel. Napahinto naman si Alyanna at Kelley. Hindi naman malaman ni Kelley kung dapat niya bang tignan si Sebastian.

Huminto naman ang lahat ng staff na kasunod ni Sebastian at nagtaka sa pagkakatawag sa ngalan na KELLEY. Agad naman silang naghintay kung sino nga ba ang binanggit ng nag-iisang CEO ng hotel. Hinawakan ni Alyanna si Kelley para sabihing tinatawag siya ng CEO. Dahan-dahan naman itong humarap at nakitang nakangiti si Sebastian sa kanya.

"Mr. President" mahinang banggit niya.

Agad namang bumati ang mga staff na nakahinto at nakatingin sa Presidente. Habang papalapit naman si Sebastian ay ganon naman din ang lakas ng kabog ng dibdib ni Kelley. Bumati si Alyanna at kinamayan ito.

"Kelley?" bulong ni Alyanna.

"How's your first day?" nakangiting tanong ni Sebastian.

"Maayos naman po Mr. President" mahinahong sagot ni Kelley.

"You know her sir?" nakangiting tanong ni Alyanna.

"Yes, she's actually the former secretary of my brother" sagot ni Sebastian.

"Mr. President? We need to go" paalala ng mga staff na kasama niya.

Agad naman siyang nagpaalam kala Kelley at Alyanna.

Dumiretso sila Kelley sa elevator, pero tahimik lang siyang nagmamasid.

"See? Alam kong di pipili si Sir ng hindi magaling! I am so happy na ikaw ang papalit sa akin!" nakangiting sabi ni Alyanna kay Kelley. Hindi pa rin maiwasang hindi mahiya ni Kelley dahil sa pagkikita nila ni Sebastian pero mas minabuti na lamang niyang mag focus sa trabaho at sa mga dapat nitong gawin. Pagbalik nila sa kanilang department ay agad naman nilang inayos ni Alyanna ang mga files na iiwan nito sa kanya.

Rent A Gentleman 1 (KELLEY & SEBASTIAN STORY)Where stories live. Discover now