Rent A Gentleman - 29

14.4K 311 97
                                    

"No! Sebastian! No! Wag mokong iiwan  please! Kleo! Tulungan natin si Sebastian parang awa mo na! Carl! Yeona! Please do something!" Walang magawa si Kelley kundi ang yakapin ang duguang si Sebastian

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"No! Sebastian! No! Wag mokong iiwan  please! Kleo! Tulungan natin si Sebastian parang awa mo na! Carl! Yeona! Please do something!" Walang magawa si Kelley kundi ang yakapin ang duguang si Sebastian.

Halos nakatulala sila Frank sa nangyari na hindi agad magsink-in ang lahat. Lumapit si Frank sa kapatid at nakitang duguan kaya naman binuhat niya agad ito at isinakay sa sasakyan.

Nang dumating ang kapulisan nahuli nila si Rebecca na nakatulala at hindi na nagsasalita. Sinampal siya ni Kelley at sinabing hindi na siya makakalaya sa malaking kasalanang ginawa niya.

Nagmadaling magdrive si Frank para mailigtas ang kapatid niya. Habang hawak hawak naman ni Kelley ng mahigpit ang mga kamay ni Sebastian habang nagdadasal na sana ay maging maayos at makaligtas si Sebastian.

Nag under-go si Sebastian sa maraming surgery dahil sa mga natamong sugat at lamog sa katawan nito. Hindi naman nawalan ng pag-asa si Kelley na mabubuhay si Sebastian. Tumagal ng halos 8 hours ang mga naging operasyon niya. Lumabas ang doktor at agad namang nilapitan yon nila Kelley.

"What happen? Ligtas na po ba si Sebastian?" Bakas sa mukha ni Kelley ang pagod at pag-aalala. Hindi rin tumitigil ang pagbagsak ng mga luha niya.

"Successful ang operation but comatouse ang pasyente at walang kasiguraduhan kung kailan siya gigising, pwedeng mamaya o kaya bukas. Ang payo lang namin ay kausapin niyo siya gaya ng normal na tao mas makakatulong yon sa pag-galing niya. Naniniwala kasi kaming gising ang diwa ng pasyente although hindi nagreresponse ang katawan niya"

Napaupo si Kelley sa mga narinig niya. Hindi niya malaman kung bakit ba nangyayari ang lahat ng ito sakanila. Wala siyang ginawa kundi umiyak ng umiyak. Tumabi sakanya si Frank at sinabing magiging okay din ang lahat.

"And I know malalagpasan ni Sebastian to. Cause he did it because of his love for you Kelley. So I want you to become more stronger, sabi ng doktor we can now see Sebastian. So let's go?"

Gustuhin man niyang isipin na magiging okay ang lahat mahirap pa ding tanggapin na nasa ganong kalagayan si Sebastian.

Inalalayan ni Frank si Kelley sa paglalakad papasok ng kwarto kung saan nandoon si Sebastian. Ang tanging ginawa ni Kelley ay hawakan ang mga kamay nito.

"Seb, lumaban ka ha? Wag moko iiwan. Hindi ko kakayanin na mawala ka kaya please gumising kana huh?" At mula doon hindi na tumigil sa pag-iyak si Kelley dahil alam niya sa sarili niyang siya ang dahilan kung bakit nakaratay ngayon si Sebastian.

Pagpasok nila Miss Grace sa kwarto ni Sebastian ramdam nila ang sakit na nararamdaman ni Kelley ngayon. Kaya naman bilang ina nito niyakap niya ng mahigpit ang anak niya.

"Wag tayong mawalan ng pag-asa anak,  hindi tayo pababayaan ng panginoon. Hindi niya pababayaan si Sebastian"

Nagdecide silang lahat na sa kwarto ni Sebastian matutulog para mabantayan din nila si Sebastian at kalusugan ni Kelley. Walang ginawa si Kelley kundi ang titigan ito at sabihing gumising na siya. Sa sobrang pag-iyak niya hindi niya namalayang nakatulog na siya.

Rent A Gentleman 1 (KELLEY & SEBASTIAN STORY)Where stories live. Discover now