Rent A Gentleman - 6

24.1K 515 106
                                    

"Hoy, nagbibiro lang ako. Nasaan na ang kapatid ng boss mo na hinihintay mo?" pabirong tanong niya sa akin.

"Hindi ko alam kung nasaan ang taong iyon" sagot ko sa kanya.

Muntik na akong mabilaukan sa joke niyang iyon. 

"Nabayaran na ba?" nakaturo siya sa mga pagkain. Bumuntong hininga ako at huminga ng malalim. Naghintay kami ni Sebastian sa restawran ngunit hindi dumating ang kapatid ni Sir Frank. Kaya't napagpasyahan kong kainin na lang ang mga pagkaing ito kasama si Sebastian.

Ngumiti siya at nagsimula na ding kumain.

"Uy, sorry pala kung napagkamalan kita na ikaw yung nirentahan ko kagabi. Sobrang sorry talaga!" paulit-ulit kong paghingi ng paumanhin sa kanya. Ngumiti lang siya habang patuloy na kumakain.

"Well, I was free during that time. Anyway, how did you come up with that idea? Renting? May ganoon ba talaga?" nagtataka niyang tanong sa akin.

"You mean, renting a gentleman?" dahan dahan niyang inilagay ang tempura sa aking plato,

"Actually, that was Jelay's idea, my bestfriend. Pero kasasabi niya lang kagabi na na-scam kami" kinuha ko ang tempura at kinain.

Bigla niya namang iniabot ang isang brown envelope.

"Since I am not really you're rented gentleman, nararapat lamang na ibalik ko ito sayo" nakangiti niyang paliwanag sa akin. Nakayuko ko naman iyong kinuha at tinakpan ang aking mga mukha. Nakakahiya ka talaga Kelley!

"By the way, bakit ka nandito? May imemeet ka din ba dapat dito?" tanong ko sa kanya. Kinuha niya ang pitsel at nliagyan ng tubig ang aking baso, iniabot niya ito sa akin.

"Yes, may imemeet sana ako kaso nakita kita! Anyway, what's up with your ex?" seryoso niyang tanong sa akin.

Kinuha ko ang baso at uminom ng tubig. Tahimik kong inisip kung ano ang isasagot ko.

"Naranasan mo na ba yon? Gusto mong magpatuloy dahil alam mo sa sarili mo na okay ka lang, handa ka na at biglang isang araw ay magkikita ulit kayo. Sa totoo lang gusto ko ng closure, ngunit sa ugali ni Carl ngayon, parang ayoko na" tumaas ang kanyang kilay at binigay ang panghimagas.

Kinuha ko ito at kinain.

"Sa nakikita kong asal niya ngayon, mas mabuting mas mag-focus ka sa sarili mo. You deserve to be happy!" nakangiti niyang sagot sa akin, kinuha niya ang kanyang cellphone at iniabot sa akin.

"Bakit?" tanong ko.

"Number mo" sagot niya.

Agad ko namang nilagay ang number ko. Masaya akong makita at makausap muli si Sebastian, ngunit kailangan ko nang umalis dahil mukhang di na din naman darating ang kapatid ni Sir Frank. Masaya kaming naghiwalay ng landas, sa totoo lang masarap sa pakiramdam na may makilala kang panibagong tao sa buhay na ito. Tumingin ako sa kalangitan, ngumiti ng bahagya at naalala ang paulit-ulit na sinasabi ng aking Mama at ngayon ni Sebastian, na deserve kong maging masaya.

Sa pagbabalik ko sa opisina ay sinimulan ko nang ayusin ang mga dokumentong iniwan ng mga Managers, at ifile ang lahat ng mga kapapelan na nakahambalang sa aking pwesto. Pinrint-out ko na din ang ibang mga letters na para kay Sir Frank, mag proposals at mga panibagong event na kailangan talaga siyang umattend.

Uminat ako at kumuha ng tubig nang biglang mag-vibrate ang phone ko.

+63956012****I hope you had a great lunch. :)

Sebastian?

Napangiti naman ako habang nagtatype ng irereply sa kanya.

"Sana nabusog ka din, kahit di naman para sa atin ang pagkain" natatawa ako habang nagtatype. Umupo akong muli at saglit na nakipagpalitan ng text messages sa kanya.

+63956012****Well, that was the happiest part of the lunch. :) Have you met your boss's brother?

"Oo nga no? hindi na rin naman nag-update si Sir Frank about sa kanya" tanong ko sa aking sarili.

"Hindi na, wala din akong update na natanggap"

+63956012****Anyway, have a nice day.

It was really nice meeting you again. :)

"You too"

Panandalian akong nawala sa aking sarili, napahiga ako sa sofa at napangiti.

"It was really nice meeting you again, Sebastian" at nagpatuloy na akong muli sa pagtatrabaho, inabot na ako nang alas nuebe ng gabi gustuhin ko mang tapusin ngunit kailangan ko nang umuwi para maabutan ko pang bukas ang LRT.

Pero bigla namang tumawag sa akin si Sir Frank.

"Sir?" tanong ko.

"Kelley, pwede mo ba akong kuhanan ng driver? Medyo nakainom na kasi ako" nakainom? first time na tumawag na nakainom itong taong to.

"Saan ko po kayo pupuntahan, Sir? Sir?"

"Dito sa may Yohan's Bar and Restaurant malapit sa Mariona Hotel" at binaba niya na ang tawag.

Agad naman akong tumawag ng taxi para puntahan si Sir Frank, bilang alam ko naman ang Mariona ang tanging kailangan ko na lamang gawin ay hanapin kung saan ang bar na sinasabi ni Sir Frank.

"Kuya knows ba yung Yohan's Bar and Restau?" tanong ko sa Taxi Driver. Umoo naman ito at safe niya akong ihinatid sa aking pupuntahan. Sinabihan ko naman na huwag munang umalis ang taxi driver dahil ipapahatid ko ang aking boss, nagmadali akong pumasok sa loob, nakita ko namang nakayuko si Sir Frank. Yes alam na alam ko ano itsura ng ulo niya!

Bakit ba umiinom ang lalaki? Dalawa lang ang dahilan diba? Kung hindi mag-enjoy, baka kailangan makalimot. 

"Madami-dami na ata ang naiinom natin, Sir a?" nagulat si Sir Frank sa sinabi ko kaya naman binaba niya ang iniinom niya at napangiti. 

"Kaya ba iniwan niyo ko kanina dahil dito?" natatawa kong tanong sa kanya at umupo na ako sa harap niya. 

"It's just that something came up." 

Something came up? O someone came up?

Hindi ako sumagot para hayaan lang siyang magkwento pero di ko inaasahang mag-oopen up siya sa akin agad nang ganon kabilis. 

Lasing na nga ito. Uminom din ako, dahil this is the best way para makalimot. 

"Alam mo sir kung babae kang 'yan, tama na ako ang nilapitan niyo. Kung nagpapakipot man 'yan, nako sir hindi na siya lugi sa'yo no!" 

"Talaga? Paano kung may iba siyang gusto?"

Ang hirap namang sagutin nang tanong niya. Hanggang sa nakarami na rin ako nang inom. Nakalimutan ko na ang taxi, kaya nang icheck ko ito ay nawala na sa harapn ng bar. Usapang lasing na ito. 

"Mahirap ipilit ang sarili natin sa mga taong di naman tayo gusto.." Shit nahihilo na ako. 

At dahan-dahan kong inilapag ang ulo ko sa mesa. 

"Hey! Are you okay?!" tanong ni Sir Frank. 

"At! once na nakita niyo ulit yong taong 'yon, dapat magaling kang mag-pretend na kayang-kaya mong dalhin ang sarili mo sa harap niya, ayos ba Shir--?" nakangiti kong tanong sa kanya. Hindi na ako makapagsalita dahil sa umiikot na ang mundo ko. Pero di ako lasing, hindi ako lashing. 

Nakikita kong dumadial sa phone si Sir Frank at may tinawagan kaya naman, nagsimula na akong tumayo at maglakad nang pagewang-gewang nang may tumulong sa aking tumayo nang maayos. 

"Oh? Sebastian? Ikaw na naman?" sabi ko sa isip ko. Wala na ako sa wisyo pero naaninag ko ang nangyayari, nagtatalo sila habang buhat-buhat ako ni Sebastian. 

"I told you to get over with it!" naiinis na sabi ni Sebastian. 

"How could I! I love her so much!" sagot naman nitong si Sir Frank. 

"Dinamay mo pa itong secretary mo sa kaanuhan mo, kuya." Dahan-dahan niya akong inilapag sa likod nang sasakyan.

Sa puntong iyon, nawalan na ako nang malay. 

Rent A Gentleman 1 (KELLEY & SEBASTIAN STORY)Where stories live. Discover now