Rent A Gentleman - 19

16.1K 307 63
                                    

[HELLO! I AM EDITING THIS STORY, PLEASE BEAR WITH ME HEHEHE! HOPING TO FINISH THIS WITHIN THIS MONTH!]

Thank you,

Your Author, Miki.

------

[THIRD POV]

"Hi Sir.." nakangiting bati ni Kelley.

Napansin naman ni Sebastian ang pagiging awkward nito sa kanya.

"Something's bothering you?" tanong nito.

Agad namang umiling-iling si Kelley at ngumiti muli.

Magsasalita pa sana si Sebastian ngunit tumunog na ang kanyang cellphone.

"Anyway, see you around.." nakangiting paalam ni Sebastian kay Kelley.

Pagkalabas na pagkalabas ni Sebastian ay napaupo si Kelley sa kanyang upuan. Huminga siya ng malalim at paulit ulit na umiiling. Binalik ni Kelley ang focus sa trabaho, kailangan niya agad itong maipasa dahil bukas na ang binigay na deadline ni Jury sa kanila.

"Hey Kels, I need you now sa Pasig Event. This need to be sign para sa mga ilalabas ng suppliers, ganitong oras lang daw pwede si Mr. Mallari.." sabi ni Jury sa kanya. Agad naman siyang umoo at nagmadaling pumunta sa naghihintay na company car. 

Bago pa man din siya makaalis ay napansin niya ang isang babae na nasa 50's ang tingin niyang edad, laking gulat niya ng makita ito na kahawig na kahawig ng kanilang nanay. Babain niya sana pero bigla na lamang itong nawala.

Habang nasa biyahe ay hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang nakita, mabilis niya ding winaglit ito sa kanyang isip dahil sa kailangan niyang mag-focus sa kanyang trabaho. Pagdating niya sa Pasig ay mabilis siyang sinalubong ni Anna ang secretary ni Mr. Mallari. 

Ang event na pinuntahan niya ay isang general membership meeting at laking gulat niya ng makita ang dati niyang mga kaklase sa kolehiyo. Agad niyang tinignan ang invitation sa table at hawak pala ito ng isa sa mga naging kaklase niya dati.

Kinalma niya ang kanyang sarili at naghintay na lamang sa table ng mga secretariat, uupo na sana siya ngunit tinawag siya ni Anna at pinapasok sa loob ng hall, may mga katanungan daw kasi si Mr. Mallari sa isang letter. Habang naglalakad ay nakasalubong niya ang tatlong matalik na kaibigan ni Carl. Mabuti na lamang ay nakaiwas siya agad dahil nagmadali siyang naglakad.

"Hi Ms.?" tanong ni Mr. Mallari.

"Kelley Madrid, Sir.." nakangiting sagot ni Kelley.

"I just wanted to know if this is the final numbers of the suppliers?" tanong ng matanda.

"Yes sir, that's the final numbers" nakangiting sagot nito.

Agad namang pinirmahan ni Mr. Mallari ang mga dokumento at binigay sa kanya. Hindi na muna siya pinaalis dahil gusto siyang makita ni Mr. Mallari na kumain muna bago bumalik kaya wala ng nagawa ang dalaga at kumain na muna kasama si Anna.

"Are you the new staff of Sir Jury?" nakangiting tanong ni Anna. Tumungo naman si Kelley habang kumakain. Nakangiti lang si Anna habang nakatingin sa kanya. Habang seryoso sa pagkain si Kelley di na niya namalayang nasa harap niya na si Carl.

Nang makita niya ito ay bigla naman siyang naubo. Agad siyang binigyan ni Anna ng tubig at tinapik tapik ang likod. Napatingin naman sa kanya si Carl at lumapit sa kanya. Agad namang pinaalis ni Carl si Anna at tinabihan si Kelley. 

"Kung ako sayo hindi na ako magsisimula.." inunahan agad ni Kelley si Carl. 

Pero bumuntong hininga ito at ngumiti. 

"I give up, Kelley. Hindi na kita guguluhin o ano pa man, let's be friend?" nakangiting tanong ni Carl sa kanya. 

"You know what? It's okay with me. Pero layuan mo ako Carl. You do your job, I am hoing to do mine. Now please let me eat in peace" napairap naman si Kelley habang sinusubukang kumain ng matiwasay. Natawa naman si Carl at kinalabit siya pero di siya pinapansin nito. 

"My mom is one of the speaker here, you should listen kasi isa siya sa mga kilala when it comes to event organizing.." seryosong sabi ni Carl. 

"Anong pangalan?" tanong ni Kelley. 

"Miss Grace" sagot ni Carl. 

"As in si Miss Grace?!" gulat na gulat na tanong ni Carl. 

"Yes, I know naman na hinahangaan mo siya di ko lang masabi sayo. But we're not totall related ha? Parang tumayo lang siya bilang mom namin" nakangiting kwento ni Carl. 

"Ladies and gents, please give her a warm of  applause, Miss Grace" nakangiting tawag ng host. 

Nakita ni Kelley si Sebastian kasama ang isang babae at tinulungan niya ito sa pag-akyat ng stage. At nang humarap ito sa kanila ay di niya malaman anong dapat niyang maramdaman. This was the woman who abandoned them. Na mas pinili na sumama sa iba. Napahawak sa dibdib si Kelley dahil halos di siya makahinga. Napansin naman ito ni Carl. 

"Hey, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Carl. Hindi sumagot si Kelley at nagpatuloy lang sa paglalakad palabas ng hall. Nakita siya ni Sebastian at agad naman siyang tumakbo papalapit kay Kelley. 

"Kells, are you okay?" tanong ni Sebastian. 

"Do you know her?" turo niya kay Miss Grace. 

"Yes, I know her" sagot ni Sebastian. 


Rent A Gentleman 1 (KELLEY & SEBASTIAN STORY)Where stories live. Discover now