Rent A Gentleman - 2

31.4K 538 158
                                    

Long  lost batch mate?!

Hindi ko akalaing hanggang ngayon umaasa ako sa lalaking ito na magkaroon kami ng closure pero hanggang ngayon din pala, hindi pa rin maiaalis ang katotohanan na pinaglaruan ka lang niya. Nakuha ka pang i-deny ka sa iba.

"Oh really Kelley? You know my friend?" nakangiting tanong ni Sir Frank.

"Yes Sir! And as far as I remember, alam ko magaling lang siyang maglaro sa mga damdamin ng tao at magaling sa pustahan" Nice one Kelley, keep it up girl. 

"Oh! But eventually wala nga sa itsura ni Carl ang maging magaling sa pag-organized, pero magaling talaga ito. How's your sister?" natawang sabi ni Sir Frank. Pinilit na ngumiti ni Carl, at alam kong hindi niya nagustuhan ang bungad ko sa kanya. Ngumiti ako, kasi ang sabi nila ang pinaka perfect na revenge sa mga taong nanakit sayo ay isang matamis na ngiti. 

Pero hindi mo malalaman ang tunay na nararamdaman mo once na wala ka nang kakampi sa tabi mo. Biglang may lumapit na staff kay Sir Frank at inaya siyang mainterview.

"Sure! Kelley, Carl? I'll just go with them for the interview. Ikaw na muna bahala sa kanya? Pakilibot naman siya" bilin ni Sir Frank kay Carl at sumama sa staff na mag-iinterview sa kanya.

"Well, what a pleasant surprise to see you here Kelley, and thank you sa magandang introduction mo kay Frank tungkol sa akin. Tara ililibot kita sa exhibit area" Hinawakan niya ako sa braso ng mahigpit. Tinanggal ko ang mahigpit na pagkakahawak niya sa braso ko at lumakad papalayo habang kasunod ko lang siya.

"How are you Kelley? It's been a long time.." tanong sa akin ni Carl. Tumingin lang ako sa kanya at tumingin-tingin sa mga artworks.

"Hanggang ngayon ba, hindi mo pa rin ba matanggap na tapos na tayo?" seryosong tanong ni Carl sa akin. Humarap ako sa kanya at tumitig ng matagal.

"Sa pakiramdam ko parang ikaw ang hindi pa nakaka-move on, but I am definitely fine Carl!" halos nanginig ang mga kamay ko at nanlamig habang sinasabi 'yon sa kanya. Nanatili siyang nakatayo at nakatingin sa akin.

"Good to hear that from you, dahil ayokong magkaroon ka pa nang sama nang loob sa akin. Continue to do well, I'm happy for you" nakangiti niyang sagot sa proudest moment na sagot ko sa kanya. Pero bakit parang di sapat?

"I have to go, may kailangan pa akong asikasuhin. Pakisabi na lang kay Frank na it was nice seeing him. And you too" sumunod siya sa staff na sumundo sa kanya. Pero ako nakatingin lang ako sa pag-alis niya. 

It was nice seeing you too, coward. 

Lumabas ako ng exhibit area at nagpahangin saglit, dahil halos hindi ako makahinga sa nangyari kanina. Tinapik-tapik ko ang dibdib ko. 

"There you are! Kanina pa ako hanap ng hanap sayo, kaso sabi ni Carl iniwan ka na niya dahil may kailangan siyang asikasuhin" tumingin ako sa kanya at ngumiti. Si Sir Frank pala.

"Masyado lang pong malamig sa loob kaya lumabas ako"

Tinignan ako ni Sir Frank ng malalim at lumapit sa akin.

"Tell me, Carl is one of the past? part nang college life mo na ayaw mong balikan?" Ano ba naman to si Sir Frank, ang galing makiramdam at manghula.

"Actually, Sir. He's my ex-boyfriend"

"Seriously? I didn't know na you have that kind of relationship before with him.." nag-aalalang sabi niya.

"It's okay sir! Don't mind it!" pilit na ngiti ko habang umupo naman siya sa tabi ko.

"I will attend a seminar tomorrow, and oo nga pala uuwi yung kapatid ko at siya na muna ang asikasuhin mo kung may mga files siyang ipapahanap sayo, okay? Hindi ko alam kung aabutin ako ng by week or not, it depends"

Rent A Gentleman 1 (KELLEY & SEBASTIAN STORY)Where stories live. Discover now