Rent A Gentleman - 14

19.7K 418 102
                                    

[SEBASTIAN'S POV]

Inihatid ko muna si Kelley sa kanila upang makapagpahinga na siya at malimutan ang mga nangyari kanina. Hindi ko alam kung bakit nandito ngayon si Dad, hindi rin kasi siya nagpasabi na darating siya ngayon kahit na si Frank walang sinabing uuwi siya ng Pilipinas. Kaya naman dinial ko ang number ni Frank para malaman kung alam niyang nandito si Dad.

FRANK: Yes?

"Nandito ngayon si Dad? Tumawag siya sa akin, nasaan ka ba ngayon?"

FRANK: Nandito na ako sa bahay, Dad wants to talk to you. 

"On my way there,"

Ano naman kayang pakay ni Dad dito? 

Pumunta ako sa bahay katulad ng sabi ni Frank, pagbaba ko ng kotse narinig ko agad ang boses ni Yeona na tumatawa. Ibig sabihin nandito silang magkakapatid at kasama ang tatay ko. One big happy family.

Pagpasok ko ng bahay masayang masaya silang nagkukwentuhan kaya naman hindi nila ako napansin na nakatayo na sa harapan nila.

"Dad.." Bigkas ko.

"O naririto na pala ang anak kong suwail.. " Bungad niya agad sakin. Hindi man lang ako kinamusta o tinanong kung okay lang ako.

"Mabuti naman po ako, salamat sa magandang pagpabati.." para kunware hindi tayo nasasaktan.

"Tito!" Pakunwaring saway ni Yeona sa Daddy ko.

Umupo ako sa harap nila at niluwagan ang necktie ko alam ko mahaba habang diskusyon na naman ito kung sakaling may ihahabla na naman si Dad sa pag-uwi ng Pinas. Nagsimulang uminom ng wine si Dad habang nakatingin sa akin. Tinignan ko lang din siya kung paano niya ako tignan. Ramdam ko din na may nais siyang sabihin sa akin at ramdam na ramdam ko 'yon.

"I want you to move out as the CEO of the company of your brother, mas gusto kong siya na ang magmanage no'n.."

Napangiti ako at tumingin sa kanya. 

As I expected na sasabihin niya, lagi namang it's about Frank eh.

"I just did, Dad. Hindi pa ba nasasabi ni Frank sa'yo? Dad, I have my own businesses, so it's okay with me"

Tumingin si Dad at Frank sa akin, parehong-pareho sila ng asta. Alam ko namang una pa lang Dad doesn't like me at all, pero I'm his son. I been doing my best since I was a kid. I been doing my best all my life.

"Sebastian?" sabat ni Yeona.

"Why you're here? Are you even part of the family?" Nakangiting tanong ko kay Yeona na nagiging pakielamera sa pamilya namin. Hindi ko alam anong pakay ni Yeona sa buhay namin na palagi nalang siyang nakadikit kay Frank at Daddy.

"Sebastian, Yeona is like a sister to us. Kaya please, huwag mo siyang ganyanin.."

"No! She isn't, a sister will not be like that!"

Napatayo si Yeona sa sobrang inis pero pinaupo din siya agad ni Dad, parang na sa telenovela ako na ako mismo ang umaagaw ng atensyon ng iba, ako mismo ang kontrabida ng kwento ng buhay nila. 

And this is fucking hurt me.

"You're going to marry, Yeona.." Sabi ni Dad, matagal niya ng sinasabi ito sakin and even threatening me with his money at mawawalan ng mana pag di ko siya sinunod. And I always told him na hindi ko pakakasalanan si Yeona, kahit itakwil niya pa ako ng paulit-ulit.

"Nakakatawa naman, I'm sorry? Pero since you doesn't treat me like a son at all, wala kayong karapatang pumili ng taong gusto kong pakasalan. Dad akala ko pa naman matalino kayo pero alam ko na ngayon why mom left you" Seryoso kong tanong kay Dad at tumingin ng nakangiti kay Yeona. 

Rent A Gentleman 1 (KELLEY & SEBASTIAN STORY)Where stories live. Discover now