Rent A Gentleman - 7

23.1K 481 125
                                    

Tumama sa akin ang matingkad na sinag nang araw dahilan kung bakit ako napamulat nang wala sa oras. Uminat-inat ako sa sobrang sarap nang tulog ko. I had a great sleep last night. Napangiti pa ako sa pinaggagawa ko. Napansin ko na napakalambot nang kama ko, may kumot din at huli ko na nang ma-realize na wala ako sa amin. 

What the fuck, Kelley?!

Napakagat ako sa mga kuko ko habang iniisip ang nangyari kagabi. Napatalon ako sa hinihigaan ko at tinignan kong may damit ako. At nakaluwag ako nang paghinga nang hindi naman nagbago ang damit ko. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa pintuan. Binuksan ko ito nang mahinahon para tignan kung may tao sa labas nang kuwarto. 

"Hello" nag-eecho lang ang boses ko sa buong bahay. 

"Ay susmaryosep palakang malaki!" napasigaw ako nang sinilip ako nang isang matandang babae. 

"Mag-almusal daw muna kayo bago pumasok sa opisina. Kabilin-bilinan niya po na magpalit daw po kayo nang damit kaya may iniwan po siyang paper bag diyan, 'yan na lang daw po yong suotin niyo." 

Sumunod ako sa kanya pababa nang kuwarto, sobrang ganda nang bahay at di ko akalaing patutulugin ako ni Sir Frank dito. Nakita kong nakahanda na ang pagkain sa lamesa nahiya na rin ako sa matandang babae kaya umupo na ako. 

"Kaano-ano kayo ni Sir, hija?" Ano nga ba?

"Secretary po ako ni Sir Frank. Hindi po talaga dapat umiinom ang babae." Natawa naman siya habang binibigyan ako nang inumin. 

"Kayo po? Kaano-ano niya po kayo?" nakangiti kong tanong habang sinusubukan ko na lang kumain. 

"Ako ang nag-alaga sa kanya simula nang maliit pa siya. Lagi kasing na sa ibang bansa ang parents nila" Ang suwerte naman nila. 

Bago ko pa man din magustuhana ng lugar na ito nagmadali na akong kumain para makapasok na sa opisina at sa sobrang kahihiyan nilubos-lubos ko na din ang lahat, nakiligo na rin ako sa bahay nila Sir Frank. 

"Maraming-maraming salamat po, ano po nga pala ang pangalan niyo?" nakangiti kong pagpapasalamat at tanong ko sa kanya. 

"Nanay Minda" Nakangiti siya at saka niya ako hinatid pababa. Tumingin ako sa ganda nang condominium na tinitirhan ni Sir Frank. At naisip kong sobrang taas talaga nila sa amin. Sumakay ako nang taxi para mas mabilis sa pagpasok. Mabuti na lamang at walang traffic kaya tuloy-tuloy lang ang biyahe ko. 

Sa pagtungtong ko sa building, masaya naman akong sinalubong ni Lily. 

Binigay niya ang coffee at mga letters na dumating para kay Sir Frank. 

Ngayon din ang meeting tungkol sa mangyayaring malaking events na pangungunahan nang kumpanya namin, kaya inayos ko ang mga folders at files na kakailanganin sa meeting na 'yon. Pagpasok ko sa board room naroon na sila Sir Frank at iba pang mga directors. Yumuko ako bilang pagbibigay galang sa kanilang lahat at saka ako umupo sa tabi ni Sir Frank. 

"Okay ka na ba?" Tanong ni Sir Frank. 

Ngumiti lang ako at di na nagsalita pa. 

Binigay ko sa lahat ang mga folders na kailangan.

At ilang minuto pa ay nagsimula na ang meeting nila. 

"As we know, matagal naman na nating client ito but still they requesting for a collaboration with his favorite event group, later they will come here para mas mapag-usapan nang maayos ang lahat.." 

Bigla naman lumapit ang isang staff kay Sir Frank at bumulong, napangiti ito at saka tumayo. Sa pagbukas nang pintuan ni Sir Frank narinig ko ang masayang pagbati niya sa mga bisita niya. 

"Welcome!" nakangiting salubong ni Sir Frank kaya naman nagsitayuan kaming lahat na nasa loob nang board room. At laking gulat ko na hindi ibang tao ang ineexpect ni Sir kung hindi si Carl lang naman ang taong makikipag-collaborate sa amin. 

Napatingin ako sa lamesa at hinawakan nang maayos ang mga files. Sa di ko inaasahang oras ay ngayon ko pa talaga makakaharap ulit ang taong ito. Isa-isang pinakilala ni Sir Frank si Carl sa mga taong nasa loob ngayon nang board room which is isa ako sa mga iyon. Nang tumapat na sa akin sina Sir Frank at Carl. 

"I bet you know my secretary, she's one of the great staff and organizer of the company," nakangiting pagpapakilala ni Sir Frank. Ngumisi lang si Carl at iniabot ang kamay niya, kinamayan ko na din siya bilang pagbibigay galang. 

 Inihatid naman ni Sir Frank si Carl sa upuan niya at tumabi ito sa kanya. 

Bumalik ako sa upuan ko. 

"As we all know, our company will be partnered with Carl's Events Company dahil na rin sa kagustuhan ng ating client. I would like to point out that Ms. Madrid will be the Team Leader of our team, Carl" proud na proud na announce ng boss ko. 

Kahit ako ay nagulat sa gustong mangyari ni Sir Frank pero since naniniwala siya sa kakayahan ko ay wagas na saya ang aking naramdaman nung mga oras na iyon.

"Wala na bang ibang choice, Frank? I mean Kelley and I? Same level?" at ano nanaman ang gustong palabasin ng lalaking ito? Natawa din si Carl sa sinabi niya pero parang hindi ito nagustuhan ni Sir Frank. Pinilit kong itinago ang pagkakadismaya ko sa inaattitude ngayon ni Carl. 

"Well, there's no other options cause we are giving you our best choice. And to be honest, Kelley is one of the top organizer of our company, she is not just my secretary she's been doing events recently and clients love it!" nakangiting pagpapaliwanag ni Sir Frank. 

Napatitig si Carl kay Sir Frank at tila may gusto itong sabihin, pero bigla na lang bumalik ang isang staff at binulungan si Sir Frank, nagulat naman ito kaya napatayo siya. 

"Oh, this is so sudden, but I would like to introduce you to my brother and the acting CEO of the company. He wanted to participate in this meeting" agad namang nagtungo si Sir Frank at ang staff sa pintuan. 

Nagtayuan naman kami upang magbigay galang sa Presidente ng kumpanya. Nagsimula ding magbulung-bulungan ang lahat dahil sa ngayon lang nila ulit makikilala ang Presidente. Lalo din akong naintriga kung sino nga ba itong kapatid ni Sir Frank na mailap sa mga tao. 

Napatingin naman ako kay Carl at hanggang ngayon ay nakatitig pa din siya sa akin. 

"Alam mo gumive-up ka na, let's work together, let's see who's the best?" pang-iinis ko sa kanya. 

"You should give up, Kelley. I won't give you peace!" seryoso niyang sagot sa akin. 

"Then I'll give you hell!" natatawa kong sagot sa kanya. 

Tinitigan niya ako na parang gusto niya akong sakmalin pero natigil lang ang aming asaran nang binuksan ni Sir Frank ang pintuan at ngumiti. 

Pumasok ang isang lalaki na tila kahawig ni Sebastian.

"Sebastian ba 'yon?" Ilang ulit kong ipinikit at  iminulat ang aking mga mata. 

"Hindi. Bakit naman siya magiging Presidente nitong kumpanya?" baka guni-guni ko lamang na kamukha niya si Sebastian.  

"That's your date diba?" seryosong sabi ni Carl. 

Laking gulat ko nang siya'y sinimulang ipakilala ni Sir Frank. 

"Goodmorning everyone, this is your CEO, Sebastian Montereal" 

"Goodmorning everyone, this is your CEO, Sebastian Montereal" 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Rent A Gentleman 1 (KELLEY & SEBASTIAN STORY)Where stories live. Discover now