Rent a Gentleman -10

19.2K 436 114
                                    

Tahimik akong nakasakay sa sasakyan ni Kleo. Napansin naman ni Jelay na tahimik ako pero binigyan niya lang ako ng makakain at ng space. Ramdam din ni Kleo na tahimik ako kaya naman paulit ulit siyang tingin ng tingin sa akin.

Hanggang ngayon naiisip ko pa din ang kahihiyan na makita ng lahat ang hinaharap ko. Nagpapasalamat na lang ako na naroon si Sebastian at ang kanyang coat.

"Alam mo, birthday ko ngayon. Pwede ngumiti ka naman parang mawawalan ako ng gana kumain sayo e" seryosong pinagsabihan ni Kleo si Kelley.

Bigla namang natawa si Jelay at hinaplos ang aking mga balikat.

"Kung ano man yang iniisip mo, huwag mo na munang isipin ngayon! Magpakasaya tayo! Happy Birthday babe!" masayang sinabi ni Jelay at bati nito kay Kleo.

Naisip ko naman na tama naman sila, hangga't hindi pa ako pinapatay ni Carl physically lalaban ako at magpapakasaya ako. Dumating kami sa Vikings sa MOA, malamig ang simoy ng hangin at good thing na meron na silang mga tables sa labas para kung gusto mong kumain sa labas.

Masayang masaya ako dahil nadagdagan na naman ng buhay ang kapatid ko. Masaya kaming nagsalo-salo at kumain ng parang walang bukas. Pagkatapos naman nito ay nag-stay kami sa isang bar na nakatapat sa dagat. Nakakawala ng mga galit ang pagkanta ng isang babaeng bokalista. Masaya naming cinelebrate ang birthday ni Kleo.

"Shit! Namiss ko ito! ang kaibahan lang mag boyfriend at girlfriend na kayo ngayon!" natawa akong maalala na sila pa din talaga ang nagkatuluyan.

"Kelley, thank you dahil tinanggap mo ako bilang girlfriend ni Kleo" hindi ko alam bakit naging emosyonal ang kaibigan kong si Jelay pero ramdam ko siya, hindi lang si Kleo nagkaroon ng bagong pamilya kung hindi pati na rin ako.

Actually matagal ko naman ng tinuring na pamilya si Jelay. 

Hindi masyadong uminom si Kleo dahil siya ang magdadrive. Tanging kami lang ni Jelay ang uminom ng bongga. Gusto kong maging masaya at makalimutan ang nangyari kanina dahil bukas, isa na naman pong kabanata ang magbubukas sa aming dalawa ni Carl.

Bigla namang nag-vibrate ang phone ko at nakitang galing kay Sebastian ang text message.

Mr. President: How are you?

"Oh Jelay, tignan mo! Nag-text na naman ang Prince Charming mo!" natatawa kong sabi kay Jelay at pinakita sa kanya ang cellphone ko. Tumingin naman si Jelay kay Kleo at sinabing hindi niya Prince Charming ang sinasabi ko.

Kinuha ni Kleo ang cellphone ko at tinignan niya.

"Sebastian?" bigkas ni Kleo sa pangalan ng nagpadala ng text message.

"Sebastian? Kelan pa sila naging close ni Kelley?" nagtataka namang tanong ni Jelay kay Kleo. Nilakihan ng mata ni Kleo si Jelay.

"Hoy loko-loko, kay Kelley yan! Replayan mo sabihin mo sa kanya sumunod dito" utos ni Jelay kay Kleo.

Kelley: Busy ka? Nandito ako sa MOA, umiinom.

Nagtawanan ang dalawa sa ginagawa nila. Napansin ko naman agad iyon at kinuha ko ang aking cellphone. Napatalon ako ng mabasa ko ang sinabi nila kay Sebastian.

Mr. President is typing.....

"Kleo!!!!!" sigaw ko.

Sabay namang tinignan ng dalawa ang reply ni Sebastian. 

Mr. President: Bakit ka umiinom?

At sabay na napabuntong hininga ang dalawa at binalik sa akin ang cellphone ko. Nag-vibrate naman ulit ang cellphone ko.

Mr. President: Can I call you?

Nagtuloy naman ang dalawa sa pag-inom at pakikinig sa kumakanta, habang ako naman ay humanap ng lugar na hindi masyadong maingay at saka ako nag-reply kay Sebastian.

Kelley: Go ahead.

Wala pang isang minuto.

Mr. President is calling......

"Hello?" mahina kong sagot sa cellphone.

"Are you okay?"

Hindi ko alam pero parang may kilig akong naramdaman sa pagtatanong niyang iyon sa akin, which is hindi tama. Dahil nagbibigay nanaman ako ng kahulugan na wala naman talagang dapat kahulugan.

"Kung tungkol kanina, medyo okay na ako. Hindi ko na iniisip. Anyway, maraming salamat sa pagpapahiram mo ng coat mo, Sir. I'll give it back to you pag napa-dry clean ko na iyon" masaya kong pagpapaliwanag at pasasalamat sa kanya.

"Don't drink too much, I know how low your alcohol tolerance" naririnig kong natatawa siya habang sinasabi niya iyon. Magkukwento pa sana ako pero bigla kong napansin na parang nagkakagulo kung nasaan kami nakapwesto.

Agad naman akong nagpunta para tignan, at nawala na rin sa isip ko na ibaba ang telepono kaya lahat ng nangyayari ay naririnig ni Sebastian.

"Kleo! Kleo stop!" awat ko sa kapatid ko habang nakikipagbungguan sa kabilang table. Pareho naming pinipigilan si Kleo pero hindi namin ito mapigilan. 

"Hey stop!" sinigawan ng babae si Kleo. 

Nagpantig naman ang tenga ko sa pagkakasigaw nito sa amin. 

"Should I call the police? Palibhasa mukha kayong mga walang pinag-aralan" hindi ko alam bakit ganoon kadali niya kaming husgahan. Gusto ko sanang makipag-usap ng maayos alang-ala kay Jelay at Kleo, dahil birthday pa naman din niya ngayon. 

"Ano bang nangyari Kleo?" mahinahon kong tinanong si Kleo sa nangyari dahil ayoko maging padalos-dalos sa mga sasabihin ko. 

Napasinghal siya at tumingin sa akin. 

"Hinipuan ng kasama niya Jelay, sa tingin mo mapapalampas ko iyon?" nagngingitngit na kwento ni Kleo. Umalma naman ag kabila at sinabing ang aarte daw namin. Pikon na pikon na ako at ayoko sa lahat ay iyong ikaw na nga ang may kasalanan ay ikaw pa itong galit. At sino ba naman ang matutuwa sa pangbabastos? 

Lumapit ako sa lalaking nang bastos kay Jelay, hindi na ako nagdalawang isip at sinampal ko siya. Mabilis namang nahawakan ng kasama niyang babae ang buhok ko kaya naman nagpang-abot na kaming dalawa. Para kaming manok na nakawala sa sabungan. Hindi ko din akalain sa sarili kong kaya ko nang makipagsabayan sa mga taong mga bastos. Hinuli kami ng mga nagbabantay na brgy. tanod sa MOA at dinala sa Police Station. 

Nakaupo kaming tatlo nila Jelay at Kleo sa harap ng Police officer. Wala na lang kaming magawa kung hindi ang magtawanan sa nangyari, para kaming mga isip bata na pumatol sa mga isip bata din. 

"Oh nasaan ang mga parents niyo?" tanong ng Pulis. 

"Sir, nasa tamang edad na kami hindi na namin kailangan ng magulang" natatawang sagot ng kaalitan ni Kleo. 

"Kung ganon ay bakit humantong kayo sa ganitong sitwasyon kung malalaki na kayo? Alam niyo na dapat ang tama sa mali" seryosong pinagsabihan ng pulis ang mga walang modong nakaalitan namin. 

"What happen? Parang bumili lang ako sa dept. store eto na kayo?" nangibabaw ang boses ng babaeng kasamahan nila. Tumingin ito sa akin mula ulo hanggang paa, at sa kamalas-malasan na naman ay nagkita na naman kami ni Carl sa Police Station. 

"Kelley?" nagtatakang tanong ni Carl sa akin. 

Tumingin ang babae kay Carl. 

"You know her?" malditang tanong nito. 

"My Ex, ate" nakangiting sagot nito sa tinatawag niyang ate.

"Oh, it's that her? The super outcast?" nakangising ngiti nito habang nakatingin sa akin. 

"Sis, look? she bitten my shoulder!" umiiyak na kwento ng isang babae. Nanglaki naman ang mata nito at tuminging muli sa akin. Lumapit siya at akma niya akong sasampalin, niyakap ako bigla ni Jelay pero hindi pa rin tumama ang mga kamay nito sa amin. 

"Sebastian?" bigkas ng babae sa pangalan ni Sebastian. 

"Yeona," sagot ni Sebastian. 

Nagkatinginan kami ni Jelay at nagtaka na magkakilala sila nito. 

Rent A Gentleman 1 (KELLEY & SEBASTIAN STORY)Where stories live. Discover now