Rent A Gentleman - 9

20.9K 394 103
                                    

First day kung saan magmemerge ang aming event organizing team at ng Carl's Events Team. Naniniwala akong kahit hindi kami in good terms ni Carl ay wala siyang gagawing ikasisira ng both teams. Pero nag-aalala lang ako sa pwedeng mga gawin ni Carl sa akin habang magkasama kami sa iisang lugar. 

Huminto ako saglit sa harap ng bake shop para bumili ng iaalmusal, habang naghihintay ng order ay naalala ko na naman ang pag-uusap namin ni Sebastian at hindi ko pa din ma-accept kung gaano ako katanga these past few days. 

"Here's your order!" nakangiting sabi ng bake shop staff. 

"Thank you!" nakangiti kong kinuha at lumabas ng shop. 

Habang nagmumuni-muni papasok ng opisina, nag-vibrate naman ang aking cellphone. 

Jelay's message: 

Huwag mong kalimutan na birthday ni Kleo today, kakain tayo outside! :) 

Oo nga pala birthday pala ng kapatid ko, sa dami ng tumatakbo sa isipan ko nawala na sa isip ko ang mahalagang araw ng kapatid ko. Ibinulsa ko ang cellphone ko at nagmadali nang maglakad papunta sa opisina. 

Kasabay ko namang pumasok sa building sina Carl at ang mga kasamahan niya. Nakakapanibago lang at di naimik si Carl, pero masaya ako na walang masasakit na salita ang bungad sa akin ngayong umaga. 

"Good morning Ms. Kelley" bati ng mga kasamahan niya. 

"Good morning din po sainyong lahat, welcome sa Montereal Corp." nakangiti kong bati pabalik sa kanila, pero di pa rin naimik si Carl.

Nakasalubong ko naman si Sebastian na papasok sa opisina ni Sir Frank. Napahinto kaming lahat at nagbigay galang sa Presidente. Itinaas niya lamang ang kanyang mga kamay at dumiretso papasok. Ihinatid ko sila Carl sa magiging opisina nila sa kumpanya for two months, bilang empleyado ng Montereal Corp. ay tinulungan ko din silang mag-ayos ng kanilang mga computer. 

"Kung meron pa kayong kailangan, just let me know. Nasa kabilang room lang ako" nakangiti kong paalam sa kanila. 

Umupo ako at nag-inat ng malala dahil sa pagod, pero di ko naman inalintana ang sakit ng likod ko sa pagaasikaso ng mga computer nila. Sinimulan ko nang ayusin ang mga documents na kakailangan sa meeting mamaya with the client. Mga possible suppliers andvenues ang naatas sa akin. Kaya wala akong ginawa kung hindi mag-research ng mga pwedeng suppliers. 

May kumatok naman bigla kaya napatigil ako sa pagtatype. 

"Meeting in 30 minutes, Kells" paalala ni Sir Frank. Kinuha ko ang mga dokumento at dumiretso sa meeting room. Binuksan ko ang ilaw, aircon, inayos ko ang mga upuan, inilagay ko ang mga folders sa bawat table, at pinaalalahan ang boss na malapit na mag-start ang meeting. 

Nagsimulang magsipasukan ang lahat kasama ang client na sinasabi ni Sir Frank. Masaya silang mag nagsiupuan at nagkuwentuhan. Sumunod namang pumasok sila Carl at ang kanyang team at huling pumasok si Sebastian. 

"Good morning everyone" bati ni Sir Frank, umupo ako sa  tabi niya at binigay ang iba pang documents na kailangan niya. 

"I would like you to welcome our precious client for a very long time, the SM Corp." Nagsipalakpakan ang lahat at binati ang aming kliyente. 

"Thank you so much, Frank. Its been such a long time since I saw you, well actually this is the 50th Anniversary of the company, and all the branches will be there too so I am expecting that you'll give me a successful event because this is once in a life time" nakangiting paliwanag nito. Pumalakpak muli ang mga tao sa meeting room. Tumayo si Carl to give their presentation about magiging flow ng buong anniversary ng SM Corp. Infairness naman kay Carl, he gives his best pa rin when it come to his passion.  

Rent A Gentleman 1 (KELLEY & SEBASTIAN STORY)Where stories live. Discover now