Nakahiga sina Kleo at Jelay sa higaan nila at tahimik na mga nag-iisip. Hindi malaman ni Jelay kung san siya pupuwesto dahil sa sobrang gulo niya niyakap siya ni Kleo at iniharap sakanya.
"Ano bang problema mo babe?" Seryosong tanong ni Kleo sakanya. Nakatitig lang si Jelay at iniisip ang isasagot sakanya at nang maisip niya na bumuntong hininga ito.
"Naisip ko lang na, nauna pa sila Kelley at Sebastian na maengage kesa satin? Naiinggit lang ako" Malungkot niyang kwento kay Kleo.
"Ala nga naman sumabay ako? Edi wala ng excitement? Saka hayaan mo nalang na ako makaisip kung kailan tayo dapat maengage diba?" Natatawang sagot ni Kleo kay Jelay. Umismid naman ito at sumimangot sakanya. Niyakap ng mahigpit ni Kleo si Jelay pero nagpipiglas ito at lumabas ng kwarto.
Dumiretso sa kusina si Jelay at kumain nalang ng natirang pagkain kagabi. Pero sinundan siya ni Kleo at kinain ang kakainin niya sanang pagkain.
"Ano ba?! Naiirita ako sayo Kleo!"
"Let's get married today!"
"I'm not in the mood for your silly joke! Dyan kana nga!" Tumayo si Jelay ng masama ang loob ang loob kay Kleo nakita naman ito ni Sebastian at Kelley at hindi nila mapigilang matawa sa dalawa na nagaaway nanaman ng parang bata.
"I'm going to work. Wag kang lalabas ng bahay ng walang kasama. Tawagan mo lang ako if you need something okay? I love you!" Sweet na sweet na sabi ni Sebastian sa dalaga, hindi naman mapigilang ngumiti ni Kelley sa mga nasambit nito. Umalis si Sebastian matapos mag-almusal kala Kelley, ayaw pa sana nitong umalis subalit marami pa siyang tatapusin sa opisina.
🔘⚫️🔘
Naisipan kong umuwi ng bahay dahil kukunin ko na ang mga gamit at mga damit na natitira ko dito. Nakahanap na kasi ako ng bahay na uupuhan desidido na din akong lumipat, magbukod at mag bagong buhay.
Kung gusto ko talagang magbago kailangan kong lumayo kasi hindi ko mauumpisahan yon sa sarili ko kung parati ko pa ding makikita at makakasalamuha si Yeona. Sana naman wala siya dito ngayon, kahit ngayon lang.
BINABASA MO ANG
Rent A Gentleman 1 (KELLEY & SEBASTIAN STORY)
ChickLitPagdating ko sa Hotel hindi ako agad tumungo sa lobby sa kdahilanang natakot ako bigla. Mabuti na lamang ay may isang lugar sa hotel na hindi pansinin nang mga tao, pumasok ako sa maliit na garden at may upuan doon sakto para sa isang katulad kong n...