Rent A Gentleman - 8

22.2K 455 89
                                    

Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong paniwalaan na si Sebastian ang kapatid ni Sir Frank? Ang CEO? Na napagkamalan kong nirentahan ko nung nakaraang araw. Lumabas ako ng meeting room kung saan natigil muna ang meeting dahil sa masayang sinalubong ng mga board of directors ang CEO ng kumpanya. 

Kumuha ako ng baso at kumuha ng tubig, pero bago pa man din ako makainom ay may humawak sa aking mga braso at hinila ako malapit sa hagdanan. 

"Ano na naman ba ito, Carl?" nabubwiset kong tanong sa kanya. Batay sa itsura niya ay hindi na siya makapagpigil na sabihin ang mga nais niyang sabihin. 

"Let's end this here, Kelley. Yung closure na gusto mo, ito na bibigay ko na" seryoso niyang sabi sa akin. Natawa naman ako ng bahagya sa kanya at ininom ang tubig. 

"Alam mo Carl, let's be professional please? Actually I don't mind you at all" kalmado kong sagot sa kanya. 

"Then let's don't see each other! Mag-resign ka dito" nagpantig ang tenga ko sa sinabi ni Carl, na tila hindi niya iniisip na masyado na siyang makasarili at sarili lamang niya ang tanging iniisip niya. Binagsak ko ang baso at tumingin sa kanya, sa puntong ito punong puno na ako. 

"You know what Carl? I've been working here for three years! Three f**king years! Tapos ito ka sasabihin na mag-resign ako dahil lang sa hindi mo matanggap na magkalevel tayo? na naka move on na ako sayo?" natahimik siya sa mga sinabi ko pero muli siyang ngumiti at lumapit sa akin, tinulak niya ako kaya naman napaupo ako. 

"You're a piece of shit, Kelley!" sigaw niya. 

Tumayo ako at sinampal ko siya. 

Binigay ko ang buong lakas at galit ko sa pagsampal ko sa kanya. 

"You f******g devil! F*** yourself! Go f***yourself! Anong akala mo sa akin, tititig na lang ako sayo tapos iiyak ulit? I am not the Kelley you used to know! Kung hindi mo kayang kasama ako ikaw ang umalis, I will never ever stoop down to your fucking level! Para kang bakla, wala ka bang bayag?!" nanginginig kong inilabas ang gusto kong sabihin noon. 

Umalis ako at nagmadaling pumasok sa CR ng mga babae. Doon ko napansin kung gaano ako nanginginig sa nangyaring pagsampal sa mukha niya. Sa sobrang proud ko sa sarili ko ay tumawa ako ng tumawa hanggang sa sumakit ang aking tyan, natigil na lamang ako ng ipatawag ako ni Sir Frank sa loob ng meeting room. 

"T******! Sorry! sige po pabalik na po" natatawa kong sagot. 

Sa sandaling saya ko nung mga oras na iyon ay nakalimutan ko si Sebastian, napatingin ako kay Carl at namumula pa din ang pisngi niya. Pag-upo ko sa tabi ni Sir Frank tinanong niya kung saan ako nanggaling. 

"Nag CR lang ako, Sir" nagpatuloy ang meeting sa gitna nila Carl at Montereal Corp. 

Walang nagawa si Carl kung hindi pumayag sa gustong mangyari ni Sir Frank. 

"Do you have any questions?" tanong ni Sir Frank kay Carl. 

"Yes, I would like that Ms. Kelley and I to work five times a week. Para naman masiguro kong magiging maayos siyang katrabaho," napairap ako sa gusto niyang mangyari pero bigla na lamang nagsalita si Sebastian. 

"And I would love to invite you Mr. Carl and the rest of your team to use our Main Office while working with our staff, so we can be sure na gagawin niyo din ng maayos ang trabaho niyo" nakangiting suggestion nito sa meeting. 

Pumayag naman ang mga Board of Directors sa gustong mangyari ni Sebastian. 

Tumayo si Carl at pumayag sa suggestion ni Sebastian. 

"Then give us some days to move, Mr. President.." nakatitig na sagot nito kay Sebastian

"The meeting is now adjourned" masayang sabi ni Sir Frank. 

Rent A Gentleman 1 (KELLEY & SEBASTIAN STORY)Where stories live. Discover now