Rent A Gentleman - 15

20.8K 404 71
                                    

"You resigned?" nag-aalalang tanong ni Sebastian kay Kelley. Tumungo lang ito. Hindi mapakali si Sebastian sa nalaman niya kaya naman inisip niya kung paano mapapagaang ang pakiramdam ni Kelley. Inisip niya din kung anong dahilan kung bakit nagdesisyon itong umalis sa kumpanya. 

"Kelley, don't tell me dahil aalis ako dito kaya ka nag-resign?!" nanglalaki ang mga mata ni Sebastian sa pagkakatanong nito. Agad namang tumawa ng malakas si Kelley dahil sa tanong ng binata. 

"Of course not! I don't think makakatagal pa ako dito. Mas need kong protektahan ang aking mental health kesa makaharap sila palagi" nakangiting paliwanag ni Kelley sa kanya. 

"Well since you are here, may kukunin lang ako sa office. Let's eat somewhere nice? Come with us, Lily" nakangiti nitong alok kay Kelley at Lily. Agad namang pumayag si Kelley at Lily. Nagmadali siyang sumakay ng elevator para kunin ang ilang dokumentong naiwan niya sa opisina. 

Sa paglabas niya ng elevator ay dumiretso siya sa opisina niya, kinuha niya ang mahahalagang dokumentong iniwan niya sa vault. Napansin niya namang may nakatayo sa may pintuan kaya napatingin siya dito. 

"Sebastian," tawag sa kanya ni Frank. 

"Frank" malamig na sagot ni Sebastian. 

Lumapit ito sa kanya at umupo sa kanyang upuan. 

"I am so sorry for what happen last night, I just-" napatigil si Frank ng ipakita ni Sebastian sa kanya ang mga papeles na iiwan sa kanya. 

"This company was built by mom not by dad, kung gusto mo ng proofs may mga iniwan si mom bago siya mamatay, I am actually the owner of this company dahil nasa will 'yon ni Mom. But here I am, I am giving you this company cause you deserve it. So I hope na alagaan mo ang kumpanyang pinaghirapan ni Mama" seryosong pagpapaliwanag ni Sebastian sa kapatid. Tinuloy niya ang pagkuha sa mga naiwang mga dokumento at saka naglakad papalabas ng opisina pero huminto muli si Sebastian. 

"And I wanted to tell you, I am recruiting Kelley as of today. Bye" at tumuloy na siya sa paglabas. Naiwan namang magulo ang isip ni Frank dahil sa mga sinabi ni Sebastian. Sa pagbalik ni Sebastian sa lobby nakita niyang, nasa paligid na naman ni Kelley ang magkakapatid, kaya naman nagmadali siyang pumunta sa tabi nito. 

"Let's go? Lily come on" tanong ni Sebastian. 

"And where do you think you're going?" tanong ni Yeona kay Lily. 

Napahinto si Lily sa tanong ni Yeona, napangiti naman si Sebastian at humarap kay Yeona. 

"Wala na bang karapatang kumain ang mga empleyado dito? It's 12 o'clock" nakangiti nitong sagot. Napairap naman si Yeona at napakunot ang mga noo. Lumapit si Yeona kay Sebastian pero mabilis na hinila ni Kelley si Sebastian para lumabas na ng Lobby. 

"No time for your drama, bye" nakangiting sabi ni Kelley kay Yeona na halos umusok ang ilong sa sobrang inis. Masaya silang lumabas ng building at sumakay sa sasakyan ni Sebastian, manghang mangha si Lily sa ganda ng sasakyan nito. 

"Saan niyo gustong kumain?" nakangiting tanong ni Sebastian. 

"Sir, may bagong bukas na steak restaurant diyan sa may kabilang street, baka magustuhan niyo" masayang nagbigay ng ideya si Lily. Napangiti naman si Kelley at Sebastian sa magiliw nitong awra. Habang masayang kumakain ang tatlo ay di na napigilan ni Sebastian na sabihin ang mga gusto niyang sabihin. 

"Kelley, would you like to work with me?" halos mabulunan si Kelley sa pagtatanong nito ni Sebastian, agad namang siyang binigyan ni Lily at Sebastian ng pamunas. Nagpunas si Kelley ng bibig at inayos ang pagkakaupo dahil halos mahulog na din siya sa kinauupuan niya. 

Rent A Gentleman 1 (KELLEY & SEBASTIAN STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon