Chapter 1.3- Cephrins Gang (Princes' of Hell)

91.9K 1.6K 109
                                    

HAIBARA

Pagkarating namin sa tapat ng Music Room ay may tumutugtog ng Piano. Pinakinggan lang namin ang tugtog.

"Hannah, ang ganda ng boses niya." komento ni Ash nang magsimula nang kumanta 'yung nasa loob.

I met you in the dark
You lit me up
You made me feel as though
I was enough
We danced the night away
We drank too much
I held your hair back when
You were throwing up

Napapapikit nalang din ako habang dinarama 'yung boses niya. Ang sarap pakinggan. Ang lamig ng boses niya. Para siya mismo 'yung kumanta.

Then you smiled over your shoulder
For a minute I was stone-cold sober
I pulled you closer to my chest
And you asked me to stay over
I said, I already told you
I think that you should get some rest

Napapasabay nalang din sina Miwa at Yui sa kumakanta. Pagdating sa music, si Miwa at Yui ang adik sa aming anim. At ako, mahilig din pero hindi ako masyadong biniyayayaan ng maganda boses.

I knew I loved you then
But you'd never know
'Cause I played it cool when I was scared of letting go
I knew I needed you
But I never showed
But I wanna stay with you
Until we're grey and old
Just say you won't let go
Just say you won't l ----

Naalerto kami nang bigla siyang tumigil sa pagkanta at pagpia-piano. Napadako ang paingin ko sa pintuan at medyo nakabukas ito. Sumilip ako sa loob at nakita ko ang isang lalaki na may kausap sa Phone. Hindi ko marinig ang boses niya pero batay sa paggalaw ng mga balikat niya, parang na-excite o nagulat siya nung sinasabi sa kaniya nung kinakausap niya sa phone.

Napaatras agad ako nang tumayo siya at humarap sa Pinto. Sinenyasan ko agad sina Ash na magtago pagdumaan 'yung lalaki. Nagtago ako sa likod ng isang pillar at nanatiling nakasilip. Medyo madilim naman dito kaya sigurado ako na hindi niya kami makikita.

Makalipas ng ilang minuto ay lumabas na siya. Tumigil pa nga siya sa tapat ng pinto at luminga na parang may hinahanap. This guy...matalas ang pakiramdam niya. Nang wala siyang napala kakalinga, umalis na agad siya. Dahil madilim dito at nasa bandang pupuntahan niya ang liwanag, ang nakita ko lang ay isang silhouette. Nang masiguro ko na malayo na siya ay tsaka ako lumabas sa pinagtataguan ko.

His voice.....nadadala ako. Parang meron siyang tao na nawala sa kaniya nang tuluyan.

"Uy, si Hannah. Na-inlove ka no?" pang-aasar ni Ash. Umiling-iling alang ako habang nakangiti.

"Baliw." saad ko at pumasok na sa Music Room. Sumunod naman agad sila sa akin.

****

CONAN

"Ms. Beatrice, totoo po ba ang sinasabi niyo?" tanong ko pagkapasok ko sa Library. Nagulat naman siya sa boses ko nang marinig niya ako at napahawak pa siya sa dibdib niya.

"Conan, matanda na ako. Wag mo ako basta-bastang gugulatin." saad nito. Lumapit ako sa kaniya at tinanong agad siya.

"Asan na 'yung papel? Asan na?" pangungulit ko. Kinuha naman agad niya ito at pinakita sa akin. Naningkit ang mga mata ko sa nabasa ko.

"Ano 'to? Puro dots at dash lang naman 'to e." saad ko. Totoo naman. Puro dots at dashes lang naman. Akala ko matuturo na ako sa kinalalagyan niya. Hays. Napa-tsk si Ms. Beatrice habang umiiling-iling.

"Conan, morse code ang tawag diyan. " saad niya. Nangunot naman ang noo ko. Code?

"Kung Code 'yan, sabihin mo na agad kung anong ibigsabihin niyan!" bulalas ko. Desperado na ako, oo. Matagal ko na siyang hinahanap, at ngayong may lead na ako, hindi ko mapigilan ang sarili ko na masabik.

Daredevil GangstersWhere stories live. Discover now