Chapter 14.2 - Conan's Realization.

43.3K 675 47
                                    

Ai-chan's Note: 

#ConanRealization

___________________

CONAN'S POV

"Hello, Ai-kun?! Hey! Sumagot ka! Anong nangyayari?!" sigaw ko ulit sa kabilang linya ngunit wala akong natanggap na kung anong sagot. Napasabunot ako sa buhok ko.  Bakit siya sumigaw? May nangyari bang masama sa kaniya? Teka, bakit nga ba ako nag-aalala pa sa kaniya?! Tandaan mo, Conan, siya ang pumatay sa Tito mo! Ano ba?! 'Wag ka ngang ma konsensya.

Iwinaksi ko muna sa isipan ko ang tungkol sa kaiya at pumunta sa klase ko kaso 'di pa ako nakakapunta roon ay may mga nagtatakbuhan na estudyante na papunta sa isang direksyon. Nagugulumihan ako kaya hinila ko 'yung isang estudyante at tinanong ko ito.

"Anong nangyayari?"malamig kong tanong sa kaniya. Halatang natakot siya sa tono ng boses ko kaya siya ay napalunok. Tsk, hurry! May masama akong kutob dito at siguro naman, hindi mangyayari ang kung ano man ang nasa isipan ko ngayon.

"M-may aksidente r-raw." Nauutal niyang saad. Kusang bumitaw ako sa braso niya kaya naman kumaripas siya ng takbo. Tsk, kalalaking tao. Tumaliko na ako mula sa direksyon nila at pinagpatuloy ang paglalakad. Aksidente? Pakielam ko naman duon?!

Napapihit ang mga paa ko nang hindi ko alam at para bang may kusa itong buhay para sundan din sila.

Habang natakbo ako ay nahagip ng mga mata ko sina Ash, at nakapinta ang pag-aalala sa mga mata nila. Ngunit, iniwaksi ko muna iyon at nagpatuloy lang sa pagtakbo papunta dun daw sa 'aksidente' kuno. Teka, hindi ba't kaibigan nina Ai-kun sina Ash? Hindi kaya may alam sila?!

Napatigil ako sa pagtakbo at halos mapapigil ang hininga ko nang makita ko na ang insidente harap-harapan. Teka, kamukha 'yan ng kotse ni Ai-kun p-pero, hindi naman siya siguro ang nakasakay diyan, hindi ba? Hindi naman siguro.

Ngunit, isang sigaw ang nagpatunay na siya nga ang nakasakay dito.

"Hannah!" sigaw ni Ash at dagling tumakbo patungo duon sa sasakyan.  Halos pagbagsakan ako ng langit at lupa sa narinig ko. Hannah, tawag nila 'yun kay Ai-kun. S-siya nga ang nasa loob ng kotse? Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung pupunta ba ako o mananatili ako sa kinatatayuan ko.

Luminga ako, nasaan.....nasaan ang mga pulis?! Ba't hindi agad nila ito inaasikaso?!

Napatingin ako muli sa insidente nang biglang sumigaw si Miwa.

"Hey you!" sigaw niya habang nakaturo sa Guard. Nanlilisik ang mga mata niya at halata rito ang nagbabadyang luha na pinipigilan niya lang.

"Koko de oretachi o tasukete, anata wa moumoku ka? (Help us in here,are you blind?) "malamig na sambit ni Miwa tsaka pumunta sa Guard at kinwelyuhan. Napasinghap naman ang mga kaklase namin sa tinuran niya. Hindi nila 'yun ine-expect.

"Miwa....." napatingin ako kay Yui nang bigla nitong banggitin ang pangalan ni Yui. Nakatulala siya kaya kusa namang gumalaw ang mata ko at sinundan kung saan siya nakatingin.

D-dugo?

"Shit! Yui, don't look at that!" sigaw ni Miwa na may bahid ng awtoridad at tinakpan ang mata ni Yui. Hindi ko alam kung namamalikmata ako pero nakita ko ang pag ngisi ni Yui na parang demonyo lang kanina. Napatingin din ako duon sa dugo.

T-teka, kay Ai-kun ba 'yan? Teka, bakit ako nasasaktan? Hindi ba dapat maging masaya ako? Kasi, karma niya 'yan! 

Nagising ako sa reyalidad nung inalis na nung Guard 'yung tao duon sa sasakyan at unti-unti niya itong nilalabas.

Daredevil GangstersWhere stories live. Discover now