Chapter 20.1-Protectors

32.2K 634 34
                                    

Ai-chan's NOTE: Pangalan ng new characters ay derived from "Mekakucity Actors at Akuma no Riddle"  

READ BETWEEN THE LINES, Enjoy Reading!

-------------------------------------------------------------------

HAIBARA'S POV

"Silent Brutalities? Anong ginagawa nila rito?" bulong kong saad.

Mas ipinagbuti ko pa ang pagtatago sa kung nasaan ako ngunit itinuon ko lamang ang tingin ko sa tapat ng Elevator kung nasaan sila.

Anong ginagawa nila rito? Nakakapagtaka naman.

Lumaki ang mga mata ko ng bigla silang pumunta sa tapat ng Condo Unit ni Robin.

Teka, Anong nangyayari?!

Nag-Doorbell 'yung isang lalaki na may berdeng buhok pero hindi ko makita ang mukha niya dahil natatakpan 'to ng Hoodie tapos 'yung pantalon nung lalaki ay nakatupi sa kaliwa nitong binti.

Bumukas na 'yung pinto nung Condo at mas lalong lumaki ang mga mata ko nang pinapasok ni Robin ang Silent Brutalities.

Anong ibigsabihin nito? Nang makapasok na sila ay tsaka ako lumabas sa pinagtataguan ko.

Alam kong alam nila na hindi sila nag-iisa na kasali sa Battle of Thrones na naandito.

Naglakad ako patungo sa Condo Unit ni Robin nang sobrang bagal. Silent Brutalities ang sikat na Gang/Assassins Crew sa buong Gangster/Assassins World.

Parehas ko sila na Gangster at Assassins.

Tuwing lumalaban o bumibisita sila sa Gangster World at Assassins World ay palagi silang nakamaskara.

Siguro nagtataka kayo kung paano ko sila nakilala, 'Yun ay dahil sa mga Hoodie nilang suot.

Parang normal lang tignan ang disenyo ng kanilang mga Hoodie pero hindi nila alam ay isa nang logo 'yun.

Ang Grupo nila ay nakikilala sa logo nitong "MP4". Weird,right? Pero gano'n ang logo nila.

Ang itsura nang isang MP4. At ang isa pang nag sisimbolo nila ay ang kanilang mga HeadPhones.

Marahil 'yun ang kanilang Thing's Symbolization.

Di nagtagal ay nakarating na ako sa tapat ng Condo Unit ni Robin.

Inihanda ko ang sarili ko pero bago 'yun ay sumulyap ako sa sing-sing ko,

Lumaki ang mga mata ko nang mapagtanto na dalawang pulgada lang ang layo namin.

Napaharap ako sa Pinto. Ibigsabihin, Nasa kabilang Pinto sila ibigsabihin, Inaabangan nila ako?!

Akmang aalis na dapat ako ng biglang may nagbukas ng pinto at tsaka hinablot ang braso ko papasok sa Condo Unit.

Pagkahatak niay ay bigla niya akong isinandal sa pader at tsaka tinutukan ng punyal sa leeg.

"Sino ka?" tanong niya. 

Blangko lang ang reaksyon ko hanggang ngayon.

Inangat ko ang paningin ko at tumingin sa mukha niya.

Teka, siya yung kaninang lalaki na may berde na buhok.

Napatigil ako,Teka...Tumingin ako lalo sa mukha niya lalong-lalo na sa buhok niya. T-teka...

"B-Babae ka?!" bulalas ko at bigla siyang naitulak. Teka, Babae siya? Pero paano?

Daredevil GangstersOnde histórias criam vida. Descubra agora