Chapter 17.2-The Tears

35K 620 49
                                    

 Dedicated 'to sa kaniya, thanks hah!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CONANS POV

"O-oka-san? (M-mother?) nauutal kong saad.

Inihakbang ko ang isa kong paa paloob sa silid ngunit napatigil ako ng bigla itong ngumiti saakin. Inihakbang ko muli  ang aking isang paa ngunit napatigil na naman ako ng bigla siyang tumakbo patungo saakin. Habang tumatakbo siya ay parang mabagal ang lahat. Mabagal ang bawat pag-galaw niya. Napakurap nalang ako ay andito na siya saakin at niyayakap ako. Naramdaman ko nalang na basa na pala ang balikat ko. Teka, umiiyak ba siya?

"A-anak, I-ikaw na ba yan?" saad niya sa gitna ng paghikbi niya.

Ako naman ay nakatulala lang at kahit gusto kong magsalita at tumugon na ako ay ang anak niya ay tila ba'y walang lumalabas na salita sa aking bibig. Natuyan narin ata ako sa lalamunan.

"Ahh! Ang sweet naman ng mag-ina" singit pa ni Tita Ayumi kaya nagising bigla ako sa reyalidad.

Napangiti tuloy ako ng wala sa oras at hindi naglaon ay bumitaw narin siya sa pagkakayakap saakin.

"Anak,hayaan mo akong magpakilala saiyo, hindi mo na siguro naalala ang mukha ko at ang tanging palatandaan mo lang ay an scar ko sa aking pisngi na 'X'" saad niya at tsaka pinahidan ang luha niya.

"Ako nga pala si Christa Villafuerte, ang Empress San ng Assassin World at ang tangi niyong ina ng yumaong si Akie" pagpapakilala niya ngunit nang sa bandang dulo na ay biglang lumungkot ang kaniyang tinig.

Nakayuko na siya ngayon at nasisilayan ko na pumapatak ang mga luha niya. Habang ako ay nakatitig lamang sa kaniya. Nahahabag ako sa kalagayan niya ngayon.

"It's Okay" kaswal kong saad at pumunta na sa tabi ng higaan ni Ai-kun.

Nakahiga siya at maraming naka-kabit sa kaniyang mga tubo. Tila ba'y kada oras na lilipas ay pwedeng ang buhay nya ay maamis. Hindi ko kakayanan iyon.Hindi ko lubos maisip pagwala siya sa tabi ko buong buhay ko. Iisipin ko palang ay nanghihina na ako pagwala siya. Hindi ko kayang mabuhay pa. Hindi ko tuloy namalayan sa pag-iiisip ko na umalis pala sina Tita Satoshi at Tita Ayumi pati narin ang ina ko. At sa mga oras na iyon ay tumulo na ang mga luha ko.Hinawakan ko ang kamay ni Ai-kun.

"Ai-kun, nagmamakaawa ako saiyo, please,gumising kana, ayoko nang maulit pa ang dati na nagkaganito ka"lumuluha kong saad. 

Hinawakan ko pa ang isa pa niyang kamay. Idinikit ko ito sa mukha ko. Lumipas ang ilang minuot ay bigla itong gumalaw. Nagulat ako kaya marahan kong binitawan ang mga kamay niya at tsaka pinunasan ang aking mga luha.

"Ai-kun? Gising ka na b----" naputol ako ng bigla itong parang nanginginig at ang pagtibok ng puso niya ay unting-unting bumabagal base sa machine na nabasa rito.

Nagpanic ako. Pinundot ko ang Nurse's Button. Ilang beses ko pa itong pinindot.

"NURSE! NURSE!" sigaw ko pero wala paring dumarating.

Tinitigan ko ulit ang heartbeat machine at bumabagal na bumabagal pa ang linya nito. Wala na akong choice kundi lumabas at tumakbo papunta sa Nurse Section na nasa floor lang na ito at ilang metro lang ang layo.

Nang makarating ako ay naibaling ng mga nurse na naroon ang ulo nila saakin ngunit binawi nila ito at tinuon ang atensyon nila sa mga papel na hawak nila.

"Room ni Haib----" saad ko ngunit naputol dahil pinutol nila bigla.

"Mamaya nalang sir, may gagawin pa kami" saad nung nurse.

Naiyukom ko ang kamao ko at nasuntok ko ang pader kaya nabutas iyon at dumudugo ang kamao ko pero wala akong pakielam roon.Humarap ako muli sa mga nurse at halata ang takot nila lalong-lalo na ang mga doctor na naroroon.

"Sir,kailanga niyo pong baya---" saad nung nurse pero pinutol ko na siya kaagad.

"ROOM NI HAIBARA AI HYDE,NOW!!!!!" sigaw ko sa kanila kaya napatalima kaagad sila ng sabihin ko ang 'Hyde'.

I just watch them walk away at kusa na namang tumulo ang mga luha ko. Naiyukom ko ang mga kamao ko.Tumakbo kaagad ako papunta sa room ni Ai-kun.

Pagkarating ko roon ay napatigil ako sa tapat nito dahil andito narin sina Tita Ayumi at Tito Satoshi pati narin si Mama. Humakbang ako paloob at duon ko nakikita na si Ai-kun ay nag-aagaw buhay na. May bomba na siya sa kaniyang bibig at binibigyan siya nito ng hangin. Lumambot ang mga tuhod ko at napaluhod ako.

"CLEAR!" saad nung doktor at inilapat muli ang dalawang machine na kumukuryente kay Ai-kun.

Napaiwas ako ng tingin. H-hindi ko kaya siyang tignan ng ganiyan.Pumikit lamang ako habang nakayuko at habang nakaluhod ay nagdadasal ako. 

Panginoon, alam kong isa akong masamang tao at isa akong makasalanan na nilalang pero sana itong iiisa at tangi ko lang hiling ay sana pakinggan mo. Nagmamakaawa ako sa inyo. Wag niyo muna kukunin saakin si Ai-kun. Pakiusap, wag muna.....

Umiiyak na naman ako.

Nagising ako sa reyalidad ng...........

"Time of death, 10:00pm" 

Nanginginig kong inangat ang aking paningin. Nakita ko na umiiling na ang doktor at inalis narin nila ang mga tubo at mga nakakabit kay Ai-kun at tsaka nila ito tinakluban ng kumot. Hindi! HINDII!

Nang matapos sila ay dagli akong tumakbo patungo kay Ai-kun at bahagyang inalis ang parte ng kumot na nakatabon sa kaniyang mukha. Hinawakan ko ang kamay niya at nagsimula na naman akong umiyak.

"Ai-kun, bakit mo ako iniwan? Bakit?!" umiiyak na saad ko.

Naalala ko ang mga pinagsamahan namin.


"Ai-kun,I love you" 

Hindi ako papayag na mawala ka nang ganon na lang.

"Cy-kun, I'll wait for you" 

Hindi ako papayag! Naramdaman kong pumapatak ang mga luha ko at hindi ko na ito pinipigilan. Bakit pa siya namatay?! Bakit?! Wala naman siyang ginagawang masama kundi protektahan lang ang mga taong nakapaligid sa kaniya! pero b-bakit? Bakit sa kaniya pa nangyari ito? B-bakit saamin pa?! Kung kailan nagmamahalan na ulit kami ngayon pa nangyari ito! B-bakit siya pa? Marami namang iba diyan! pero bakit siya pa? B-bakit?

"Thank You and Goodbye,Cy-kun"

Iyang mga nakangiti niyang mga mukha na lumiltaw sa isip ko. Bakit hindi nalang yun bumalik pa? Bakit hindi? pwede bang ulitin nalang ang nakaraan at itama ang mga mali ko? Hindi manlang ako nakapag-patawad sa kaniya sa mga kasalan ko sa kaniya at higit sa lahat. Hindi niya pa alam na hindi ako ang nangloko sa kaniya! Bakit hindi manlang ako hinayaang ipagtapat sa kaniya nag totoo?

Lumuluha parin ako ngayon at ang isang luha ko ay dumiretso sa kaniyang pisngi at bigla itong naglaho dahil dumulas ito paibaba. Ai-kun, di na ba talaga kita mababalik pa?

Pumikit ako at tsaka hinalikan ang mga kamay niya.

"Please,stay and come back with me,Ai-kun" saad ko at kasabay non ay ang pagbagsak pa ng luha ko.  

Maya-maya ay..............

Gumalaw ang daliri niya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ai-chan's note: Ano okay ba? Sorry hah! Hindi kasi ako magaling sa Drama kaya ayan lang nakayanan ko. Sorry sa late UD at Short UD lang ito kaya inuulit ko. Pasensya, marami kasi talaga akong inaasikaso. Lalong-lalo na ang pagiging officer sa pagiging Choir. Sorry talaga guys. Sana maintindihan niyo naman ako :'(

PS: Thanks for reading!

Daredevil GangstersWhere stories live. Discover now